Chapter 13

277 18 53
                                    

Tuluyan nang nagdilim ang kalangitan pero narito parin kami ni Jiro sa outdoor garden, tinatanaw ang tila sumasayaw na fountain. Nakaupo kami sa isa sa mga konkretong bench at nakahilig ang katawan niya sa mas maliit kong katawan.

Nanatili lang kaming ganoon nang hindi ko na mabilang kung gaano katagal. Hinintay ko lang siya kumalma.

Maya maya ay may batang nabasa doon sa fountain dahil naglalaro siya doon. Sabay kaming natawa ni Kenjiro.

"Ayos ka na? Bigat mo." tanong ko na sinundan ng insulto para hindi niya isipin na concerned ako sa kaniya.

Tumingala siya sa kulay itim na langit na naiilawan lang ng kalilitaw lang na buwan. Lumunok siya at nakita kong gumalaw at mas nadepina ang adam's apple niya dahil sa ginawa.

"Salamat, Trey..."

Sasagot sana ako pero naalala ko bigla si Ambrose. Naghihintay nga pala siya! Sobrang tagal na namin dito!

"Papasok na ako ulit, hinihintay ako ni..." Hindi ko matuloy ang sinasabi ko dahil natatakot ako na baka bumalik sa kanina ang mood ni Jiro kapag binanggit ko si Ambrose.

Tumingin lang siya sa akin, naghihintay ng isusunod ko. "Ni Ambrose? Oh sige, tara tara." sabi niya.

Mabilis ang lakad ko kasabay na umuusbong na guilt sa loob ko dahil pinaghintay ko nang sobrang matagal si Ambrose. Pagbalik namin sa Yakimix ay wala na doon si Keann at Ambrose.

"Umalis na po ba?" tanong ko doon sa waiter na nagserve sa amin kanina. Para namang naaalala niya pa kami at sumagot siya, "Ah! Pinapasabi po nina Sir na may pupuntahan lang sila."

Pumunta kami doon sa sinabi niyang pinuntahan nina Ambrose at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko nang makita ko sila doon sa screen sa labas ng 5D Fun Rider. Nasa loob sila noon at gumagalaw ang sinasakyan nila habang may suot silang salamin na sa tingin ko'y 3D glasses.

Humagalpak sa tawa si Jiro sa tabi ko at hawak ang tiyan sa isang kamay, habang ang isa ay itinuturo ang screen. "Puta! Nice, Ke!" nababasag ang boses niyang sabi dahil sa pag-iyak kanina lang.

Hindi ko na rin mapigilan ang matawa habang pinapanood ang dalawa sa loob. Si Keann ay tila nasa rollercoaster at nakataas ang dalawang kamay habang gumagalaw ang upuan nila.

"Pakicheck kung buhay pa si Ambrose! Wala akong pambayad sa ospital!" sigaw ko para kay Keann kahit hindi niya iyon maririnig. Hindi kasi gumagalaw si Ambrose at nakahalukipkip lang na nakaupo doon. Nagmukha tuloy siyang chaperone ni Keann.

Hanggang sa makalabas sila ay hindi tumigil kakatawa si Jiro. Halos mapaupo na siya sa sahig sa sobrang pagod kakatawa.

"Ambs!" Inangat ko ang kamay ko para kuhanin ang atensyon niya. Bumaling naman siya sa akin at naglakad palapit. Si Jiro naman ay tumalon papunta kay Keann at nagbiruan na sila doon.

"Ayos ka lang?" maagap niyang tanong. Pinadaanan niya ng tingin mukha ko, parang tinitignan kung may nagbago ba sa akin.

Tumango ako. "Sorry nagtagal—"

"Bakit ang tagal? What did he do?"

"Wala siyang ginawa—"

Sumingit si Jiro, "Sorry, pre."

Why do people love cutting me off?! Patapusin niyo naman sana ako sa sinasabi ko!

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon