Chapter 38

244 12 31
                                    

Pag-uwi namin ni Kenjiro ay may binasag siyang balita sa akin. "Nahanap ko na sina Amiel."

At talagang ngayon niya lang sinabi! "What? Kailan pa? Nasaan daw? Bakit ngayon mo lang sinabi naman, Kenjiro Louis!" sunod-sunod kong tanong. 

"Secret, magpahinga ka muna. Pagod ka na."

Hinampas ko ang likod niya. "Sa tingin mo makakatulog ako pagkatapos ng ibinalita mo sa akin? May sikre-sikreto ka pang nalalaman!"

"But it's good news, right?" tinatawanan niya lang ang iritasyon ko sa kaniya. 

Kahit anong pangungulit ko sa kaniya ay hindi niya talaga ako binigyan ng detalye. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pagod ay wala siyang ibang ginawa kung hindi umilag sa mga tanong ko at pasadahan ng mga daliri ang buhok ko na epektibo sa pagpapatulog sa akin. 

Kinabukasan ay ayaw pa rin sabihin ni Jiro sa akin! Ako na mismo ang napagod kakatanong at nagtiwala na lang sa kung ano mang binabalak niya.

"It's our first date after a long while, 'wag ka muna mag-alala." 

Siya ang nagsabi noon pero ginugol namin ang buong oras namin sa mall sa paghahanap ng mga ireregalo kay Amiel. 

"Hindi ko na alam ang itsura niya, ano na kayang kasya niyang damit ngayon?" 

"Kahit sa mga laruan, hindi na tayo sigurado, Trey. Take whatever. It's the thought that counts."

"Eh! Sayang naman!" 

Itinapat ko ang mga damit na pambata kay Jiro, mga magkakasya sa mga sampung taong gulang. "Bakit ako? Hindi ko kasya 'yan."

"Magkamukha kayo, tinitingnan ko lang kung ano ang bagay sa itsura niyo."

Naparami ang pinamili ko at halos puro kay Amiel. Si Lola at Tita ay alahas at mga bag ang binili ko para sa kanila. Ano pa bang pwede? 

"This is too much, already. Baka hindi magkasya sa sasakyan." sabi ni Jiro na nagmukhang alalay ko dahil sa dami ng paper bags na nakasabit sa kaliwang kamay niya pati balikat. Gusto niya kasing hawakan ang kamay ko doon sa isa. 

"Eh sapatos?" Tumigil kasi ako sa paglalakad nang dumaan kami sa isang shoe boutique. 

"No, Trey. Hindi natin alam ang shoe size niya."

"I know it-"

"When he was five."

Hindi na ako nakipagtalo pa dahil tama naman siya. Sadyang gustong gusto ko lang talagang i-spoil ang pamilya ko, isang bagay na hindi ko magawa dati. Para sa kanila naman lahat ng pinaghirapan ko, eh. 

Kahit bigo na ako ay pumasok pa rin ako doon para bilhan ng sapatos si Lola at Tita. Pero sobrang dami ng nabili ko para kay Lola dahil alam kong mas hilig niya ang mga ganito, may collection kasi siya. 

Pagkatapos ng lahat ng pamimili ko ay inilagay muna namin sa kotse ang lahat ng 'yon.

"Pagod ka na?" Naawa kasi ako kay Jiro na kanina pa sunod lang nang sunod sa akin tapos siya pa ang gustong magbitbit. 

Umiling siya, "No..."

I tiptoed to give him a kiss on the cheek, pero agad din siyang yumuko para magnakaw ng halik sa labi. 

"Thank you, Ji." Maliban sa pagsama sa akin dito kahit na date ang tawag namin ay ginawa niya in advance ang lahat ng kailangan niyang gawin para lang masamahan ako. 'Di ko sigurado kung natulog ba 'to dahil nakatulugan ko siyang nag-aaral pa kagabi.

"Amiel's my brother too."

Tumango ako. Muntikan ko nang makalimutan. 

Pagkatapos namin doon ay naghanap kami ng restaurant na makakainan. At si Jiro ay hindi talaga marunong pumili ng oras sa pagbibigay ng balita sa akin.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon