Chapter 8

292 15 39
                                    

Tapos na ang feature ko para kay Kenjiro, ibig sabihin ay tapos na rin ang pilit kong pakikisama sa kaniya... but he's literally everywhere.

Akala ko naman ay hindi ko na ulit kailangan makita ang mukha niya, nang sa wakas ay matigil na ang mga kakaiba kong nararamdaman kapag nandyan siya pero mukhang hindi naka-ayon sa akin ang tadhana.

Araw-araw silang nandito sa building namin, kasama iyong kaibigan niyang si Keann kaya hindi na natahimik ang tainga ko sa karirinig ng pangalan nila dahil sa usap-usapan!

"Sino daw ba ang may nililigawan doon sa section na 'yon?" tanong ni Francene habang nakaupo kami ulit sa may labas ng classroom at nakikita namin sina Jiro na nakaabang sa classroom sa kaparehong floor.

Nakatingin lang ako sa dalawang lalaki nang sumagot, "Baka si Manzanares? Mukhang matinik sa babae."

"Tologo bo?" Nagsimula nanaman si Ryone.

Tinignan ko siya kaya nagpatuloy siya, "I heard that Kenjiro is yet to have a girlfriend. So, paano mo nasabi na matinik siya? Kasi natinik ka?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the heck? Hindi pa nagkaka-girlfriend? Paano?

"Uy, 'di makasagot! Guilty!" Sumali na sina Erika at Wency sa pang-aasar ni Ry sa akin.

Niyakap ni Wency ang sarili niya at nag-sway, "Ikaw ba naman ang makasama ng isang buwan na kayo lang dalawa, syempre may loving loving!"

Hindi naman totoo ang mga sinasabi nila pero nararamdaman kong nag-iinit ang pisngi ko at nangingiti ako nang labag sa kalooban ko. "Stop it," suway ko sa kanila.

"Oh my gosh! Crush mo nga, Trey?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Ry, dahilan para mapalingon sa amin ang mga dumadaan. 

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang ingay, Ry! Syempre hindi!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa direksyon nina Kenjiro nang biglang may nagsigawan doon at may lumabas na babae. Tinatakpan niya ang mukha niya habang lumalapit sa kanila.

Tsk. Ganito ang tipo ni Manzanares?

Alam kong mali ang maisip 'to pero mas maganda naman ako sa kaniya. Pareho naman kaming morena...

Naramdaman kong tumalon ang puso ko nang makita na si Keann ang may dala ng bulaklak at ibinigay iyon si babae. Si Kenjiro ang tumulak sa kaniya.

Joke lang pala iyon. Maganda din pala siya.

"Ohh! Si Keann pala! Yung sumayaw nung party!" sabi ni Wency. Natawa kaming lahat nang maalala namin ang nangyaring showdown sa pagitan nila ni Matthias.

Tinapik ni Ry ang likod ko ng dalawang beses. "Nice! Safe pa si Trey!"

Tinabig ko naman iyong kamay niya palayo, "Safe ka d'yan? Paki ko ba kung si Kenjiro ang manliligaw."

"Wala naman akong sinabi!" nakataas pa ang kilay niya at may namumuong ngiti sa mga labi. 

"Uy naman... Jiro lang pala ang katapat."

"Ayieee!" 

Puno ng kantsyawan ang lamesa namin at bawat tumatagal ang mga pang-aasar nila sa akin ay mas lalong napupuno ng ideya ang isip ko! Lalong lalo na ng mukha ni Kenjiro!

Kapag naman hindi nila ako inaasar nang ganito ay hindi ko naman siya naiisip masyado... minsan lang. Umalis na ako doon para pumasok nalang sa classroom dahil vacant naman at naghihintay nalang kami ng dismissal.

Kahit naman kasi nandito siya sa building palagi ay ni minsan ay hindi pa kami nakakapag-usap ulit. Palagi ko siyang nakikita pero hindi niya ako nakikita. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon