Chapter 15

228 16 58
                                    

Kenjiro promised na magkikita kami at ililibre niya ako sa kung saan pagkatapos ng lahat ng 'to. Balik kasi sa dating gawi ang schedule ko ngayon, balik sa pagiging busy sa opisina lalo na dahil sa papalapit na deadline ng dyaryo.

"Kumusta naman iyong tula na pinapasulat ko, Trey?"

Inangat ko ang tingin ko kay Nigel. Masakit ang ulo ko kaya ang mga daliri ko ay hinihilot ang sentido ko. 

"Wala pa, Nigel..."

Ngumiti lang siya. "Alright. Take your time."

Sa totoo lang ay nawala na nang tuluyan sa isip ko kung hindi niya lang ipinaalala. Kahit naman maalala ko iyon ngayon ay hindi pa sapat ang makakaya ko para maisulat na nga iyon.

Nang matapos na namin ang final draft ng dyaryo ay pumunta kaming dalawa ni Nigel sa printing press para i-finalize na 'yon. Kalahating milyon ang budget ng school namin para sa circulation kaya minamaximize namin ito para makagawa ng pinakamagandang kalalabasan ng dyaryo at mga folio.

"Kumain na ba kayo? Pwede akong magpabili muna ng pagkain doon." sabi sa amin ng isa sa mga empleyado ng printing press. 

Lumingon sa akin si Nigel, pero umiling ako. Ngayon ang napag-usapan namin ni Jiro na lalabas kami kaya hangga't maaari ay ayaw ko munang mabusog.

Umiling si Nigel doon sa babae at ngumiti, "We're good po. Thank you!"

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Sa bawat sulok ng maliit na opisina na ito ay puro bundok ng mga papel ang makikita ko. Ang iba doon ay mga testpaper para sa iba't ibang mga eskwelahan. Mayroon ding mga dyaryo tulad namin na nagpapaprint sa kanila.

Hindi na namin talaga kailangang pumunta rito dahil gagawin nila ang lahat ng mga kailangan pang gawin para sa amin pero gusto ni Nigel ay hands-on siya sa bawat proseso.

Nakaupo lang ako doon habang nakikipag-usap si Nigel sa kanila at sinasabi ang mga gusto niyang mangyari. Buong oras ay nakatingin lang ako sa galaw ng kamay ng orasan, naghihintay.

"Hindi mo man lang sinubukang itago sa akin na bored na bored ka na." pabirong sabi ni Nigel.

Nanlaki ang mata ko, kinabahan. "Uy, hindi ah! Sorry!" 

Humalakhak lang siya. Ako naman ay tumigil sa paglalakad dahil sa guilt na nararamdaman ko. Napatigil na rin siya at nilingon ako, "Ano ba? Binibiro lang naman kita, Trey."

"Sorry naaaaaa," paglalambis ko sa kaniya.

Ginulo niya ang buhok ko. "Ayos lang nga! Tara na, balik sa school at baka maiwan ka pa nung kikitain mo ngayon." Tinaas baba niya ang kilay niya na parang may pinapahiwatig.

"Sinabi ni Ryone!" utas ko. Hindi iyon tanong. Talagang sinasabi ko at sigurado akong ang magaling kong kaibigan ang nagsabi sa kaniya.

Tumawa lang siya ulit. "Malay mo 'yan na yung magtutulak sa'yo na masulat 'yong tula."

Siguro, siya nga. Sana.

Pagbalik namin sa school ay dumiretso muna kami sa office para kunin ang gamit namin.

Naabutan namin ang mga junior staff namin na nagkukwentuhan. Nandoon din si Ryone kasama nila.

"Uy, saktong sakto!" sabi ni Wynona nang makita kami. 

"Anong meron?" tanong ko.

Nagmamadaling umikot si Isobel sa may couch para makarating sa akin. Dali-dali niyang ihinarap sa aking ang phone niya. 

Litrato iyon ng dalawang couple na magkayakap. More like, ang babae ang nakayakap. They look intimate either way. 

"Ano na naman 'to?" Niliitan ko ang mata ko para tignan ang itsura ng mga iyon pero iyong sa babae lang ang nakikita, tapos hindi ko pa siya kilala. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon