Chapter 6

294 19 33
                                    

Natapos na ang concert pero ang enerhiya ng mga tao ay sobrang taas padin. Kabilaan ang mga sigawan at mga kinikilig dahil sa katatapos lang na show.

Hinarap ko ang mga staff ng publication at mukhang hindi pa rin sila nakakabawi sa concert. Ang gulat na may halong tuwa sa mga mukha nila ay nangingibabaw. 

Lumapit ako kay Zion, "Patingin saglit?" Umalis siya sa inuubuan niyang stool para ako naman ang maupo. 

Nakatapat kasi iyon sa camera niya at gusto kong tignan ang shots na nakuha niya.

May pinindot akong button doon para ilipat-lipat ang mga litrato hanggang sa mapunta ako sa mga kuha na sunod-sunod ay si Jiro. 

"Tinitignan mo dyan?" Halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Ryone sa gilid ko. Itong babaeng 'to! 'Kala mo'y dolphin na pasulpot-sulpot kung kailan gusto!

Agad kong nilipat ang mga litrato hanggang sa picture na nung Nikolai ang nakalitaw. Kung makita niyang si Jiro ang nasa screen ay baka kung ano nanaman ang isipin.

Nilingon ko na siya at lalong nag-init ang ulo ko nang makitang nakakapit siya sa braso ng boyfriend niya... na ngayon ko lang nakita!

"Bago nanaman?!" Hindi ko napigilan ang bibig ko at napalakas pa iyon. Syempre ay rinig na rinig din ng lalaking kasama niya. 

Nagtaka ako nang tumawa lang si Ry at hindi nagtataka lang ang lalaki. 

"Be thankful that he doesn't speak and understand Tagalog, Trey." sabi ni Ry na malawak ang ngiti habang tinitignan ang kasama niya. 

Matangkad ang lalaki, mas matangkad siguro nang kaunti kaysa kay Nigel at matingkad ang pagiging light brown ng mata.

Inilahad ni Ry ang kamay niya sa direksyon ko, "Astraea, this is Shun. Shun, this is Astraea! My bestfriend!"

Bestfriend mo mukha mo! Ni hindi ko man lang alam na nagpalit ka na ng boyfriend!

Nag-bow iyong lalaki. Napagaya tuloy ako sa ginawa niya, "Nice to meet you."

"Selene's been talking about you so much. Glad to finally meet you." Ngumiti siya at tsaka ko napansin ang pagiging chinito niya. 

Hindi na rin ako nagulat dahil ganitong ganito ang type ni Ry. 

Hinila ko si Ry sa isang sulok para kausapin nang mag-isa. "Sino nanaman 'to? Saan mo nanaman nahanap yan, Selene Ryone?"

I'm not against her happiness, pero nag-aalala rin ako 'no! Baka mamaya ay umiiyak nanaman 'tong babaeng 'to dahil sa isang lalaki.

Sino ba sila para iyakan, 'di ba?

Inikot niya ang mga mata niya at hinawakan ako sa balikat. "I swear, he's very very nice! Grabe yung kilig ko kapag siya yung kasama. Ngayon ko lang 'to naramdaman, girl!"

Sinasabi niya 'yan tungkol sa lahat ng nagiging boyfriend niya. "Ngayon lang naramdaman my ass."

Pinalo niya ang pwet ko, "Nagsalita ang walang ass!" Tumakbo na siya pabalik kay Shun na kausap ngayon si Nigel.

"Gaga!" sigaw kong sinigurado kong maririnig niya pero inilabas niya lang ang dila niya para asarin ako. 

Hinaplos ko ang pwet ko dahil kahit araw-araw niya itong ginagawa ay mahapdi parin ito sa pagkakapalo niya.

Lumapit na rin ako sakanila at nilingon ako ni Nigel, "Tara na?"

"Saan ang punta? Uwi na?" tanong ko. 

Wala na rin naman kasi yatang gagawin. Wala ring activities para sa weekend dahil expected ng mga prof na pagod ang lahat pagkatapos ng event na ito.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon