Matiwasay akong nagtatrabaho sa opisina at matatapos ko na sana ang isang article kung hindi lang dumating ang bwisit na to. "Nakakairita yung mukha mo!" iritable kong pagtataboy kay Jiro.
Nakasquat siya sa sahig habang nakaupo ako sa swivel chair pero halos magkapantay parin ang mata namin. Nakatutok siya sa akin. "I was born with this face, Trey."
"I know. Ilayo mo sa akin."
Tumawa naman siya at ginawa ang kabaliktaran ng sinabi ko. Sobrang nilapit niya ang katawan niya at lumuhod na sa sahig para mas makabalanse. Hawak hawak niya ang upuan ko kaya hindi ko ito magalaw palayo.
Grabe! "Lumapit ka pa, sige." sarkastiko kong sabi. Tutal naman ay ginagawa niya ang kabaliktaran ng sinasabi ko.
Iyon nga lang, sinunod niya ako ngayon.
"Ano bang problema mo, Manzanares?" tanong ko. Ang mapaglarong ngiti sa labi niya ay hindi pa rin nawawala, pero ang mga mata niya ay mas seryoso.
"You flat out denied that I am your friend. In front of me."
Kanina kasi ay sinusundan niya na ako papunta rito at may lumapit sa aming mas bata, tagahanga niya siguro, at tinanong kung kaibigan ko ba ito. Sabi ko, hindi.
Hanggang ngayon ay hindi niya parin ako tinitigilan dahil doon sa sagot ko. Parang batang nagtatampo.
"Bakit? Hindi naman talaga tayo magkaibigan," mataman kong sinabi. Biglang nag-iba ang ekspresyon niya, parang may bakas na ng pag-aalala.
Buong lakas kong inaalis ang kapit niya sa upuan nang magsalita siya, "Why?"
"Anong hindi malinaw, Manzanares?"
"Why am I still not your friend?"
"Because I do not need another friend."
"But I am your friend already."
"Hindi kaya."
"Then give me another place in your life. Kahit ano."
Sa patuloy na sagutan namin, ako ang hindi na nakapagsalita dahil sa huli niyang sinabi. Parang nagbibiruan lang naman kami kanina, ah? Seryoso niyang sinabi iyon.
Bumibigat ang paghinga ko dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Sinulyapan ko siya mula sa gilid ng aking mga mata at nakita ko na nasa akin ang buong atensyon niya.
No... 'Wag mo akong titignan ng ganyan, Jiro.
"You know what? I have an idea." sabi niya, dahilan para mabilis akong mapalingon sa kaniya.
"A-anong gagawin mo?" Tumayo na siya at tinalikuran ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero nararamdaman ko nang hindi ko 'to magugustuhan.
Lumabas na siya, hindi ako nilingon kahit ilang beses ko siyang tawagin. Hinabol ko siya hanggang sa may pintuan pero mabilis siyang naglakad papalayo, hindi kaya ng mga paa ko na abutan pa siya. "Manzanares!"
What the heck is he doing? Ngayon lang niya ako iniwan nang ganun! Ni magpaalam, hindi ginawa! Heck, pati nga pansinin ang mga tawag ko sa pangalan niya ay hindi niya magawa!
Iyon na ang huling beses na nakita ko siya simula nang magpasukan. Dati ay araw-araw siyang biglang susulpot sa building namin, tapos ngayon ay ni anino niya ay walang pagpapakita sa akin.
"Aw... Ang sad naman ng Astraea ko... Who hurt you?" pag-alu sa akin ni Ryone. Nakaupo kami sa may mga cabinet sa likuran ng classroom at nakahilig ako sa balikat niya.
Kinurot ko siya sa tiyan, "Gaga. Pagod lang ako."
Totoo nga na wala akong sigla at motivation nitong nakaraan pero hindi naman ako malungkot. Ano pa bang dapat kong ikalungkot, e sanay na sanay naman na ako sa ayos ng buhay ko?
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomantizmBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...