I remember how I met my first friend ever.
We were at a park, the grass greener than it ever was. A gloomy day, but it's ironic that it was when I started to take a liking to sunflowers.
My father was never available. Ang araw na 'yon lang ang natatanging araw na nakalaan para sa akin sa isang buwan, kaya kinuha ko na ang pagkakataon kahit halos hindi na makasilip ang araw sa kapal ng mga ulap.
"Dad! Can you push the swing for me?" I asked my father as my small legs couldn't reach the ground. But he was nowhere near the hearing range. Nasa malayo siya, may kausap sa telepono.
I wanted to cry, but the only thing my father taught me was not to cry. Kasi lalaki ako. At a very young age, I already knew how wrong it was, but I wanted to follow him. For the sake of making myself remember that I have a father.
Ang swing na ito ay may apat pa na makakasakay, at ang mga katabi ko ay tinutulak ng mga mama o di kaya'y papa nila. Nagtatawanan at masasaya ang mga mata.
Pero naagaw ang atensyon ko ng isang batang babae. Mahaba ang kulay kayumangging buhok, morena ang balat, gusto kong makita ang mukha pero natatakpan ito ng buhok niya.
She was wearing a yellow dress filled with sunflower patterns. Ang ganda niya, 'yan ang una kong naisip tungkol sa kaniya. At malaking bagay na iyon dahil para sa akin, si Mom lang ang maganda.
Tumalon ako mula sa swing para makababa at nagasgasan pa ang tuhod ko dahil mali ang pagbagsak ko. Hindi ko alam kung bakit, pero siya ang unang tiningnan ko, at nakita kong tinawanan niya ako.
Nanlaki ang mata ko. Her smile, her laughter, and her smiling eyes were gorgeous. I wanted to see them again, kaya sinasadya kong magpadapa ulit para makita siyang tumawa ulit.
Napangiti ako nang tumawa nga siya. Grabe.
Lumapit ako sa kaniya, "Hello... Anong pangalan mo?" tanong ko.
Tumingin siya sa mga paa niyang maliliit, mas lalong hindi abot ang lupa kaya kanina pa siya roon. Natatakot siguro siyang bumaba. "Sabi ni Lola, huwag na huwag raw akong makipag-usap sa mga hindi ko kakilala."
"Oh... Okay..." tumango ako at naintindihan. My mom tells me that too.
Lumipat ako sa likuran niya at sinundan niya ako ng tingin. I pushed the swing so that she'd enjoy it. Noong una ay naramdaman kong nanigas siya sa takot at napakapit sa hawakan pero kinalaunan ay nagsimula na siyang tumawa.
Gagawin ko ang lahat para lang makita ang ngiti niya ulit. Ang tagal ko siyang tinutulak at ang tawa niya ay sobrang sarap sa pandinig. Parang mas masaya pa nga ako kaysa sa mga bata na kasabay namin at may mga magulang na kasama.
Maya-maya ay ako naman ang pinaupo niya at ako ang tinulak niya sa swing. "Hey, stranger..." tawag ko sa kaniya. Ang polaroid camera na nakasabit sa katawan niya ay tinuro ko, "Picture tayo?"
"Oh sige, pero ikaw ang mag-uwi ng picture, ha? Magagalit kasi si Tita ko kapag nalaman niya na naglaro ako dito..." malungkot na sabi niya.
Saktong pagkakuha namin ng litrato ay sinundo na ako ni Dad. Ayaw kong umalis pero kailangan, at ang huli kong nakita ay ang pilit na ngiti ng bago kong kaibigan.
I already forgot about her smile after everything that has happened, but for a long while, it helped me go through a lonely childhood. I used to swear to find her and make her laugh again.
But all of that is just a child's wish.
Kinalabit ako ni Shun nang may makita siyang babaeng papalapit sa amin dito sa bar. Sa akin nakatingin ang babae, at parang sobrang natural na sa akin na iangat ang kamay ko at ipakita ang singsing sa daliri ko.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
Любовные романыBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...