Hindi ako nakatulog. Buong gabi ay masyado akong abala sa pagpapatahan sa sarili ko at pagpipigil ng mga hikbi sa takot na magising ang mga tao dito sa bahay.
Nagulat na lang ako nang dumungaw ako sa bintana at nakitang lumiliwanag na ang langit.
Tumama ang sinag ng araw sa mga mata ko pero hindi ko iniwas ang mga tingin ko. Ramdam ko ang pamamaga nila dahil sa magdamag na pagluha.
Lumapit ako at binuksan na nang tuluyan ang blinds para pagmasdan ang nag-aagawan na kulay kahel at asul sa langit.
Mahal mo man ako o hindi, sisikat at sisikat ang araw. Hindi titigil ang ikot ng mundo para sa akin. Hindi niya ako hihintayin na makabangon.
Tulad ng muling pagsikat ng araw ay ang nararapat kong pagbangon rin... pero ngayon, parang ayaw ko. Bumalik ako muli sa kama kahit paniguradong sobrang huli na ako sa klase.
Ngayon lang naman. Gusto kong pagbigyan ang sarili ko. Gusto ko munang kilalanin ang bawat punyal na tumatama sa puso ko bawat naaalala ko iyong eksena kahapon.
Kung iisipin, sobrang dami na palang senyales na ganoon. Ang tanga ko lang na hindi ko iyon pinansin sa pagbabaka-sakaling ako naman ang gusto ni Jiro.
"Ah," daing ko nang maramdaman ko ang kirot ng ulo ko. Pumasok sa isip ko iyong gabing umiyak ako, mismong kaarawan ko. Akala ko ay wala nang mas isasakit pa sa pakiramdam ko noon... ang pakiramdam na makalimutan.
Hindi ko lubos akalain na mayroon akong mararamdaman na ganito kalala.
Nagsisisi ako na hindi ko pinansin iyong mga araw na hindi agad nakakapunta si Jiro sa akin dahil sasamahan niya si Nyx Lyrica. Iyong ngiti niya kapag magkasama sila. Kung paano nagliliwanag ang mukha niya bawat mababanggit siya.
Pati ba iyong mga pagkakataon na nakita ko siyang lumuluha, galit... dahil kay Nyx?
I want that for me!
Hindi na rin naman kataka-taka. That girl is loved. Kahit pa ng mga hindi niya gaanong kakilala. Sa publication palang, sa academic team... my friends admire her, too.
Anong pakiramdam? Na maging kasiyahan at kalungkutan ni Kenjiro?
Damn, does she even care?
Naramdaman ko nanaman ang mga mainit na luhang lumandas sa pisngi ko, na bumaba hanggang sa leeg. Binaon kong muli ang mukha ko sa unan kong basang basa na. Kakailanganin ko itong ibilad mamaya.
Isang oras pa ang pinalipas kong nakahiga lang ako roon at umiiyak. Umaasang maiibsan ng bawat patak ang sakit na nararamdaman ko, kahit kaunti man lang. Kaso mukhang ilang dagat pa ang kailangan kong iiyak.
Alas otso na nang magpasya akong maligo at mag-ayos para pumasok. Kahit anong hilamos ko sa mukha ko ay hindi humuhupa ang pamamaga nito. Uminom pa ako ng paracetamol para maalis ang kirot sa ulo ko.
Napatingin ako sa salamin. Tinitigan ko ang repleksyon ko, ang mga mata kong bilog at maliwanag, maliit na hulma ng matangos na ilong, kulay tsokolate, mahaba't tuwid na buhok at kayumanggi kong balat.
Napakagat ako sa aking labi. Ang daming tulad kong morena pero magaganda sila.
And Nyx? She's white as snow. Iyon ba ang tipo ni Jiro? Hindi ko pa siya nakitang harap-harapan pero sigurado akong pati hulma ng katawan niya ay maganda.
Ang sa akin, mga kurba na hindi prominente. Kailan pa ako naging insecure?
Napili kong magsuot ng oversized hoodie upang matabunan ang uniporme kong halos yakap ang hubog ng aking katawan. Itinali ko sa isang ponytail ang buhok ko. Gusto kong magtago at huwag na lang sanang makilala.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...