Chapter 3

456 20 31
                                    

Hindi ako makatingin sa lalaking nasa harapan ko nang hindi nakararamdam ng kahit kaunting iritasyon. Ang ngiti niya ay wala na sa labi ay nagseryoso na ang mukha niya nang magsimula kaming mag-usap, pero nakakunot parin ang noo ko sakanya.

"Kailan ka ba available, Astraea?" tanong niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa lamesa ko at nandoon rin ang kopya ng schedule niya. Kinuha ko ito mula sa kamay niya.

Pareho kaming halos walang free time o vacant sa mga schedule namin kaya hindi ako agad nakapagdesisyon kung ano ang gagawin. Napabuntong-hininga ako, "Bawat Tuesday ay umaga lang ang pasok ko... Can we make do with that?"

Sinulyapan niya ang papel ng schedule niyang nasa kamay ko, masyadong malapit ang mukha niya sa akin. Inurong ko ang upuan ko para lumayo, dahilan para mapatingala siya sa akin at lumitaw nanaman ang ngiti niyang nakakaasar.

Tumango siya, hindi parin nawawala ang naglalarong ngiti na pinipigilan niya naman.

"Sige. You seem busy, and I can adjust my schedule anyway," kumindat siya bago nagpatuloy. "...you know, with my charm and stuff."

I rolled my eyes at him. "Wala kang ganon."

Bahagyang nalukot ang mukha niyang nagpapakita ng pekeng sakit, nakahawak pa sa dibdib niya. "Aray! Sabi naman nila ako ang pinaka-cute sa banda ah."

"Sinong may sabi? Kailangan na nilang magpatingin sa doktor at baka may problema sa mata."

Nilapit niya ang upuan niya sa akin at itinukod ang mga kamay niya sa arm rest ng upuan ko. Masyado siyang malapit! Aatras nanaman sana ako pero masyadong mahigpit ang kapit niya.

Tinignan ko siya nang masama, "Layo, Mr. Manzanares"

Mukhang may balak pa siyang gawin pero hindi niya iyon tinuloy. Umatras na siya ulit at lumayo sa akin, "Ewan ko sa'yo. Basta may mga nagsasabi nun sakin,"

Huminga siya nang malalim. "and don't call me Mr. Manzanares. Call me Kenjiro or Jiro, my friends call me that."

"This is a professional matter, Mr. Manzanares. Hindi naman tayo magkaibigan."

Ngumiti lang siya ulit at bahagyang lumapit para tapikin ang balikat ko bago siya tuluyang tumayo. "Let's see about that, Astraea... or Trey?"

Nanlaki ang mata ko at agad tinignan sila Ryone na siguradong nagsabi kay Kenjiro ng nickname ko! Nag-peace sign lang siya sa akin.

"By the way, patapusin na muna natin ang July. Busy pa kasi ngayong buwan." habol kong sabi sa kanya. "August, then?" tanong ni Kenjiro na tinanguan ko lang.

Kinuha na ni Jiro ang bag at jacket niya na nasa sofa sa living area. Tumayo ako para ihatid siya hanggang sa labas dahil bisita ko siya. Kumaway muna siya sa mga staff sa loob bago kami tuluyang lumabas.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "See you, Trey."

Hindi ko na siya binawalan sa trip niyang tawag sa akin dahil magsasayang lang ako ng lakas. Tinaasan ko siya ng kilay, "Ingat."

"Taray nito!" nakangiti niyang sambit. Bago ko pa man siya makuhang saktan ay tumakbo na siya papalayo, umaalog ang bag niya sa likuran dahil isang strap palang ang naisuot niya.

Hindi ko mapigilan ang matawa dahil sa mabilis niyang pagtakbo.

Bumalik ako sa opisina at naabutan ko si Ryone na nakahalukipkip at nakangiti nang malisyoso. "Ano?" tanong ko, walang alam sa pinararating ng ngiti niya.

Hinila niya ako sa sofa at naupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang isa kong kamay, "Sis! Ang pogi naman ng nakuha mo! Can we exhange assignments?"

Tumawa si Nigel na narinig ang malakas na boses ni Ry. "Huwag mo naman nang kunin. Baka iyon na yung lovelife ni Trey."

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon