Chapter 16

252 17 45
                                    

Nakakainis! Nakakairita!

Halos mapasabunot ako sa buhok ko nang makita ko nanaman ang mukha ni Jiro nang dumungaw siya mula sa pintuan ng classroom ko. Hindi ko na mabilang kung pang-ilan na ito sa mga nagdaang araw.

Nang sinabi kong babawi ako sa kaniya matapos ko siyang pakainin ng seafood kung saan allergic pala ang asungot na to at di man lang sinabi ay hindi ko naman akalaing aabusuhin niya nang ganito!

"I already said I'm sorry!" pareklamo kong sabi nang makalapit na siya. Umupo siya sa armchair sa tabi ko at inakbayan ang likuran ng akin na para bang pag-aari niya ito.

Nilapit niya ang mukha niya hanggang sa may kanang tainga ko na siya, tinitignan ang activity sheet na sinusulatan ko.

Ang mga kaklase ko ay hindi na pinapansin ang presensya niya dahil nasanay na yata sila. Araw-arawin ba naman.

"Hindi ka nga marunong," sabi ni Jiro bago ako nilingon at binigyan ng mapang-asar na ngiti. Tinignan ko ang ginagawa ko at aminado akong hindi naman talaga ako magaling gumuhit, pero marunong naman kahit papaano!

Pabiro kong nilapit sa mata niya ang lapis, ambang tutusukin ang mata niya gamit ito. "Woah, woah!"

Napatayo naman siya agad at umiwas. "Halika rito, 'wag kang tatakbo!" sabi ko at tumayo na rin para habulin siya. Parang bata siyang tumakbo papalabas at umaalingawngaw ang malakas niyang tawa.

Hinayaan ko siya makaalis at hindi ko siya hinabol. Ang aga aga, ayaw kong sayangin ang oras ko kakahabol sa kaniya, alam kong 'di ko naman kaya! Parang tanga lang.

Bumalik ako sa upuan ko at tinapos ang ginagawa. Isang minuto lang yata ang lumipas nang bumalik si Jiro, nakasimangot.

"Hindi mo ako sinundan."

Umirap ako. "Ano ka, bata? Ang aga aga nakikipaghabulan ka!"

Ngumiti siya at kinuha ang kaliwang kamay ko kung saan wala akong hawak na color pencil. Hawak niya lang iyon at pinaglaruan niya ang mga daliri ko.

Hindi ko muna inalintana ang mabilis na tahip ng puso ko dahil baka hindi ko pa matapos itong ginagawa ko. Pero totoo iyon. Nararamdaman ko parin.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niyang paglalaro sa kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay nang pinagkumpara niya ang laki ng mga kamay namin.

Napatingin na ako doon.

Nakaupo siya sa arm rest ng katabi kong upuan at nakaharap ang buo niyang katawan sa akin. Nakayuko siya at seryoso ang tingin sa dalawa naming kamay.

May sumilay na ngiti sa kanyang labi, siguro dahil natanto niyang 'di hamak na mas malaki ang kamay niya kaysa sa akin. His hands are big and his fingers are long, though slender.

"Shut up." agap ko bago pa siya makapag-komento doon.

He chuckled. "Wala pa naman akong sinasabi, Trey."

Ilang segundo pa ang ginugol niya sa pagtitig sa mga iyon at iniwas ko na ang mga mata ko sa takot na tumingin siya sa akin at malaman ang nararamdaman ko.

Ngunit nang maramdaman kong pinagsalikop niya ang aming mga daliri ay nabitawan ko ang hinahawakan kong lapis sa kabilang kamay.

Naramdaman ko ang init mula sa kanyang mga palad.

I looked at our now intertwined fingers and holding hands, but just through the side of my eyes.

Ang perpektong tignan. Para bang para sila sa isa't isa.

Hindi ko iyon tinanggal. Hindi niya rin binawi. Hanggang sa matapos ako sa pagkukulay at habang pinapanood niya ako ay nanatili ang hawak niya sa kamay ko.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon