Chapter 1

808 26 41
                                    

"Kaya ba, Trey?" tanong ni Nigel sa akin habang hinihilot ko ang sentido ko. Tumango ako at nag thumbs up.

Inilahad ko ang kamay ko kay Ryone, "Teh, pahingi ng Katinko, White Flower, Efficascent Oil or whatever. Kahit ano." Tumatawa siyang inabot sa akin ang palagi niyang kasama na ointment.

Bibili na nga talaga ako nito mamaya! Mukhang kakailanganin ko sa araw-araw ngayong taon. Kumuha ako nang kaunti dito at hinilot ang ulo ko, pati ilong ay nilagyan ko na rin dahil sa sakit ng pakiramdam ko.

Ang project kasi na ipinasa sa akin ni Nigel ay ang literary folio, at ngayon ay tambak at puno ang e-mail account ko para sa mga submissions.

Kasalukuyan kong binabasa ang isang entry na mukhang galing sa Junior High. "Tatanggapin ba natin ang sa Grade 10?"

"Talaga? May nagpasa na JHS?" tanong ng Literary Editor ko na si Wynona. I shrugged, "Tungkol sa love, eh."

Lumingon silang lahat sa akin na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Napaisip tuloy ako kung ano bang mali sa sinabi ko. "Astraea, girl! Don't tell me..." lumapit sa akin si Ryone at niyakap ako mula sa likod ko.

Tumingala ako sakanya, "Don't tell you what?"

She gasped. "Omg!" napatakip pa siya sa bibig niya. Kumunot ang noo ko at nagsisimula na akong makaramdam ng irita. "Ano ba, guys?"

"Hindi ka pa... na-in love?" marahang tanong ni Nigel, nag-iingat na baka masaktan niya ang feelings ko.

Umiling ako. "Psh! Of course, not!" sabi ko dahil alam kong natural lang naman iyon. Come on, we're just in 12th Grade!

Maging sila siguro ay hindi padin— "I already had like ten boyfriends! I feel so dirty!" Nanlaki ang mata ko sa narinig.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at tinignan sila nang patanong, at lahat sila ay tumango lang sa akin na parang sinasabing, "Oo, Treya. Ikaw na lang ang hindi pa na-in love."

Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko! Humalakhak si Nigel, "Ayos lang yan. Iba-iba naman tayo ng bilis ng takbo sa buhay."

"Ilang taon ka na ba nung unang beses?" tanong ko sakanya. Hindi na siya nag-isip at agad sumagot. "Grade 11, so baka seventeen?"

"Pft!—" naiiyak na si Ryone sa tabi at nagrereact sa lahat ng pinag-uusapan namin. Binato siya ni Nigel ng kinakain niyang Nips. "Oh, ikaw ba? Ilang taon ka nung ikaw?"

Nagtakip ng mukha si Ryone gamit ang dalawa niyang kamay. "Ewan ko! May boyfriend na ako nung kinder!" pagkasabi niya nito ay tumakbo siya papalabas ng opisina.

Kaming mga naiwan ay humagalpak sa tawa dahil doon, pero agad napawi ang sa akin nang mapaisip ako. Ano nga ba ang pakiramdam ng nagmamahal?

Sumulyap akong muli sa isang tula na isinumite sa akin... parang masaya. Parang nakakatuwa. Sa bawat pantig ng mga salitang isinulat niya ay parang pinag-isipan at may isa siyang taong pinag-aalayan nito.

Mukhang masaya ang magmahal, pero hindi ko iyon masisigurado dahil ni minsan ay hindi ko pa naranasan.

Ngayon lang nga rin yata pumasok sa isip ko 'yan. "Friday ngayon, ah? Wala kang pasok, Ate Trey?" tanong sa akin ni Isobel. Napatingin ako sa wristwatch ko.

"Meron..." Nagmadali na akong tapusin ang huli kong binabasang entry at balak kong ipagpabukas nalang ang iba dahil 5 o'clock na. Pagkatapos ko nun ay isinara ko na ang computer at dali-daling inayos ang gamit ko.

Halos patakbo akong nagtungo sa pintuan habang nakasabit ang isang strap ng backpack ko sa balikat ko. "Una na ako! Happy weekends!" paalam ko sa kanila.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon