CHAPTER 1

4.7K 184 25
                                    

Warning:Hindi ako good writer kaya po may Grammatical and typings errors ako.Free to comment po kapag may mali ako like grammar,typings o kahit ano para po maitama ko habang pakunti kunti kong ene-edit.Thank you!.

Chapter 1

ALENA POV

"Mom,dad sigurado ba kayo na sa province nyo na ako papaaralin?"tanong ko kay mom and dad, na kick out na naman kasi ako sa university na pinapasukan ko dahil may ginawa na naman akong gulo.

"Oo,baka sakaling tumino ka na r'on"sagot ni mom habang mataas pa sa Mt. Apo ang kilay nya.

"Eh, hindi naman ako sanay sa province eh"saad ko na parang bata na nag mamakaawa.

All of my life isang beses palang ako naka punta sa province.

"Alam mo ba ang nangyari sa estudyante na binugbog mo?"tanong ni dad

"Edi patay!"

"Anong patay? ayun nabaog!"sagot ni dad.

"'Di patay nga! Patay na yung itlog nya!"sagot ko.

"Talaga kang bata ka wala kang patawad pag may nakaka away ka!"pagtataas boses sa'kin ni dad.

"Sino ba kasi ang nag turo sa'kin ng karate?"taas kilay na tanong ko kay dad.

"Edi ak--"Hindi natapos ni dad ang sasabihin nya.Papagalitan pa'ko kasalanan nya naman kung bakit basagulera anak niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo lilipat ka sa probinsya,No car,no ATM!"saad pa ni dad.

"Pero,Dad. Kahit yung Ferrari ko nalang, please!"saad ko kay dad with pakurap -kurap ng mata.

"No!"sabat ni mom.
Si mom hindi naman kinakausap sabat ng sabat.

"Ayaw ko dun walang aircon dun!"

"Matuto kang mag paypay!"sambit ni mom.

"How can you do that to me?!,mga magulang ko ba talaga kayo?"saad ko sa harap nila.

"Ihanda mo na ang mga gamit mo at bukas na bukas babyahe kana!"saad pa ni mom.

"Hindi man lang niyo 'ko ihahatid?"

"Hindi!, mag commute ka!"sigaw pa ni mom.

Mga magulang ko ba talaga itong mga ito? ang sasama nila sakin ah!.

"Pa'no pag naligaw ako?"tanong ko na nakabusangot.

"Ano ginagawa ng TV?"saad ni mom.

"Pinapanuoran!"

"Talaga kang bata ka!"saad ni mom na halatang naiinis na.

Tatanong kung anong ginagawa sa TV tapos magagalit,Ano gusto niyang isagot ko hinihigaan ganon?.

"Pag maligaw ka, edi mag pa TV ka!"saad ni dad.

"Tapos sabihin mo artista na'ko!"dagdag naman ni mom.

"Sasabihin ko hello madlang people,papa-Tulfo ko mga magulang ko pinalayas kasi ako!"saad ko sa harap ni mom and dad sabay kaway ng kamay ko sa kanila.

"Ayusin mo na nga mga gamit mo don sa kwarto mo baka ikaw ipa-Tulfo ko diyan eh!"saad ni mom sabay tayo sa kinauupuan nya at hahampasin nasa ako.

"Oh!oh! child abuse 'yan"saad ko sabay turo sa kamay ni mom."Sus gusto niyo lang naman ako ipadala sa probinsya para makagawa ulit kayo ng baby"bulong ko sa sarili ko.

"Ano sabi mo?"tanong ni dad.

"Wala, Sabi ko... mga bingi kayo!"saad ko sabay takbo paakyat ng hagdan baka masapok pa ako.

The Triplets Badboys And The Basagulera Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon