Hinahabol ko ang hininga ko habang pinadaan niya ang mga daliri niya sa maikli kong buhok. Bumulong siya sa tainga ko, "I'm going to miss your long hair, Trey. But you look so beautiful like this."
Wala pa akong naiintindihan dahil tila lasing ako mula sa mga halik niya! Tapos heto na siya, pinagmamasdan ako nang may naglalarong ngiti sa mukha niya. Ang katawan niya ay nakahilig pa rin sa banda ko.
"I can't believe you're here. You're back," Imbes na sa akin niya iyon sabihin ay parang sarili niya ang pinapaniwala niya sa mga salitang binitawan niya.
Ako rin naman. Ilang buwan ang tiniis kong iwasan siya at ang mga lugar na magpapaalala sa akin tungkol sa kaniya, pero sa kaniya rin pala ang bagsak ko.
"I'm sorry," sabi ko, nakayuko para iwasan ang mga mata niyang puno ng panunuyo. Parang akong matutunaw dahil doon.
"I'm sorry, too."
Hindi na namin kailangan pang sabihin kung ano ang hinihingan namin ng tawad dahil alam naming dalawa na magkakaintindihan kami. Basta kapag siya at ako, ako at siya, parang nagkakasundo lahat ng bagay, kahit noong magkaibigan palang kami.
Ano na nga ba kami ngayon? Natatakot akong tanungin iyon dahil baka aasa lang ako ulit. Pero para saan iyong halik? Lahat ng sinabi niya kanina?
As friends pa rin ba? Jusko naman!
"Are you my girlfriend now?" tanong niya na para bang nababasa niya ang isip ko.
"No,"
Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi yon! Alam ko naman na gustong gusto ko 'yun, eh! "Manligaw ka muna..."
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil mapapatagal pa nito ang proseso pero parang gusto ko rin talaga ang maranasan na ligawan. Nararamdaman ko ang init sa mukha ko na naglalakbay hanggang sa leeg dahil sa kahihiyan.
Binaon ko ang mukha ko sa mga palad ko pero inilalayo ni Jiro ang mga 'yun sa akin habang tumatawa. "Tumatawa ka dyan!"
"Alright, alright... Liligawan kita araw-araw."
And he did.
Humihikab akong sumakay sa sasakyan niya. Alas singko palang ay sinundo niya na ako sa bahay habang natutulog pa si Tita Ameliora. Pagkapasok ko ay hinalikan niya agad ako sa pisngi bago inayos ang seatbelt ko para sa akin.
"Good morning! Pagod na pagod ah,"
"Good morning." bati ko na wala pang sigla dahil sobrang aga talaga! Kinakailangan ko nang gumising ng mas maaga kaysa sa nakasanayan para lang makasama si Jiro.
Napuyat pa man din ako kagabi kaka-review para sa test ngayong araw.
Pasalamat siya at ang guwapo niyang tignan sa uniporme niya! Kung hindi ay baka pinagbuntungan ko siya ng irita ko dahil sa puyat.
Automatic nang sabay kaming mag-aalmusal sa kung saan namin mapagkasunduan. Ngayong araw ay mukhang pareho kaming tamad kaya nag drive thru kami at sa kotse na mismo kumain. Balak niya yatang patabain ako dahil bawat magkikita kami ay halos pagkain ang trip namin.
Nakapark kami malapit sa gate ng eskwelahan ko at nagsisimula nang dumami ang tao. Naiilang nga ako dahil agaw pansin ang sasakyan ni Kenjiro dito. Buti na lang at tinted ang sasakyan, dahil kung hindi ay nakakahiya sa sobrang daming atensyon!
"Huy, late ka na!" natataranta kong sabi nang napatingin ako sa orasan sa dashboard. Siya naman itong late pero ako pa ang nastress para sa kaniya.
Nagkibit-balikat lang siya. "Thirty minutes pa bago ang klase mo,"
"So?"
"Thirty minutes pa kita pwedeng makasama." sabi niya na para bang hindi na dapat pa tinatanong iyon.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...