Chapter 29

225 14 25
                                    

"Take care po, we will miss you here." malungkot kong paalam kay Tita bago siya pumasok sa departure. Nakayakap sa mga balikat ko si Jiro at alam kong malungkot din siya. 

Nagpaalam si Jiro sa mama niya in Japanese at ang huli lang ang naintindihan ko, "I love you, ma."

Tita Saki, or Mama Saki as she wants me to call her, has been very, very nice to me. Noong pinakilala ako ni Kenjiro sa kaniya ay hindi man lang niya ako sinubukang iintimidate. Agad niya akong sinalubong ng ngiti.

Sadly, hindi natupad ang hiling ni Jiro. Nagkabati ang mga magulang niya pero hindi tulad ng hinihingi niya. Alam kong masakit pa rin sa kaniya dahil sa ilang taon na pamamalagi dito ng mama niya ay hindi man lang naging sapat para umayos... pero hindi ko sila masisisi. Baka kung ipilit nila ay mahihirapan din sila sa huli, pati si Jiro.

Nang mawala sa paningin namin si Tita ay binaon ni Jiro ang mukha ko sa dibdib niya at binalot ng yakap. Sa paghinga niya palang ay alam kong ginawa niya iyon para itago ang mga luha.

"I'm proud of you." bulong ko nang kumalas at pinunasan ko ang mga luha niya. Nangulila siya sa ina nang matagal mula pagkabata at nakakataba ng puso na naranasan niya muli ang pagmamahal ni Tita sa saglit niyang pag-uwi rito. 

He is loved. Jiro is very much loved by his parents. 

Pagkatapos ng nakakapagod na araw na iyon ay ilang linggo kaming nanatili lang sa unit niya o kaya naman ay sa bahay namin. "Kumain na ba kayo?" tanong ni Tita Ameliora nang dumating siya sa bahay isang gabi at naabutan kami ni Jiro sa sala.

"Opo," si Jiro na ang sumagot. Ang daming nang nagbago. Hindi na ako pinagbubuntungan ni Tita kaya sobrang madalang na lang kaming mag-usap. 

Noon ngang inuwi ko rito si Jiro at unang beses silang magkita ay wala siyang sinabi.

Tumakbo si Amiel papunta sa amin at padarag na kumandong sa akin. "Ouch," inda ko. Hindi na siya baby, kaya ang bigat bigat na! 

He's turning six soon pero syempre, sa mata ko ay siya pa rin ang baby ko. Mas lalong nakikita ang kapogian ni Amiel ngayong lumalaki na siya. Sa daycare niya nga ay ang dami na raw nagkakacrush sa kaniya, sabi ng teacher.

Naku, sasakit yata ang ulo ko nito. Both my boys are girl magnets.

Nag-aayos kasi kami ngayon ng bahay para sa paparating na birthday ni Lola. Graduating na ako at tapos na sa final requirements kaya marami akong oras para tumulong. Si Jiro naman ay may isang taon pa. 

Noong finals ko nga ay kahit hindi kailangan, sinasamahan niya akong magpuyat para daw hindi ako antukin. Unfair daw na siya, tulog na, habang ako ay nagpapagod pa.

"Astraea. Kenjiro. Fetch some groceries first." utos ni Tita nang hindi tumitingin sa amin.

Kinuha ni Jiro agad ang susi ng sasakyan, "Is there something specific we have to get, Tita?" tanong niya na inilingan ni Tita. "Just something to stock up our kitchen."

Napansin ko ang pagkamangha ni Amiel sa kaniya.

All Amiel talks about is Jiro and how cool he is. Hindi ako magtataka kung gagayahin niya na talaga ito hanggang paglaki niya. 

"Hindi ba kayo nagsasawa sa isa't isa? Going four years? Gosh," umirap si Ryone na kinita muna namin bago kami tuluyang namili ni Jiro sa grocery.

Pinanliitan ko sila ng mata, "Bakit? Nigel naman, sawa na yata 'to sayo! Isang taon pa lang kayo, ah!"

"Why? I make sure I keep her entertained."

Tumawa si Jiro sa tabi ko at mukhang silang dalawang lalaki lang ang nagkaintindihan. 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon