Unang Tula

229 19 10
                                    

May nakilala akong anghel.


Kumikinang ang bawat patak ng luha niya


Mahal, siguro'y ginto ang halaga


Madalang pa sa madalang kung magpakita


Hindi ito tutulo para kung kanino lamang, 


Sa katunayan, hindi iyon para sa akin at nakapanghihinayang


Pero ayos lang.


Ang anghel na nasa harapan ko... wala siyang pakpak


Ngunit ang bawat galaw ng labi niya't mabulaklak


At maaabot niya ang mga lugar kung saan niya gugustuhing tumapak


Naisip ko, baka siya ang ibinabang anghel ni Bathala upang umantabay sa akin


Magandang isipin, makulay na panaginip, ngunit sarili rin ang lolokohin


Ang anghel na nasa harapan ko...


Hindi siya sa akin.


Hindi siya naririto para sa akin.


Iyon ay aking tatanggapin,


Ngunit walang pangakong sa pagpatak ng gabi'y hindi ako nito paluluhain


Mula rito sa lupa,

Sa paglisan niya,

Pabalik sa pinakamamahal niyang musika,


Titingala, kakaway ako, at sasabihing,

"Babalik ka, ha?"


At kapag naglaho na siya sa aking paningin,


Mangunguliha ang puso ko para sa pagmamahal na kasama niyang naglaho sa hangin


May nakilala akong anghel.


At tulad ng mga bituin,

Hindi ko siya kayang abutin.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon