I consoled myself with the fact that I'd still go to the same school, anyway. Iyon nga lang ay luluwas pa-Maynila ang iba kong mga kaibigan pero karamihan sa amin ay mananatili sa UGA.
Ito ang isa sa mga pinakaprestihiyosong unibersidad dito sa buong Pampanga, maging sa Gitnang Luzon kaya dumadayo rin dito ang mga galing pa sa ibang lalawigan.
Pinangarap ko talagang makapagkolehiyo dito sa UGA at nakakatuwa dahil masasabi ko na pagkatapos ng pag-iipon ko nitong nakaraang taon ay may sapat na akong pera para makapag-enroll sa unang sem.
Pinaglalaruan ko ang kuwintas na binigay sa akin ni Jiro noong graduation. May dala kasi siya noon na parisukat na blue velvet box at itong pilak na kwintas na may pendant na citrine. Birthstone ko.
Kung paanong alam niya ang birthstone ko nang hindi man lang naalala ang birthday ko ay hindi ko na alam.
Ang kulay dilaw na pendant ay napalilibutan pa ng makikinang na bato na naisip ko ngang baka diamante, pero hindi naman siguro?
Namamangha ako roon nang biglang marinig ko ang door chimes dito sa coffee shop nina Keann. Bakasyon nanaman kasi kaya kukunin ko ang pagkakataon na ito para dagdagan ang pinagkakakitaan.
Ang mga naunang linggo ng break ay ginugol ko sa pagtatrabaho dahil wala rin naman akong ibang ginagawa.
"Dadalhin ko sa doktor si Lola po at may appointment siya ngayon. Ikaw muna ang maiwan sa pinsan mo." sabi ni Tita at doon na nagtapos ang usapan. Hindi niya na hinintay ang opinyon ko kung ayos lang ba sa akin iyon.
Bumuntong hininga na lang ako at natanto na wala naman akong magagawa at magpapaalam na lang ako kay Gette na hindi ako makakarating sa shop ngayon. Mabait sila bilang boss pero ayaw ko namang abusuhin 'yon.
"Ano ka ba! Ngayon ka lang aabsent, you deserve a break!" she reassured me. Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil ang bubbly niya lang talaga.
Bagay sila ni Keann kahit laging nagbabangayan.
I turned to Amiel, iniisip ko kung ano nanaman ang gagawin namin buong araw dito sa bahay. "Aren't you bored?" tanong ko dahil dalawang oras na yata kaming nakatitig sa cartoons.
Tumango siya, tapos bigla ding umiling. Ano ba talaga?
Lumuhod ako sa harapan niya dahil nakaupo siya sa couch. Napangiti ako sa sarili ko dahil ang cute tingnan na hindi niya abot ang sahig.
"Where do you want to go? Alis tayo," Tumitig ako sa mata niya at nakita ko na mas nahahalata na ang mga nunal niya sa ilalim ng mata. His eyelashes are also very long.
Hay, he's growing up too fast! Hindi pa pwede! Gusto ko baby nalang siya palagi.
Tumango siya at tiningnan ako pabalik. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nanggigil sa kaniya sa yakap. "You're so cute!" malambis kong sabi habang hinahalik-halikan ang pisngi niya.
Binihisan ko si Amiel ng checkered na long sleeved polo, jeans na may partner na suspenders.
"Ang cute cute ng baby ko!" pang-ilang beses ko nang ulit dito. Kulang na lang talaga na tawagin akong Mama ni Amiel, eh.
As for his papa, hindi ko pa siya nakikita at madalas naman silang nagkakasama ng pinsan ko dahil naririnig ko sila Tita kapag umaalis sila para kitain ang papa ni Amiel. Parang... masyadong masikreto.
Ayaw ko naman na magmukhang alipin ni Amiel kaya nagdamit rin ako nang maayos. Isang kulay gray na halter top ang suot ko at sweatpants na mas light ang pagiging gray. Nadepina ang kurba ng katawan ko at ang morena kong balat.
Converse na kulay puti at low-cut ang sinuot kong sapatos.
Ito na ang pinakabago kong mga damit at ang suot ko from head to toe ay bigay lang sa akin ni Ry bilang pasalubong noong nagshopping siya sa Singapore. Marami pa siyang dala para sa akin, balak yatang punuin ang closet ko.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomansaBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...