Nireport ang stories ko kaya binura ni wattpad ang old account ko..
SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
PROLOGUE
Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan.
Sa paaralang hindi na kayang kontrolin ang katamikan ng may-ari!
Papasok ang apat na prinsipe. Makakaya kaya nilang sugpuin ang gulo? O sila mismo ang magsisimula ng gulo?
"LL, si Brod Kenneth, na-hospital!" Sumbong ni John Jacob. Kakapasok lang nilang tatlo at nagsumbong sa kapatid na natutulog sa kanilang tambayan.
"Bakit?" pupunas-punas na bumangon si LL. Kakalabas lang ng babaeng ginamit niya para parausan. Buhat nang pumanaw ang kanilang Lola Patch, naging pasaway na ang quadruplets lalo na nang pumasok na sila sa kolehiyo sa paaralang pag-aari nila.
"Bugbog sarado..." sumbong ni Lee Patrick at naupo sa sofang katabi ni John Matthew. Apat sila! Sabay-sabay na isinilang. Sabay sa paglaki at madalas ay nagkakaisa sa kalokohan at minsan, sabay na naghahasik ng gulo kaya palaging sumasakit ang ulo ng kanilang ama, ang FRATERNITY KING.
"Sino ang may salarin?" nag de-kuwatro ng paa si LL habang hinihintay ang sagot ng kapatid.
"GV yata name niya," hindi siguradong sagot ni Lee Patrick.
"SIYA NA NAMAN?" bulalas ni LL. Palagi na lang niyang naririnig ang pangalan nito pero hindi pa sila nagtutuos!
"Hindi raw siya titigil hanggat hindi mo siya hinaharap. One on one raw kayo, bro!" Sabat ni John Jacob.
"FINE! Saan siya tumatambay at nang masampulan?" pinapatunog pa niya ang mga daliri bilang handa sa giyerang mangyayari sa pamamagitan nila ng GV na iyon.
"Sa itaas ng billiaran ang tambayan niya..." sagot ni John Matthew.
"DITO LANG KAYO!" Galit na wika niya. Araw-araw na lang ay may binubugbog ang GV na kasapi ng kapatirang pinamumunuan nilang apat.
"Lance, Hindi si--" may sasabihin pa sana si Lee Patrick sa kapatid pero malakas na sumara na ang pinto.
"Ba't ganiyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni JM sa kapatid.
"Si GV..."
"Ano ang problema mo sa tarantadong lalaking iyon?" galit din na tanong ni Jacob sa kapatid.
"Hindi siya lalaki..." sagot ni Lee Patrick.A/N:
Huwag mag-expect ng sobra sa story na ito. Hindi ito magandang istorya. Dyosa lang ang Author 'este' Desperada na, Ambisyosa pa. Lol!Sorry sa typo etc... Kung ayaw ng story, leave silently. Huwag mang-bash bes, wala tayo sa publishing company o sa critic club. Hindi ikaw ang nagpapakain sa akin at higit sa lahat, hindi ikaw ang kapitbahay kong nagbigay ng password sa kanilang wifi. Salamat
Sampung readers, sapat na para magkaroon ako ng inspirasyon na tapusin ito. Kung lima lang, keribels lang. Pakiulit na lang po na pag-scan para kunwari, may nakikita naman akong reads pero secret lang natin 'yun sa ibang Author. Hehehe. Kung wala talaga, gagawa ako ng maraming Wattpad account. Self-support... Salamat. Sorry kung madaldal ako. Ganito talaga kapag wala ka nang hiya...😀💖😀💖😀💖😀💖Biro lang. Hehehe. Hindi ko po itinuturing na Writer ang sarili ko dahil wala akong alam sa TAMANG PAGSUSULAT. Oo, matatawag kong AUTHOR ang sarili ko dahil kahit paano, marunong naman gumawa ng story ang seksi kong utak. Mababaw nga lang pero kahit na! Naniniwala akong Author ka, Author ako at AUTHOR TAYONG LAHAT. Kapag nag-i-imagine ka ng isang eksena bago ka matulog, nasa school, church o kahit sa CR, Author ka na no'n. Huwag lang ninyong ipagkalat na ako ang may sabi ng gano'n. Ahm... Read, read, read and be my FRIEND. Thank you...
Labis na nagmamahal,
Ang Author na nagmahal. Nasaktan. Naloko. Nagpatawad. Nakipagbalikan. Sinaktan ulit. Niloko ulit. Nagpatawad na naman.
Paulit-ulit lang. Tanga kasi!
Ang ending, nagsulat ng libre sa Wattpad dahil wala na ngang love life, wala pang SEX LIFE. FOREVER TIGANG! My ghad! Sorry sa mga naisulat ko. Salamat sa pagbasa. ✌ ✌ ✌ ✌
Sha_sha0808 .
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...