Halos sapakin ko sa sobrang irita si Kenjiro pagkatapos niyang lumuhod sa harapan ko tapos ang itatanong pala ay, "Will you come home to Pampanga with me?"
"You're so dramatic!"
"I'm sorry, I just wanted to hear a yes after a ton of rejections." tumatawa niyang paliwanag pero ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba ay nandoon pa rin. I was going to say no dahil wala pa naman sila Amiel!
Binatuhan ko siya ng matalim na tingin. "Hey, I'm sorry..." panunuyo nito. Seryoso na ang mukha niyang dinudungaw ang mukha ko at hinuhuli ang iniiwas kong mga mata.
"Don't joke about it again,"
"Yes, baby. I'm sorry."
Aatakihin talaga ako sa puso sa mga pakulo ng lalaking 'to! Katatapos niya lang sa digests niya para sa susunod na linggo at tinapos na in advance ang readings para makaalis kami ngayong weekends. Ang sipag niya nga masyado ngayon, dahil kung hindi raw ay hindi siya makakatagal doon.
Eh, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinili niya ang landas ng abogasya.
"I lost sight of the dream, 'yung pagtulong sa mga bata..." wala sa sarili kong sabi habang nasa sasakyan kami.
"What do you mean? You changed a lot of lives through your writings, Trey."
"Paano mo nalaman?"
"You're AL, right? That writer, aside from Miss Lekha."
Nanlaki ang mata ko dahil alam niya ang sikretong pseudonym ko. Ginamit ko iyon dahil sobrang daming death treaths ang natanggap ko sa ilang taon na pagsusulat ko. Si Elron pa ang nagkumbinsi sa akin na itago na ang pagkatao ko.
"A lot has changed because of your editorials, Trey. A lot of programs have been launched for children because of them. So you can't tell me that you lost sight of that dream when in reality, you have been pursuing it all these years."
Pinakampante ko ang sarili ko sinabi niya pero nakukulangan pa ako roon dahil mismong si Amiel na pinakaimportante sa aking bata ay hindi ko man lang alam ang kalagayan.
Hindi pa man kami nakakalayo nang biglang magring ang cellphone ko. Sumulyap si Jiro sa akin. "Just my secretary." sabi ko.
Ginawa na naman niya ang paglalaro niya sa labi habang nagmamaneho.
"Good afternoon, Ma'am!" sambit ng sekretarya ko pagkasagot ko pa lang sa tawag.
"Good afternoon."
"Sorry to disturb you po, pero may naghahanap po kasi sa inyo dito sa opisina..."
Kumunot ang noo ko, "Ha? 'Di ba, I asked you to clear my sched for the weekend?"
Dahil traffic ay humilig muna si Jiro sa upuan niya at inabot ang kaliwang kamay ko. Ni-connect niya sa audio ng sasakyan niya ang call para marinig niya.
Nahimigan ko ang pagkataranta sa boses ng kausap ko, "It's important daw po kasi."
"What is it?"
"She claims that she is your mother, Ma'am."
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Jiro, nagkatinginan kami. Halata ang gulat sa mukha niya kaya sigurado akong mas malala ang sa akin. "Ma'am? Shall I send her away?"
"Huwag! Huwag... Pupunta na ako dyan."
Hindi ko na kailangan pang sabihin kay Jiro. Siya na mismo ang umikot pabalik sa building namin. Dati ay pinapagalitan ko siya kapag mabilis siyang magmaneho pero kahit ngayon lang ay hinayaan ko siya.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomansaBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...