CHAPTER 18

868 49 1
                                    

Chapter 18

ZYCHARRY POV

Wala kaming pasok ngayon para sa paghahanda para mamaya si Alena kumakain na siya kadiri na babae na'to kinagat ang kamay ko hindi pa pala siya nag to-toothbrush.

"Pupunta ba kayo mamaya?"tanong ni Alena.

"Saan?"sagot ko

"Sa party!"sagot niya sakin

"Bakit ikaw?"tanong ni Zyrus

"Hindi eh,tinatamad ako!"sagot nito sabay subo ng sandwich,naka taas pa ang isa niyang paa sa upuan niya.Babae ba talaga 'to?.Hindi halata sa kanya.

"Tinatamad ka d'yan,bumili pa tayo ng gown tapos hindi ka sasama!"saad ko dito.

"Hoy walang tayo wag kang ano diyan pa ghost kita kay Zyro eh!"sagot nito sabay tingin kay Zyro.

Kaya pala siya hinahabol ni Zyro kasi kinaladkad niya ito tapos sakin pa tatago.

Buti hindi siya nahulog sa hagdan kakatakbo niya wag niyang hamunin si Zyro expert yan mag pa dulas sa hawakan ng hagdan baka nasa gitna palang siya nakababa na si Zyro.

"Zyro, malabo ba ang mata mo?"tanong nito kay Zyro.

"Manahimik ka d'yan!"sagot lang ni Zyro.

"Nag tatanong lang galit agad! ano ka Tigre na laging may regla?!"sambit ulit nito sabay kuha ng glass ni Zyro at isinuot niya.

"Bagay ba?"tanong niya at ngumiti pa siya at nag pose.

"Oo,bagay kang itapon!.Akin na nga yan!"sagot ni Zyro sabay agaw ng glass niya.

"Ang damot ghoster naman!"saad ulit ni Alena.Ang daming alam ng babae na 'to.

"Ikaw Zyrus kamusta na kayo ng ex mo?"baling naman nito kay Zyrus hindi ba siya nauubusan ng topic? mamaya san na umabot ang mga tanong niya eh.

Hindi lang siya sinagot ni Zyrus at tinignan lang siya nito ng masama.

"Luhh! galit agad, may mga regla ba kayo? talo niyo pa Baka kung nakatingin eh!"Sambit pa nito."Ulitin niyo nga tingin niyo sabay-sabay kayong Tatlo gagayahin ko!!"

"Pinaglihi ka ba sa chismosa babae ka?!"aniko

Ang daldal kasi.

"Chismosa? diba yun yung itsi-tsis mo Jowa mo!"saad ulit nito.

"Huh?"sabay- sabay na sagot namin sa kanya hindi namin naintindihan sinabi niya,siya lang ata naka intindi non.Ang corny.

"Ahh wala!,sabi ko mga wala kayong Jowa mga ghoster kasi kayo!"saad nito sabay baba ng paa niya at pumunta sa ref.

"Asan ang gatas?"tanong niya

"Wala na, wala ng stocks!"sagot ni Zyrus hindi man lang niya nakita tutuklawin na nga siya.

"Asan nga nauuhaw ako!"

"Ayan oh tubig may  bayad bawat isang inom d'yan!"sagot ko dito.

"Hala grabe siya oh!!"sagot niya sabay baling ng tingin sa'kin.

"Ohh, andito na pala kayo!"bungad ni mom.

"Hello mommy!,hello daddy!"bati ni Alena at kumaway pa siya kila mom and dad.

"Ready ka na ba baby girl?"tanong ni mom.

"Saan po?"tanong nito habang nasa tapat pa rin siya ng ref at nakabukas pa ito.

Aba totoo ba narinig ko?. Si Alena nag po? aba magalang!.

"Para Mamaya, you're the Queen, right?"sagot ni mom

The Triplets Badboys And The Basagulera Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon