Mayroon akong limang sasabihin.
May isang kasinungalingan.
Pero hindi ko sasabihin kung alin.
Isa.
Sa pagdilat sa umaga'y hindi ko hinahanap ang ngiti mong kung ikukumpara sa bagong sinag na araw ay ito'y mapapahiya.
Dalawa.
Kailanman ay hindi ko pinangarap na makasama kang ipangako sa harap ni Bathala ang mga salitang, sa hirap at ginhawa.
Tatlo.
Walang mga gabi na napanaginipan kong ako ang sentro ng init ng mga yakap mo't halik na nagsasabing "Irog, narito ako."
Apat.
Kung pagkakaibigan lang ang natitirang puwesto sa buhay mo ay iisipin kong sapat na ito para sa puso kong ni minsan ay hindi naman naghangad ng higit pa rito.
Lima.
Ang mga tula ko ay hindi na tungkol sa'yo. Hindi na ikaw ang magiging bida sa bawat linya, sa bawat pantig, sa bawat bigkas ng mga salita na ako lang ang makakagawa.
Sana rin ay ako'y iyong patawarin sapagkat ni isa sa mga sinabi ko ay walang totoo.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...