Chapter 20

255 20 34
                                    

"Gosh! Akala ko susundan mo ng 'Sir' yung sagot na Aaron Burr!" singit na sabi sa akin ni Marj, tinutukoy ang isang kanta mula sa isang musical.

Tumawa ako, "Muntikan na nga!"

Pabalik na kami sa Pampanga pagkatapos naming manatili doon nang mas matagal kaysa sa iba dahil sa awarding at iba't ibang mga interview. May media coverage rin kasi, dahil na rin laki ng event na ito.

Kanina nga ay si Ambrose ang pilit na kinukuhanan ng pahayag pero sumuko rin ang media dahil hindi talaga cooperative ang isang iyon. Si Matthias ang halos humarap, he loves the spotlight.

"The school granted you money for the accomplishment! You must celebrate!" sabi ng coach namin, dahilan para magbunyi ang lahat ng tao rito sa coaster.

Si Alejo ang nagsuggest na sa isang KTV kami pumunta at sinang-ayunan naman iyon ng lahat. Nasa byahe palang ay iniisip na nila ang oorderin, hindi na mawawala ang samgyupsal.

Kahit na pagod na pagod na kami dahil sa buong araw na kompetisyon ay buhay pa rin ang diwa dahil siguro sa adrenaline dulot ng pagkapanalo. "You're all over the news!" sabi ng isa pang coach.

Sobrang saya ko ngayon at kahit pa kasama ko naman ang mga kaibigan ko ay may hinahanap-hanap pa rin ako. Gusto kong ibahagi sa kaniya ito. Itong saya na nararamdaman ko, I want to share this moment with him.

Kung sa mga oras na lugmok ako ay nandoon siya, gusto ko sana ay sa mga ganito rin.

Mula sa pagtitig sa labas ng bintana ay napalingon ako kay Ambrose nang tumunog ang cellphone niya. Tumabi na kasi ako sa kaniya dahil gusto kong sumandal sa balikat ng kahit sino dahil sa nararamdamang pagod.

Kumunot ang noo ko nang makita ang tumatawag sa kaniya doon. Ashriel Zuniga ang pangalan ni Seth sa contacts niya. So formal.

Sinagot niya iyon pero siya naman ngayon ang kumunot ang noo at lumingon sa akin. Iniabot niya sa akin ang phone niya, kahit nagtataka ay kinuha ko iyon at itinapat na sa tainga ko.

"Trey? Nabalitaan ko. Congrats!"

It's Jiro! My Kenjiro!

"Thank you!" I may have said that too excitedly. Tumawa siya sa kabilang linya, "It was televised. Ang galing galing mo."

Ngumiti ako nang malawak kahit hindi niya iyon nakikita. "Teamwork iyon. The credit goes to everyone." sabi ko.

"I know... I'm just so proud of you."

Napansin ko na bumubulong lang siya ngayon kaya nagtaka ako. Kung nasa bahay lang siya at tumatawag siya sa akin ay halos sumigaw pa siya dahil mag-isa lang naman siya.

"Nasaan ka?" hindi ko napigilang itanong.

Matagal bago siya makasagot at hindi ako sigurado kung isang malalim na hininga ba ang narinig ko sa kabilang linya. "Manila," sagot niya sa napapaos na boses.

Tumingin ako sa labas at nakitang nakalabas na kami ng Maynila. "Anong ginagawa mo dyan? Baka malapit lang sa venue namin kanina... You should have come." pabulong kong sinabi iyong huli.

"In the hospital."

Nanlaki ang mata ko at naalerto sa sinabi niya. "What? Are you okay?! What happened?" Sa sinabi kong ito ay napatingin sina Alejo sa akin.

"Hey, calm down. Ayos lang ako."

"Anong ginagawa mo riyan?"

"Hinatid ko si... Nyx."

Oh.

Oh, okay.

Natulala ako sa sinabi niya. All this time, si Nyx pala ang kasama niya. An ugly feeling burned within me. Gusto ko iyon ipagsa-walang bahala pero masyado itong malakas para hindi pansinin.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon