CHAPTER 24

657 43 1
                                    

Chapter 24

ALENA POV

Ang dami ng dugo.Kailangan kong maging matatag,kailangan kong labanan ang takot ko sa dugo, ang takot na ito ang papatay sa akin pag hindi ako lumaban.

Tinanggal ko ang coat ko at kinuha ko ang panyo at inilagay ko ito sa sugat ko na patuloy pa rin sa pag agos ng dugo.Ipinikit ko muna ang mata ko kahit manghihina at nanginginig ang kamay ko,ginawa ko pa rin ang makakaya ko,itinali ko ang coat ko sa sugat ko para kahit papano maibsan ang pag durugo nito sumandal muna ako sa isang sirang upuan para maayos ko ang pag kakatali sa sugat ko.

Fvck Amihan you're such a toxic plastic friend! Humanda ka sa'kin pag ako mabuhay babalatan kita ng buhay.

Naalala ko na nasa bulsa ko pala ang phone ko kaya kinuha ko ito at dinaial ko ang number ni Kuya Jack kahit nanglalabo na ang mata ko.

Please kuya answer your phone I need your help!.

"Yes,baby?"bungad nito

"K-Kuya h-help m-me!!"

"Baby ,are you okay?"tanong nito pero hindi ko na siya kayang sagutin nawawalan na ako ng boses.

Binaba ko ang phone ko at ime-message ko nalang siya pero habang nag ty-type ako biglang namatay ang phone ko.

Shitt ba't ngayon ka pa sumabay? kung kailan kailangan ko ng tulong. Alena kapit ka lang gaganti ka pa 'wag kang sususko.

Hindi ko tinitignan ang dugo na nasa uniform kasi baka ito pa ang pumatay sa'kin.

Gabi na rin sobrang dilim na dito sa loob ng room tanging ilaw ko lamang ay ang buwan na tumatama sa maliit na butas ng bintana.

My Moon,please saved me...

Hindi ka talunan Alena.Hindi ka nga sumusuko sa mga kuya mo sa babae pa kaya na 'yon, kaya lumaban ka!.

Hindi ko na talaga kaya ilang oras na ako dito.It's 7:08 pm na bahala na kung makaligtas ako!,unti-unti ng sumusuko ang mga mata ko,unti-unti na itong pumipikit kasabay ng mga luha na umaagos sa pisngi ko.

JACK POV

Hay hindi ko masiyado naintindihan sinasabi ni Alena.Ano na naman kayang trip non? tatawag tapos papatayin niya rin.

Bahala s%ya diyan inaabot na naman siya ng kalukuhan niya may kailangan pa akong tapusing project tapos sasabay na naman kasirauluhan ng babae na 'yon.

Maya-maya tumunog ang phone ko..

Ito na naman na babae na 'to,hindi ko nalang pinansin ang tumatawag hinayaan ko nalang ito hanggang sa tumigil pero maya-maya na naman ay tumawag na naman.

Hay naku kulit.Tumayo ako sa pagkakadapa ko sa kama at inaabot ko ang phone ko at natabig ko ang picture naming magkakapatid kaya doon na ako kinabahan,kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko at what the....... Si Zycharry pala ang tumatawag.

"My god,dude! buti naman sinagot mo na!"bungad nito

"Bakit? may problema ba?"

"Nandiyan ba si Alena? Hindi kasi sya umuwi dito."

"Wala s'ya dito!"sagot ko, kinabahan na ako ng hanapin niya si Alena kinuha ko ang frame na nabasag "Aghh"Bigla nalang akong nasugatan at pumatak ang dugo sa picture ni Alena.

"Hindi kasi ma-contact ang phone niya!"saad pa ni Zycharry. Anong Oras na wala pa ang babae na 'yon?, pag magpapagabi naman siya umuwi nag papaalam siya.

"Ano ba kasing nangyari?"tanong ko kasi hindi naman aalis 'yon kung walang nangyari.

"May kunting hindi lang kami pagkakaintindihan kanina sa university at lumabas siya tapos hindi na siya bumalik akala namin umuwi na tapos pag dating namin dito sa bahay wala pa siya,kaya tumawag ako na baka diyan siya umuwi!"

The Triplets Badboys And The Basagulera Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon