"Alis na ako, Amiel." mahinhin kong sabi sa umiiyak na batang lalaki na nakayakap sa mga binti ko kaya hindi ako makaalis.
Mas lalong lumakas ang iyak niya at natatakot na ako dahil baka mamaya ay hindi na siya makahinga dahil binabatak niya talaga. "Ayaw! Play with me nalang, please ate!"
Sa normal na araw ay nakakaalis na ako bago pa man magising ang pinsan ko, pero ngayon ay nahuli ako ng gising.
Dalawang taong gulang palang si Amiel at ako ang madalas nag-aalaga sakanya mula pagkabata kaya ganito siya kadikit sa akin.
"Bye po!" mabilis kong paalam kay Lola nang mahigit niya na palayo sa akin si Amiel. Muntikan pa akong matakid sa may gate namin dahil sa pagmamadali. Natawa pa ako nang marinig na sumigaw si Amiel mula sa loob.
Hindi naman ako aalis, wala naman akong ibang mapupuntahan, Amiel.
Pagdating ko sa school ay sa library ako dumiretso. Pumasok ako sa isang discussion room at nadatnan ko na doon si Ambrose, "Kanina ka pa?" tanong ko habang ibinababa sa isang upuan ang bag ko.
Inangat niya ang tingin sa akin mula sa makapal na librong nasa harapan niya, "Yeah. I woke up earlier than usual and had nothing to do."
Tumango ako at nagdasal na sana dumating na yung iba naming kasama sa Academic Team dahil sa kanilang lahat ay si Ambrose lang ang hindi nakikisabay sa pakikipagdaldalan.
"Gaano kalabo ang mata mo?" pagsisimula ko muli ng usapan. Napansin ko kasi na palagi niyang suot ang salamin niya lalo na kapag nagbabasa. "I am not sure but I really couldn't see anything without my glasses."
Namilog ang bibig ko dahil hindi ko ma-imagine ang walang makita nang hindi nakasalamin. Nacurious ako bigla, "Anong nakikita mo pag inalis mo 'yan?"
Nagulat ako nang inalis niya nga iyon at humarap sa akin. Nakakainis na sasabihin ko ito, pero ang pogi niya pala talaga. Bahagya kong tinapik ang pisngi ko dahil sa naisip.
Itinaas ko ang kamay ko at nagpakita ng dalawang daliri, "Ilan 'to?"
Nagpakita siya ng bahagyang ngiti na minsan lang mangyari. "Two. I am not blind, Trey."
Nabalot ng tawa ko ang buong discussion room, hindi na inisip na library 'to dahil soundproof ang bawat kwarto dito.
Isinuot na ulit ni Ambrose ang salamin niya at inayos ang buhok niya na medyo may porma ng alon. "I'll get lasik surgery after graduation. Not being able to see anything is just plain shit."
Napatingin ako sa biglang pagbukas ng pintuan at pumasok ang tatlo pang asungot na kasama namin dapat dito. "Make way, nandito na ang nag-iisang Letizia Marjorie Franco ng buhay niyo!" Sa lakas ng sigaw niya at tawa ni Matthias na kasama niya ay natakot ako na baka hindi kayanin ng soundproofing ng kwartong ito.
"Putcha! Katahimikan po sana!" iritableng sabi Alejo na kasabay nilang dumating.
"Good morning, baby Monmon!" niyakap ni Marj si Ambrose na hindi nagpakita ng kahit anong reaksyon. Tinanggal niya lang ang brasong nakabalot sakanya, "Good morning."
Lumapit na sa akin si Marj at ako naman ang niyakap, "Good morning, Treytrey!" Nginitian ko siya. Sa aming lima ay siya ang pinakabata kung kumilos at mag-isip, clingy din siya sa lahat kaya sanay na kami.
"Alejo, ang sama yata ng gising natin?" tanong ko na may halong pang-aasar sa lalaking nakaupo sa may dulo ng malaking lamesa. Nakayuko siya at mukhang gustong matulog.
Si Marj ang sumagot sa akin. "Nag-cram yan ng RRL buong gabi."
Sabay-sabay kaming tumango lahat, naiintindihan kung bakit ganito siya kapagod kahit ang aga aga pa.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...