Chapter 17

276 18 76
                                    

Hindi ko inaasahan na totoo nga na maghihintay siya sa akin. Nakapalumbaba ako sa counter nang pumasok siya, magulo ang buhok at mukhang nakatulog siya.

"Nandito ka pa?" Napatayo ako nang makita siya.

Ibinulsa niya ang dalawa niyang kamay ay nagtatakang tumingin sa akin. "Oo naman. Sinabi ko naman na maghihintay ako, Trey..."

Pinipigilan ko ang antok ko habang nakaupo ako sa front seat ng sasakyan niya. Inabala ko ang sarili ko sa panonood sa kaniya na nagmamaneho. 

Ang kaliwang siko niya ay nakatukod sa may pintuan at pinaglalaruan niya ang labi niya. I-kiss ko yan, eh.

Napansin niya siguro ang paninitig ko kaya lumingon siya sa akin. 

"Ihahatid na kita sa inyo."

Umiling ako. "Huwag na... Katulad na lang ng dati."

Sinunod niya ako at lumiko siya sa may terminal pero wala nang kahit isang jeep sa paradahan. Gosh! Sobrang late na ba talaga at hindi ko na naabutan ang huling byahe? Pagod na pagod na rin siguro itong kasama ko.

Nakitang kong may naglaro na ngiti sa labi niya habang nagmamaniobra ng sasakyan pero sinamaan ko siya ng tingin kaya pinilit niya itong tanggalin.

"Okay, fine! Pero hanggang sa labas lang ng village!" sabi ko. Humagikgik siya at hindi na umangal sa gusto ko. "Yes, ma'am. Masusunod po."

Ibinaba niya ako kung saan din ako bumababa kapag jeep ang sinasakyan ko. Mula rito sa may gate ng village ay nilalakad ko hanggang sa bahay. 

"Bukas ulit?" pahabol na tanong ni Jiro bago ko sinarado ang pintuan. Nakahilig siya sa direksyon ko at ang kanang kamay ay nasa headrest ng kaninang unuupuan ko.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi muna ako magtatrabaho bukas."

Tumango-tango siya, "That's good. Magpahinga ka na muna buong araw."

Hindi ko na siya sinagot pero narinig ko pa siyang sumigaw bago ko siya tuluyang binagsakan ng pinto ng sasakyan. "Chat chat, Trey!"

Masyado na akong pagod para magbukas pa ng computer at i-chat siya. Ang alam ko lang ay tumba na agad ako noong segundo na humiga ako sa kama.

Nasa eskwelahan ako kinabukasan, hindi naman talaga balak magpahinga. Nakapila ako sa finance office para makapagbayad ng entrance fee para sa second semester. Aasikasuhin ko na rin siguro ang scholarship ko at ang allowance na makukuha ko roon.

Marami-rami ang tao at medyo malayo ako sa pila dahil isa ang ngayon sa mga nakatalagang araw para sa enrollment ng grade level namin. Sa susunod na araw pa raw ang mga kaibigan ko dahil as usual, busy sila sa holidays at nasa ibang bansa nanaman ang iba.

Ang mga babaeng kasunod ko sa pila ay sabay-sabay na lumingon sa isang direksyon kaya napatingin na rin ako. 

Si Ashriel at Jiro!

Great! Kung sino ang hindi dapat makakita sa akin ngayon ay siya pang nandito. Agad akong nagtago at nakihalo sa maraming tao. 

Alam ni Jiro na nagpapahinga ako ngayon, tapos makikita niya ako dito! Sumilip akong minsan pa na agad kong pinagsisihan dahil nagtama ang tingin namin ni Ashriel.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay nasa harapan ko na ang dalawang matangkad na lalaki. Umiwas ako ng tingin at pumito, umaasang baka hindi pa nila ako nakikita. 

"Astraea..." seryosong sambit ni Jiro.

Ang kaninang maraming taong malapit sa akin ay nawala dahil nagsitabihan sila para bigyan ng daan ang dalawang 'to. Grabe naman! 

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon