Chapter 10

259 16 23
                                    

"Why cry... Ate?"

Nasa sala kami, sa carpet si Amiel at naglalaro habang ako naman ay nasa couch at pinapanood lang siya nang tumingala siya sa akin at tinanong iyon.

Nanlaki ang mata ko dahil kanina pa ako tumigil sa pag-iyak magmula nang magising siya. "Huh? Hindi naman ah?"

Gamit ang maliliit niyang paa at kamay ay gumapang siya hanggang sa may paanan ko at niyakap iyon. "Do not cry..."

Sa ginawa niyang iyon ay mas lalo lang akong naiyak at hindi ko napigilan ang luha na lumabas mula sa mata ko. Agad ko itong pinunasan.

"I'm okay, Amiel. Ate is happy na oh?" Ngumiti ako at ni-trace pa ang ngiti sa mukha ko para ipakita sa kaniya. Binuhat ko siya kaya nasa may hita ko na siya ngayon.

Niyakap niya ako, walang ibang sinabi. Ngayon, totoong ngiti ang nagawa ko. Hinaplos ko ang likod niya at ginulo ang kulot niyang buhok.

Buong buhay ko ay mag-isa ako dito sa bahay. Oo, nandito si Lola at si Tita pero ramdam ko parin ang pag-iisa. Nagbago iyon nang dumating si Amiel.

This baby boy... I love him so much. Pakiramdam ko nga ay nanay niya ako dahil parang ako na rin ang nagpalaki sa kaniya sa dalas naming magkasama.

Kung sigurong hindi siya dumating ay nabaliw na ako dito dahil sa sobrang dami kong iniisip. Pero kapag nakikita ko siya ay parang napapawi ang lahat lahat sa isang ngiti niya lang.

Ngiti ng isang bata na wala pang kamuwang-muwang... na hindi pa naiintindihan ang mga problema.

I loved to see it.

Hinalikan ko ang tuktok ng ulo niya.

Napatingin ako sa orasan nang mapatingin ako sa labas at nagsisimula nang lumubog ang araw.

Buong araw ay hindi ako nag-online dahil paniguradong maiinggit lang ako sa kanila. May live updates kasi sa social media bawat may competition na ganito.

Hapon na at siguro'y tapos na competition kaya binuhat ko si Amiel pabalik sa kwarto niya. Pinagtimpla ko siya ng gatas at pinikpik ko ang hita niya hanggang sa makatulog siya.

Huminga ako nang malalim bago bumalik sa kwarto ko at naglakas loob na buksan ang computer.

Hindi na ako nagulat nang ang bungad sa news feed ko ay ang balita na umuwing kampeon ang apat. They must be so, so happy.

Pauwi na siguro sila ngayon? Nagkakanta siguro sila ng school hymn habang iniiba ang tono, tapos papagalitan ulit sila ng mga coach kasi disrespectful daw.

Sinasayaw na siguro ni Matthias ang trophy nila at nagcha-chant ng kung anu-ano na para bang ritwal ng pagpapasalamat... tapos si Alejo ang bahala sa background music.

Si Ambrose siguro ay nakasuot ng noise cancelling earphones dahil sa ingay ng dalawa, dagdagan pa ng maingay na bunganga ni Marj.

Napangiti ako nang mapait. Gustong gusto kong makasama sila. Last year na namin ito pero heto ako ngayon, sa bahay, nakakulong.

Ayaw ko yung pakiramdam na ganito. Pakiramdam ko ay napag-iwanan ako... Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng pagkakataon... ng memorya na sana ay habambuhay kong maaalala at maiikuwento ko sa mga magiging anak ko. Kung hindi ako magkaaanak, edi sa anak ni Ryone.

Habang tumitingin ako sa mga litrato nila na kinuha ngayong araw mula sa contest ay pinipigilan ko na mapaluha. Kasama ako dapat dito! Kasama rin sana ako sa pagsasaya nila ngayon!

Matagumpay ang pagpipigil ko nang luha... hanggang sa may lumitaw na message request at binasa ko iyon.

Jiro Manzanares
Congrats! Galing mo talaga.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon