CHAPTER 11

1.1K 57 1
                                    

Chapter 11

ALENA POV

"Kuyaaaa help meeee!!"sigaw ko pero hindi lang nila ako pinansin mga walang hiyang kuya na yun ah hindi man lang ako tulungan kakainin na ako ng demonyo nakikipag daldalan pa sila kay Zycharry at Zyro.

Kakatakbo namin ni Zyrus hindi ako tinitigilan habulin eh parang tanga mamaya tamaan pa ng lindol 'tong carnival hay naku guguho talaga 'to ng wala sa Oras.

"Oh!,ano ka ngayon wala ka ng takas!"saad nito sakin ng makapasok kami sa isang booth ng manghuhula.

"Zyrus naiisip mo ba naiisip ko?" saad ko sa kanya para makatakas ako sa kasalanan ko.

"Hindi,hindi tayo same ng utak eh!"sagot niya .

Sabagay tama siya, siya may utak ako wala.

"Zyrus magiging manghuhula tayo!"

"Sige! sige!.Bet ko 'yan!"sagot nito na may pagsang ayon wala naman kasi yung maghuhula dito may mesa din dito tapos may sapin na red na tela at may bolang kristal sus fake lang naman 'to.

Kinuha ko ang sinusuot ng manghuhula na parang toga at binalot ko ng tela ang buhok ko ang ayos ko mata lang nakikita baka mamaya may makakilala pa sakin eh si Zyrus nasa ilalim ng mesa siya daw magsasabi sakin kung ano gagawin namin eh.

"Gago Zyrus wala akong alam dito!"Aniko

"Ako bahala sayo basta gayahin mo lang sasabihin ko!"saad nito sakin nakataas kasi kunti ang sapin ng mesa yung nakikita ko siya.

Pag kami maabutan ng totoong manghuhula dito lilipad kaming dalawa ng wala sa oras.

May pumasok na isang babae......

"Madame?"saad nito

"Yes,Ining?.Ano ang maipaglilingkod ko sayo?"tanong ko galing kay Zyrus ang pinagsasabi ko naka earphone ako para marinig ko sasabihin niya.

"Gusto ko po sanang malaman kung saan ko makikita ang forever ko?!"saad ng babae.

Tanga ate wala ng forever ngayon!.

"Sabihin mo to!"saad ni Zyrus

"Ahh!haah!ahhh!haah!"­saad ko na parang sinasapian at hinihimas-himas ko ang kristal.Para tuloy akong timang

"Abra kadabra! ipakita ang forever ng babaeng ito"saad ni Zyrus sinusundan ko lang ang sinasabi niya sakin.

"Hay naku ining sana all may forever.Sa gitna ng dagat mag punta ka r'on languyin mo lang at mag hantay ka ng sampong araw pagdating ng labindalawang araw darating ang pating ay este ang lalaki para sayo!"

Baliw 'tong Zyrus na 'to papalanguyin niya papuntang gitna ng dagat 'tong babae na 'to.Ano makikita niya dun pating,chokoy?.

"Ahh ganon po ba kailan ko ba dapat umpisahan?"tanong pa ng babae.

"Bukas na bukas ining!"sagot ko dito

"Maraming salamat po!"saad ng babae.

"Teka! teka!.Bayad mo?!"pagpipigil ko dito lalabas na eh hindi pa nga nag babayad.

"Mag kano po ba?"tanong nito

"Sampong libo!"

"Sampong Libo?nung isang araw lang limang libo tapos ngayon sampong libo na?!"gulat na sagot ng babae.

"Iba na panahon ngayon ining!"

"Oh ito!"saad ng babae sabay lapag ng Ten thousand.

"Galit ka?galit ka?sapakan nalang tayo!"saad ko

The Triplets Badboys And The Basagulera Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon