Nagkatitigan kami, hinihintay kong tumawa siya at sabihin na nagbibiro lang siya. Dumaan ang ilang segundo pero hindi niya iyon bumawi. Umawang ang bibig ko, naghahanap ng mga tamang salita pero hindi sila dumating.
Mula sa pagkakatitig sa mga mata ko ay bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Sinalamin niya ang paghihiwalay ng mga labi ko. His lips are a natural color of rosy pink, and are effortlessly plump.
I know where this is going, and I am not doing anything to stop it. Papalapit nang papalapit ang mukha niya sa akin at itinagilid ang gulo, while I... I just closed my eyes.
Alam ko na sa oras na lalapat ang labi niya sa akin ay hindi na ako makakaahong muli. I will be down for him, all for him. Alam ko iyon at nagsusumigaw ang utak ko na lumayo na! Na umiwas na!
Ang katawan at ang puso ko ay mga traydor.
"Ate!" matinis na iyak ng pinsan ko mula sa kwarto niya. Nang dahil doon ay naitulak ko si Jiro pero hindi siya natinag nito dahil nanlalambot ako sa muntikang mangyari ngayon ngayon lang. Maliksi akong napatayo at ipinupunas ang kamay ko sa tela ng pajama ko.
Nakatingala sa akin si Jiro na nakaupo ngayon gamit parin ang mga namumungay niyang mata. Imbes na tumingin ako sa mata niya ay iniwas ko ito at tumingin nalang sa paa namin.
"I-It's late. You should go home." nauutal kong sabi. Ramdam ko ang init sa mukha ko na naglalakbay hanggang sa leeg habang namumutawi sa isip ko ang mga labi niya na kaunti na lang ay dadampi na sa akin.
Tumango siya at sinamahan akong daluhan si Amiel na umiiyak sa kwarto niya. Inunahan niya ako sa pagbuhat nito at habang nakatayo sila ay hinehele niya ito para matulog ulit. Hindi siya nahirapan sa pagpapatahan sa pinsan ko.
"Ssshh... Amiel." bulong ni Jiro sa pinsan ko pero rinig ko dahil sa lapit ko sa kanilang dalawa.
Seeing them like this... It felt warm. Nabasa ng mga nagbabadyang luha ang mata ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na tuwa. Na kahit papaano, kahit sa utak ko lang, kahit pantasya lang at kahit alam kong hindi magiging totoo... kahit papaano ay nabuhay ako para makita sila sa oras na ito.
I feel like I was born for this very moment in front of me.
"Trey, ano ba! Ang bagal!" tawag sa akin ng umiiyak din na si Ryone. Lumapit na ako sa kanilang lahat na nasa tapat ng isang malaking banner dito sa opisina na nakalaan para sa aming tatlo ni Nigel at Ry. Inihanda ng mga junior namin. Maging sila ay umiiyak habang nagpopose para sa litrato.
This is a farewell party for us seniors. Ang plano ay magliligpit lang pero hindi ko akalain na may paganito pa sila! Balak ko pamanding umiyak lang dito habang nag-aayos ng gamit.
"I can't believe you're all graduating. Baby pa kami! There is no way we can handle the publication by ourselves!" Pulang pula ang ilong ni Wynona dahil sa kakaiyak.
Lumapit siya kay Nigel na nag-initiate ng yakap, "Nakasama niyo kami ng isang taon. Hindi pwedeng wala kayong natutunan sa amin." Tumango naman ang iba sa sinabi niya.
Lalo lang akong naiyak sa boses ni Nigel! Alam kong malungkot rin siya pero alam niyang kapag umiyak pa siya ay mas lulungkot lang rito.
Maliban sa pagiging magaling na Editor-in-Chief ay isang maasahan na mentor si Nigel. The publication worked smoothly under his leadership. Hinding hindi ko makakalimutan ang ilang taon naming magkasama sa publication lalo na itong huli na magkasama kaming namuno rito.
Bumalik ako sa lamesa ko na tambak na tambak ng mga papeles mula sa mga hard copy ng lahat ng mga artikulong ipina-edit sa akin nitong taon. Naaalala ko kung gaano pinasakit ng mga ito ang ulo ko sa pagmamarka ng mga mali at kung anu-ano pa.
BINABASA MO ANG
Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)
RomanceBeing madly in love with someone who has his eyes fixated on someone else. Astraea Lekha has to wake up everyday with this painful reality, but what else can she do? She writes her agony in prose and poetry, swearing that she will not stop until the...