Chapter 30

235 15 32
                                    

Buong araw ay abala si Lola sa mga hair and makeup, damay na ako roon habang bored na bored ang dalawang lalaki. Nasa kwarto ako, sa harap ng vanity ko inaayusan ng makeup artist ni Lola.

Nakikita ko sa salamin ang nakatitig na si Jiro, nakaupo sa kama ko. He's in a floral polo, nakatanggal ang iilang butones hanggang makita ang maskuladong dibdib niya. Sa pambaba naman ay nakashorts siya na kulay beige. Ako ang pumili.

"Stop staring," I mouthed because he's too intense. Tumawa lang siya pero nagpatuloy pa rin sa panonood sa ginagawa sa akin. Light makeup lang naman na bumagay sa pagka-morena ko. Ang buhok ko ay pinanatili ko nang maikli dahil nakasanayan. Inayos lang iyon, nilagyan ng iilang palamuti at mukha pa ring natural.

"Ang ganda mo po, Ma'am!"

Tumayo na si Jiro at ipinatong ang mga kamay sa balikat ko, claiming his territory. Napausog tuloy si ateng nag makeup sa akin. "Of course, she's beautiful. I don't understand the need for makeup."

"Naku po! May anak na ba kayo? Ang gagandang bata siguro,"

Nahihiya akong tumawa habang nakakapit pa rin sa akin si Jiro. "Ay, wala po."

Nagpaiwan pa kami ni Jiro sa kwarto at nang kami nalang sa loob ay kumuha ako ng wax para ayusin ang buhok niya. "Umupo ka dyan," utos ko. Paano ba naman, tumangkad pa siya lalo habang ako, ang height ko noong Grade 12 ay height ko pa rin ngayon!

Hindi na tulad ng dati na undercut ang buhok niya. Clean cut ito na mas nagpapadepina sa hugis ng mukha niya. May panahon nga na humaba ng katulad ng kay Seth ang buhok niya, pero ayaw niya daw na magkamukha sila, kaya ayan.

Inayos ko lang nang kaunti ang sa bandang taas kahit hindi ko naman alam ang ginagawa ko. Nakapikit siya, hinahayaan ako na pag-eksperimentuhan ang buhok niya. "Inaantok ka na nga?"

"Medyo."

"Hindi pa nagsisimula ang party."

"I know,"

"Ate! Kuya!" Napatingin kami sa biglang nagbukas ng pintuan. Ang floral na damit ni Amiel ay halos kapareho nanaman ng suot ni Kenjiro. Parang mini Jiro na talaga 'tong isang to! Siya pa nga ang pinakamatangkad sa mga ka-edad niyang kaibigan. 

Nagpabuhat ito kay Jiro, masyadong nasanay na binubuhat namin, dala hanggang paglaki. "Your ate looks pretty, 'no?" ani Jiro.

Tiningnan ako ni Amiel mula ulo hanggang paa, halos kumikinang ang mata. Strapless bohemian dress na lagpas tuhod ang suot ko, at iilang mga alahas na iniregalo sa akin ni Tita Saki.  "Very pretty!"

"Mga bolero! Lumabas na nga kayo doon!" 

Nang makalabas sila ay ni-lock ko ang pinto at binuhay ang cellphone ko. Kanina ay may notification na e-mail doon, may kutob na ako kung ano pero hindi ko binasa agad sa takot na makita ni Jiro. Hindi pa naman ako sigurado.

Pagbukas ko nito ay tsaka ko palang nakumpirma. 

I have a job offer, malaki iyon... pero sa Maynila. Malayo sa tahanan ko, sa pamilya, kay Jiro. 

Hindi ako nagdalawang isip na nagtipa at tinanggihan iyon. There is no way I'd leave Pampanga. Kaya kong maging matagumpay dito... I'd build a name for myself here. Hindi ko kailangang umalis para lang may mapatunayan.

Mabigat sa pakiramdam, dahil isang malaking hakbang yon palapit sa mga pangarap ko pero ayaw kong umalis. "Ready? The guests are all here." 

Dali-dali kong itinago ang phone ko sa gulat nang kumatok si Jiro. Huminga ako nang malalim bago siya hinarap. Sobrang dali na lang sa kaniya na basahin ang isip ko kaya kailangan ko nang kalimutan ang offer na iyon.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon