Kahit saan ako tumingin sa paligid ay mga estudyanteng may dala-dalang mga banner ang nakikita ko at kung ano-ano pa na gamit para sa panonood ng concert.
Nandito kasi ako ngayon sa tapat ng classroom namin, nakatambay sa mga lamesang may pulang payong at nakikita ko mula rito ang mga naglalakad sa ibaba.
Mismong mga kaklase ko ay nagprint ng isang malaking mukha nung isang miyembro ng IGNITION. Ngayon kasi ang concert nila at paniguradong dadagsain 'to ng mga estudyante.
Hindi na rin ako magugulat kung pati mga estudyante galing sa ibang school ay pupunta.
"Dadalhin niyo yan? Baka mahiya naman siya dahil sa laki ng mukha niyang pinrint niyo." sabi ko kila Wency na ang miyembro ata na ito ang paborito.
"Ang gwapo kaya ni Nikolai, walang nakakahiya! Hindi tayo magpapatalo sa iba niyang fans, no."
Natawa nalang ako sakanila dahil kahit sobrang seryoso din mag-aral ng mga ito ay may side din silang ganito. "Okay, sabi mo eh."
Ako lang ang nanatiling naka-uniform sa kanilang lahat dahil hindi naman ako pupunta sa concert dahil may trabaho ako ngayon.
Sina Elron ay nasa kabilang lamesa at gumagawa ng banner na halatang labag sa kalooban nila pero walang magawa dahil pinilit nina Francene.
"Wag nga kayo magmadali!" naiirita nang sabi ni Andrei na tinawanan lang ng iba.
Concert for a cause ito kaya binayaran ang tickets at halos lahat ay pupunta.
Nagbayad ako ng ticket pero para lang makasali ako sa donation na ibibigay sa ibang estudyante na may kailangan nun.
Kaya kahit may ticket ako ay magtatrabaho nalang ako sa eatery para mabawi at sa susunod ay makapagdonate ako ulit.
"Anong oras ang simula?" tanong ko kay Erika na kumakain lang sa tabi ko.
"Hindi ako sure. Baka 7 o'clock?" sagot niya. Nasa trabaho na nga ako nun. Balak ko pamandin sanang sumilip kahit saglit lang. Nandoon din kasi nyan ang staff sa publication para i-cover ang event.
Tinawag ni Ryone ang pangalan ko at itinapat sa akin ang kanina niya pang ginugupit.
"So?" tinaasan ko siya nang kilay. Malawak ang ngiti niya na pinapakita sa akin ang banner na may mukha ni Kenjiro.
"Sus! Friends kayo nito, 'di ba?"
"Hindi, ah. Pake ko ba dyan..."
Sinundot niya ang tagiliran ko paulit-ulit kaya natawa ako. "Uy! She is kilig, oh! Jiro Manzanares pala ah!"
"Tanga! Malamang, kiniliti mo ako!"
He's not even my friend, let alone a romantic interest! Hindi ko alam kung ano ang basehan ni Ryone sa mga pang-aasar niya pero wala talagang sense ang mga 'yon kahit saang anggulo man tignan.
Nang oras na para pumunta sila sa plaza na pagdarausan ng concert ay nagpaalam na akong umalis bago pa ako maharang ng maraming tao.
"Ingat, Trey! You know where to find us if you ever change your mind!" sigaw ni Ryone habang naglalakad na ako palayo.
Ang malamig na hangin kasama nang makulimlim na langit ay dahilan para magsitaasan ang balahibo ko. Hinila ko ang sleeves ng sweater ko hanggang sa hindi na makita ang mga kamay ko.
Mahina kasi ako sa lamig kaya sa classroom ay minsan nakakumot pa ako, kumot na dinadala ni Francene para sa akin sa halos araw-araw. Kapag naman nasobrahan sa lamig ay sisipunin at uubuhin talaga ako.
Nakababa na ako ng building nang mahagip ng tingin ko ang lalaking nakayuko't nakaupo sa mahahabang upuan sa may corridor. Ang mga kamay niya ay magkahawak at nakataas ito't natatakpan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...