Chapter 21

267 17 29
                                    

Kinaumagahan ay napamura ako nang maramdaman ang matinding sakit ng ulo. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang nakasabunot sa buhok. 

"Apo? Kain na tayo," rinig kong sabi ni Lola pagkatapos ng sunod-sunod na pagkatok. 

"Opo! Susunod na po!" Sigaw ko para marinig pero dahil sa lakas nito ay ako rin ang nasaktan dahil sa ulo ko. Gosh! What the hell?

Pinilit ko ang sarili kong makatayo at tinago ang pagkalukot ng mukha dahil sa pag-inda ng sakit ng pakiramdam ko. Grabeng pasasalamat ko na lang nang makitang may sabaw roon.

Agad ko itong hinigop pagkahain sa harapan ko at guminhawa naman ang pakiramdam ko kahit kaunti. Pagkatapos kumain ay nagsearch ako ng pain reliever sa computer at buti naman ay mayroon kami noon dito.

Buong araw ay nanatili lang ako sa kwarto ko at itinulog ang nararamdaman. Lumalabas lang ako kapag tinatawag para kumain. 

Napahinga ako nang malalim nang gumabi na at maayos na ang pakiramdam ko. 

Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Kenjiro matapos ang nangyari. Sobrang linaw ng mukha niyang puno ng pagsusumamo sa alaala ko habang ang ibang pangyayari ay magulo na. Ang mga mata niyang tila nagmamakaawa sa akin ay hindi ko yata mauunawaan kailanman.

Nakakalito. May Nyx na siya, 'di ba? Bakit ganito pa rin siya sa akin? Bakit pilit niyang pinaparamdam sa akin na hindi lang ako kaibigan? 

He's cruel. Gusto ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kaniya dahil sayang ang pagkakaibigan pero dahil sa ginagawa niya ay nagiging imposible ang gusto ko!

Pilit akong ngumiti na parang walang nangyari noong nakaraang araw sa pagitan naming dalawa. "Sinabi ko naman na ayaw kong magpapicture..." pagsisinungaling ko.

Gusto ko. Graduation picture, once in a lifetime lang akong magtatapos ng high school! Syempre ay gusto ko pero wala akong pera pambayad nito.

"Wala namang mawawala, Trey... I'll pay for it! Gift mo na sa akin," sabi niya na hindi ko maintindihan. Siya ang magbabayad pero regalo ko raw sa kaniya. 

Hindi siya kasing sigla kumpara sa mga normal na araw at alam kong dahil iyon sa tensyon sa pagitan naming dalawa matapos ang nangyari. Parang nag-iingat siya na may masabi o magawa siyang hindi ko magustuhan.

Tapos na ang pictorial nina Jiro at hindi ko alam kung bakit nandito pa siya. Matikas siyang nakatayo sa harapan ko habang suot ang dress shirt na ngayon ay nakakalas na ang unang dalawang butones at nakaluwag na ang necktie. 

"Wala ba kayong lakad ng barkada mo ngayon?" tanong ko. Kadalasan kasi kapag ganito ay palagi silang may naka-set na gala o kahit anong ganap. Kahit walang okasyon pala ay mayroon sila. Palibhasa ay mapera silang lahat kaya hindi inaalala kung saan man pupunta.

Umiling siya. "Meron sila."

"Hindi ka sasama." 

Umiling lang siya ulit. Tinulak ko siyang bahagya sa gilid para tignan ang tumawag sa akin at nakita kong ako na ang sasalang sa pictorial. Isinuot ko na ang kulay pula at yellow na toga. Umupo ako sa stool sa harapan at may background sa likuran ko. Hinawakan ko ang graduation cap sa harapan ko.

Nakaayos rin ako ngayon dahil may pinadala si Jiro na hair and makeup artist dito kani-kanina lang. Sabi niya ay iyon din ang sa mga kaibigan niya pero I doubt it.

Is this his way of making up to me? Naaawa ba siya sa akin kaya ganito?

Ngumiti ako sa harap ng camera at pinigilan ang pagkurap nang isang flash ang bumulag sa mga mata ko. Pagkatapos akong kuhanan ay pumikit agad ako.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon