Chapter 39

266 11 28
                                    

Tuwang tuwa si Amiel sa mga dinala naming pasalubong. Ang buong carpeted floor ng living room nila ay puno ng mga nagkalat na paperbag at mga nakabukas nang mga laruan. Gadgets ang binili namin na tama lang dahil talagang hindi na hilig ni Amiel ang mga gusto niya dati.

Tumingin sa akin si Jiro at parang naririnig ko ang boses niya na, "I told you so."

Nakaupo kami ngayon sa floor at nasa likuran ko siya kaya sumandal na lang ako sa dibdib niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. "I love you." bulong niya.

Maging si Tita ay natuwa sa mga pinamili ko kaya hindi namin siya maistorbo doon. Pumunta ako sa kusina para ipagluto sila dahil lagpas tanghalian na. Sa hallway na patungo sa kusina ay may isang maliit na altar na may malaking picture ni Lola.

"Lola," bulong ko. Pinadaan ko ang daliri ko sa litratong iyon. Maraming bulaklak sa mataas na lamesa at mga kandila na de-baterya. Ang ganda tingnan... pero ang lungkot. Hindi man lang ako nakapagluksa noong nawala siya., kaya parang ngayon pa lang.

Napatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may umahas na braso paikot sa katawan ko. Si Jiro lang pala. "Ang hilig mo ring manggulat, ano?"

Paos siyang natawa. "Sorry."

Nanatili kami sa pwestong iyon, nakayakap siya mula sa likuran ko habang pinagmamasdan ang frame ni Lola. Gusto kong ibalita sa kaniya na nandito na ulit si Jiro, dahil alam ko kung gaano niya kagusto ito para sa akin.

"What did the letter say?"

"She told me that she's proud of me," Hirap pa akong sabihin iyon dahil parang may nagbabarang kung ano sa lalamunan ko. Wala na rin akong luha at ang hapdi na ng mata ko sa pag-iyak. Ayaw rin naman ni Lola na iyakan ko siya panigurado.

Nang narinig kong kumalam ang sikmura ni Kenjiro ay humalakhak ako at hinila na siya papunta sa kusina. "Sabi sa'yo, order na lang tayo ng pizza."

"No, kung pwede magluto ay magluto na lang! Huwag kang magastos, Jiro."

"Nagsalita!"

Umupo siya sa kitchen counter na parang upuan lang iyon sa kaniya dahil hindi niya man lang kailangan lumukso para makaupo doon. "Ano? Manonood ka lang d'yan?"

"Napilitan akong magluto para sa sarili ko noong wala ka kasi nakokonsensya ako kapag bumibili ng junk foods. Parang naririnig kitang pinagsasabihan ako. Kaya ikaw naman ang ipagluto ako ngayon, please..."

Ngumuso pa siya para magpaawa. Kahit naman hindi niya sabihin ay iyon ang gagawin ko.

Puno naman ang ref nina Tita kaya hindi ako nahirapang mag-isip ng iluluto. "Kumakain ka ng beef broccoli?" tanong ko kay Jiro na talagang manonood lang.

"No,"

"Okay. 'Yon ang iluluto ko."

"Tinanong mo pa!" tawang tawa naman siya, tingnan natin kung tatawa pa siya mamayang kakain na. Hindi na niya talaga naalis sa sistema niya ang hindi niya pakikipagkaibigan sa gulay.

'Di niya rin natiis at tumulong na siya sa akin. Hinihintay na lang namin na kumulo at maluto kaya pinatawag ko na sina Tita.

"Wow! Ang bango!" sabi ni Tita pagkapasok niya sa kusina. Natatanaw ko ang dalawang lalaki sa dining table at inaayos na ang mga kubyertos na gagamitin. Namamangha pa rin ako sa pagkakahawig nilang dalawa.

Naging masaya at masigla ang naging tanghalian. Masaya naman kapag kaming dalawa lang ni Jiro pero iba rin ang saya na ganitong magkakasama kami. Puro kuwento si Amiel tungkol sa mga nagaganap sa eskwelahan niya.

Tulad ng inaasahan, sabi ni Tita ay may mga nag-aaway na kaklase niya dahil pinag-aagawan siya. Manang mana sa kuya. "Nice!" nakipag-apir si Jiro kay Amiel kaya sinita ko sila.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon