Chapter 19

237 20 56
                                    

Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Kenjiro sa presinto, ang alam ko lang ay umabot iyon sa dalawang sangkot na eskwelahan. Isang linggong nasuspend si Jiro at hindi ko siya nakita sa kahabaan noon.

Hinanap ko siya, oo, pero kinailangan ko yata talaga na hindi muna siya makita. Nakatulong iyon para mas maayos ko ang isipan ko. Mahihirapan ako kung pagkatapos ng nangyari ay makita ko siya parati. Hindi ako uusad.

Sa mga sumunod na gabi ay nakakatulugan ko na ang pag-iyak. Mas napapaaga nga ang tulog ko ngayon, eh. Dahil na rin siguro sa stress sa school dahil sa sunod-sunod na mga pinapagawa. Hell week, but with an s dahil bawat linggo ay pahirapan.

Pagkatapos ng klase ay si Jiro na kababalik lang ang bumungad sa akin paglabas ko ng classroom. Nakasandal siya sa pader at nakabulsa ang isa niyang kamay, habang ang isa ay pinaglalaruan ang pang-ibabang labi.

Hindi ko siya nilapitan dahil hindi naman ako sigurado kung ako ang pinunta niya rito. Lalo na't kasama niya si Keann, may pinopormahan iyon dito rin sa floor namin, 'di ba? Wala na akong balita kaya baka wala na.

Nasa may boulevard na ako papunta sa university library, pilit na inaalis sa isip si Jiro. Kaya laking gulat ko nang marinig ko silang dalawa sa likuran ko, nakasunod na pala sa akin!

Tumawa naman si Keann. "Wow! Akala ko mga next year mo pa mapapansin."

Si Jiro naman ay sinagot iyon ng mas malakas pa na tawa sabay apir sa kaibigan. Kung hindi ko sila kilala ay mapagkakamalan ko silang kambal. Magkaugali!

Masungit ko silang tinalikuran at patuloy lang sa paglalakad. Nang sinundan nila ulit ako ay naputol na ang pasensya ko at hinarap sila, "Problema niyo?"

Tinulak ni Keann ang balikat ni Jiro, pinapasa ang responsibilidad ng pagpapaliwanag.

"May lakad kami mamaya, e. Celebrate lang after ng requirements." ngumiti si Jiro at kita ko sa mata ang pag-asa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So?"

Nakita ko na ngumising mapang-asar si Keann sa tabi niya.

"Gusto mong sumama?"

Napaisip ako roon. Mayroong parte sa akin na gustong makasama si Jiro pero mayroong nagsasabi na layuan ko na muna siya.

"Sinong kasama? Saan?" tanong ko.

"Wishing Well. Sina Elyza, Lau, Ryna... Maybe the band," inisa-isa ni Jiro iyong mga sasama.

Sumingit si Keann, "Si Nyx din!"

Naagaw niya ang atensyon ko at sana ay hindi napansin ni Jiro ay pag-iba ng timpla ng mukha ko. Kanina ay ikinokonsidera ko pa ang posibleng pagsama.

Tumango lang si Jiro sa dinagdag ni Keann. Sus. Kunwari ka pang hindi ka apektado. "Tayu-tayo lang, Trey. Baka kailangan mo ring mag-unwind."

Nakapagdesisyon na ako, "Hindi na. May training ako sa AcadTeam. Trabaho na rin."

Nakatitig sa akin si Jiro at parang sinusubukang basahin ang isip ko. O sige nga, kung mababasa mo... Magsaya ka kasama 'yung Nyx Lyrica mo.

"Osya na. Bye!" kumaway ako bago umakyat sa library kung saan agad kong nakita sina Marj, Alejo at Matt sa isang round table.

Ibinaba ko sa lamesa ang gamit na hindi ko iniwan sa baggage counter sa labas. Mga papel at pencil case ko lang naman.

Naglahad ng kamay si Alejo, nakikipag-apir. Ginawa ko naman iyon pero iniwas niya 'yung kamay niya. Ginawaran ko siya ng masamang tingin.

"Dito ka, Trey!" Tinapik ni Marj ang isang bakanteng upuan na pinakamalapit sa kaniya. Sa gitna nila ni Alejo.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon