Munimuni. Limang beses nilang sinabi ang mga salitang "Kakalimutan na kita."
Hindi ko sila masisi dahil imposibleng sa isang subok ay makalimutan na ang taong tunay na minamahal.
Tulad ng ibang nagmamahal, tinanggap ko kung sino ka.
Ngunit minalas ako sa parte na hindi mo ako minahal pabalik.
Sa unang pagsabi ko ng kakalimutan na kita, maging ako ay hindi naniwala sa sarili ko.
Pangalawang kakalimutan na kita, hindi tinatanggap ng sistema ko ang halatang sagot sa tanong na "Napag-isipan mo na ba?"
Pangatlo. Alam ko naman na wala talaga pero baka naman pwede pang umasa?
Pangapat, gusto na kotang kalimutan. Sana makalimutan na kita.
Hanggang sa umabot ako ng panglima. Nakakatuwa, kasi ito na 'yung huli at pagkatapos nito ay baka matagumpay na ako sa paglimot sa'yo.
Nakapagbikas ako ng pitong "Heto na" sa pag-asang mabubura lahat sa panglimang kakalimutan na kita.
Ngunit nakuhang natapos ng kanta pero mahal pa rin kita.
Kaya siguro'y uulit-ulitin ko ang kantang ito kahit gaano pa katagal hanggang sa huling— Kakalimutan na kita. Heto na.
At kapag dumating ang panahon na iyon, sana'y totoo na.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...