"That's it for the reminders. You can now go home, make sure you sleep early." sabi ni coach bago kami tuluyang dinismiss dito sa library.
Bukas na ang competition sa University of Angeles at maaga ang meeting time namin sa school para sabay-sabay na pumuntaa roon.
Pagkaalis ng mga coach namin ay hinarap ko ang mga kasama ko, "Nakakakaba na nakaka-excite.'Di ko mapaliwanag."
"You've been doing academic competitions since time immemorial, Astraea." sabi ni Ambrose na tinawanan ko. Kahit na hindi ko mabilang kung pang-ilan na ito ay hindi ko parin matanggal ang kaba sa sistema ko.
Si Alejo at Matt ay hindi pa tumatayo sa kinauupuan nila't mukhang naglalaro pa ng kung ano dahil nagmumurahan sila doon.
"Nilalaro niyo?" kuryoso kong tanong.
Inangat ni Matt ang tingin niya sa akin, "Minecraft."
Napakunot ang noo ko. Tunog silang nagpapatayan kanina tapos Minecraft?!
"Tinulak kasi ako niyang si Alejo sa labas, e gabi na! Epal." pagalit pa niyang sabi.
"Duwag naman kasi tol, anong punto na nag-survival tayo kung tatago ka din sa loob? Libre mag-isip, try mo minsan!"
"Putcha! Akala ko naman kung ano! Hindi pa ba kayo uuwi?" sita ni Marj sa dalawa.
Tutok sa screen pero sumagot si Alejo, "Nope. Una na ba kayo?"
Iminuwestra ni Ambrose ang pintuan, senyas na nagyayaya na siyang umalis. Hinayaan na namin si Marj na makipag-usap sa dalawa.
"Friday ngayon, ah? Hindi ka papasok?" tanong ni Ambrose. Isa siya sa mga kaunting tao na sinabihan kong nagtatrabaho ako sa eatery.
Umiling ako. Pagbibigyan ko muna ang sarili ko na magpahinga sa ngayon dahil competition na bukas at pagod din kami sa intensive training.
Sasakay sana kami sa elevator pero masyadong madaming kolehiyo ang naghihintay doon kaya pinili naming mag hagdanan na lang. Habang pababa ay naramdaman kong sumakit ang balikat ko dahil sa bigat ng bag.
Ngumisi ako at inangat ang tingin ko kay Ambrose. "Padala..."
Inikot niya ang mata niya at bumuntong hininga pero kinuha niya parin naman iyon. Nagpasalamat ako at nagsimula ng panibagong usapan, "Last year mo na 'to ngayon sa competing team, hahanap-hanapin ka ng ibang school nyan ano?"
Umiling siya. "I don't think that it's just me. Contestants from other schools always look forward to battling you in those quizbees, Treya."
"Hindi kaya! Ikaw kaya palagi ang usap-usapan bawat ganitong panahon na!" sagot ko.
Totoo naman kasi! Magmula Junior High, Grade 7 palang ay si kinuha na si Ambrose sa AcadTeam at siya ang nagmistulang pundasyon nito dahil siya ang pinakamagaling. Magmula nang dumating siya ay hindi na ulit naranasan ng AcadTeam ng school namin na matalo.
Paniguradong malaking kawalan kapag graduate na siya. He's basically a one-man team and he doesn't need us at all!
"Bawat taon ay bago ang lumalaban sa History nila, Trey. You can't tell me that it's not because they couldn't find someone who could rival you."
Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Kapag talaga galing sa kaniya ang compliment ay lumalaki ang ulo ko!
Si Ambrose kaya 'to! Kapag na-acknowledge niya ang talino mo ay baka pang out of this world na din! Pero alam ko namang hindi ganoon ang sa akin.
"Sinasabi mo lang 'yan kasi kaibigan mo ako!"
Mahina siyang humagikgik, "You always say that."
Nang makababa na kami nang tuluyan ay kinuha ko na ulit ang bag ko mula sa kaniya at nagpasalamat. "You good from here?"
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
Storie d'amoreBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...