Ikalimang Tula

220 14 6
                                    

Pagkakakilanlan.



May isang panahon sa buhay ko na hindi ko makilala ang kahit na sino


Salamat sa pagdating, iyon lang ang tanging sasabihin ko


Kaya kapag aalis, madali lang na bitawan ang mga ito


Dahil ni isa'y wala namang pananatili na pinangako



Pero nang dumating ka, nagpakilala ka


Ang kaluluwa ko'y tinanggap ka lang  bigla


Alam yata nito na ikaw ang magmamahal sa akin na tatagos hanggang sa kaniya


Sinigurado mong maaalala ka niya



Kaya hindi niya binasta-basta ang iyong paglisan


Araw-araw, ikaw ang inaabangan sa durungawan 


Pero masisisi mo ba ang kaluluwa na walang ibang hiningi kung hindi ang may makasama sa sayawan


At may matawag na kanlungan



Sa pagbalik mo, ang kaluluwa'y nananabik pa rin


Ilang paruparo na ang dumaan sa papawirin


Kay dami ng taon na hinayaang ginawin


Mga unan na ilang beses kinailangang patuyuin


Walang wala sa kaluluwang ikaw lamang ang hihintayin



Pagtama ng inyong mga mata


Agad ka niyang nakilala bilang natatanging nagmahal sa akin nang kay tindi,


At wala ibang sasabihin kung hindi


Maligayang pagbabalik, sinta.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon