SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6-7
Unedited....
"To my office, now!" Madilim pa rin ang mukha ng matandang lalaki.
"Sir Angeles, hindi naman ho ako ang may kagagawan nitong gulo." Reklamo ni LL habang nakabuntot sa likod ni Ken Angeles, ang nakatalaga para sa katahikan nitong paaralan pero ilang taon nang hindi nila matigil ang gulo lalo na ngayon dahil mas naging agresibo ang mga estudyante.
Nang makapasok na sila sa office ay naupo siya rito.
"Sir, wala talaga akong kinalaman kanina. Nasangkot lang kami sa gulo. Kahit itanong mo pa sa kapatid ko," pagpaliwanag ni LL.
"Nakita ng mga mata ko kung paano mo binugbog ang isang estudyante. Ano ang paliwanag mo roon?" ito ang pinaka-strict sa paaralan nila. Nagkakaroon ng gulo pero kapag mahuli ka niya, talagang o ibibigay nito ang karapat-dapat na parusa.
"You know the rules. Kahit na anak ka pa ni Dylan at isa ka pang Lacson, hindi ko puwedeng mapalampas ang ginawa mo."
"Hindi nga po ako. Why don't we watch the cctv's?" giit ni Leonard. Iyon na lang ang pag-asa niya para mapatunayang wala siyang kinalaman sa nangyaring gulo kanina.
"Alam mong wala na'ng cctv dahil araw-araw ay may bumabaklas nito!" Galit na sagot ni Ken. Everyday ay pinapalitan nila ang cctv pero everyday ring sinisira ng mga estudyante.
"Naipit nga lang talaga kami ni John Jacob kaya gumanti ako sa mokong na iyon! Ikaw ba naman ang madamay sa gitna ng gulo, hindi ka gaganti?" Kulang na lang ay maglupasay siya sa harapan ng matanda para maniwala ito sa kaniya.
Bumukas ang pinto at iniluwa sina Mandy at John Jacob.
"Ikaw nga ang magpaliwanag, Jacob! Ayaw maniwala sa akin!" Pagod na siya sa kakatalak pero mukhang walang pag-asang paniwalaan siya ni Ken- kaibigan ng lolo Demetrio nila.
"Totoo po ang sinasabi niya, naipin lang talaga kami sa away ng mga Rhoans at Megano. Patungo na kami sa tambayan nang bigla na lang nagkagulo," paliwanag ni Jacob.
"Yeah! Nakita ko po ang gulo, Tanda 'este' Sir, wala talagang kasalanan ang mga pinsan ko." Sabat ni Mandy na nakasimangot. Naiinis siya sa matandang ito dahil palagi na lang siyang pinapatawag nito e, wala naman siyang ginagawang mali. Siya naman ang binu-bully ng mga sorority member kaya inuunaham na niyang sampalin o ilampaso ang mga mukha sa sahig.
"You can ask the students if duda ka sa amin," dagdag ni Mandy na ngayon ay parang nasa bahay lang kung makaupo sa harapan ng guidance counselor.
"Sir? Would you mind if you'll excuse us? May pasok na po kami," magalang na paalan ni John Jacob. Si LL ay tinatamad nang magsalita.
"Okay, I'll discuss the incident with your father," pagsuko ni Ken. Mula nang bata pa, kilala na niya ang apat at walang makakatalo sa mga ito kapag palusot lang ang pag-uusapan dahil nagkakampihan ang mga ito.
"Sir, Tito Dylan has nothing to do with all these mess!" Bulalas ni Cheska.
"Lumabas na kayo." Hinilot niya ang sumasakit na sintido. Mula nang nagsidatingan ang magpi-pinsan sa paaralang ito ay nadagdagan ang stress niya sa buhay.
"That'll be great! Let's go, boys!" Nauna nang lumabas si Mandy.
"She doesn't have manners!" Bulalas ni Ken nang nawala na sa paningin ang dalaga.
"Yes, she doesn't have any manner." Nakangising pagsang-ayon ni LL. "So, prepare for upcoming disasters 'cause she'll be here for three years, Sir!" he added.
Nasa hallway na sila nang bigla na namang umakyat ang lahat ng masamang ispiritu sa ulo ni LL nang makitang makakasalubong nila si GV na may inaakbayang babae.
"Hey, bru!" Nakangiting bati nito kay LL.
"Hi Prince Leonard!" Bati ng babaeng nasa kanan ni GV at nagpapa-cute pa.
"Hello, Prince Jacob!" Kinikilig na bati rin ng nasa kaliwang inaakbayan ni GV.
"Kamusta ang guidance?" makahulugang tanong ni GV
pero nilagpasan lang sila ng magkapatid.
"Hindi ba, siya si GV? Akala ko pa naman, mukha siyang babae na to-tomboy-tomboy lang." Hindi makapaniwalang tanong ni Jacob sa kapatid.
"May gagawin ka ba?" tanong ni LL.
"Wala naman. Bakit?"
"Good. Pakitikom na ng bibig mo bago ko ipatahi iyan sa mananhi!"
Tumawa si John Jacob at nagsalita, "Ayaw mo lang maalala na natalo ka ng isang kagaya niya? Accept it, bro! Mas lalaki pa siya tingnan at kumilos kaysa sa iyo."
"So? Paano na lang kaya sa inyo?" panunuya ni LL sa kapatid.
"Mas pogi ako sa iyo!" depensa ni Jacob.
"Matangkad ka lang kaysa sa akin pero kung mukha lang ang pag-usapan, wala ka sa aking kalingkingan!"
"Oo na, kung kayabangan din ang usapan, ikaw na ang pinaka!"
Papasok na sila sa next subject nang marinig ang usapan ng tatlong kaklaseng nasa likod lang ng pintuan.
"Grabe, ang guwapo ni GV!"
"Sinabi mo pa! Sana, naging tunay na lalaki na lang siya noh?" hinayang na hinayang naman ang isa sa kanila.
"May girlfriend ba siya? Ang astig niya! Kahit na babae siya, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya!" Pinipigilan nitong kiligin pero halata naman sa boses.
"Oo, balita ko, mahal niya si Olivia!" Hinayang na hinayang ito. "Kahit na alam kong babae siya, pero crush ko talaga siya eh. Ibig bang sabihin, lesbian din ako?" ngayon pa lang ay confused na siya sa kasarian.
"Ako rin. Baka t-boom na tay--"
"ANG INGAY!" Lahat sila ay umayos nag pagkakaupo nang sinipa ni Leonard ang upuang walang umuupo sa tabi nilang tatlo. Puro na lang GV ang naririnig niya kaya pakiramdam niya, namamaga na ear drums niya.
Pagalit na naupo siya sa tabi ng tatlong kapatid na nakakunot ang mga noo dahil sa inasal niya.
"IKAW!" Sabay tulak ng upuang nasa harapan niya kaya nahulog ang babaeng natutulog. "Buong semester ka ba matutulog? Nag-aral ka pa!" Pupungas-pungas naman ang dalaga at inosenteng tumingin sa quadruplets. Naguguluhan siya kung ano ba talaga ang nangyari dahil antok na antok talaga siya. Pasimpleng inayos niya ang sarili at lumipat ng upuang malayo sa quadruplets. Wala siyang pakialam sa mga ito dahil matutulog siya.
"Bakit ba ang init ng ulo mo?" tanong ni Lee Patrick. Hindi nila alam na na-guidance ang kapatid kani-kanina lang.
"This school is full of HYPOCRITES!" Sambit ni LL nang maalala si GV at ang ginawa nito kanina. Iniligtas nga siya pero sa bandang huli, mas lalo pang ipinahamak.
"What ever it is, bahala ka na sa buhay mo!" Sabat ni John Matthew. These past days, nagiging mainitin ang ulo ni LL. Ang dami ring gulong pinasok.
"Waaah! Si Prince GV dadaan!" Malakas na sigaw ng isang estudyante sa labas ng classroom nila. Tila bombang sumabog sa tainga ni Lance Leonard ang pangalan ni GV kaya agad siyang tumayo na ipinagtataka ng mga kapatid.
"Marami pang estudyante sa hallway, bro!" paalala ni John Jacob. Ang pinakaayaw nilang apat ay ang pagkaguluhan at makita ng mga nag-aaral din dito.
"So? Does it matter?" hindi maipintang mukha ang lumabas sa classroom kaya napanganga ang mga estudyanteng nakatambay sa labas ng classroom.
"Si Prince Leonard," bulong ng babae sa baklang bestfriend nito habang naghuhugis puso ang mga mata.
"Sino ang tumawag sa kaniya na Prince GV?" tanong ni Lance Leonard at hinarangan si GV sa daan.
"Bakit? May problema ka ba kung tawagin nila akong 'Prince'?"
"Oo. Dahil HINDI ka naman talaga lalaki at wala silang karapatan na tawagin kang prinsipe dahil KAMING APAT lang ang anak ng hari at apo ng reyna sa paaralang ito!" Giit ng binata.
"So? Nang dahil pa rin sa pamilya!" She raised her brows.
"Yes, do you have any problem with that?" taas noong sagot ni LL.
"Wala naman." Lalagpasan na sana niya ang binata pero nahawakn siya nito sa kanang braso.
"WAIT!" Tumingin ito sa mga estudyanteng nasa paligid.
"Babae siya, naiintindihan ninyo?" inisa-isa niyang pagmasdan ang mga ito na agad namang tumango.
"Good. Dahil babae siya, tawagin ninyo siyang 'MISS GV'." Utos niya sa mga ito pero walang kumikibo.
"TAWAGIN NINYO!" Singhal niya kaya napapitlag ang mga ito at nagsalit.
"Miss GV!"
"Miss GV!"
"Miss GV!"
Sunod-sunod na pagtawag ng mga ito ng 'Miss GV' sa dalaga.
"HUWAG NINYO AKONG TAWAGING 'MISS GV'..." Galit na sigaw ni GV sa mga ito at itinulak si LL.
"Huwag daw ninyong tawaging 'Miss GV kaya..." ngumisi si LL sa dalaga bago magsalita. "PRINCESS GV na lang para babaeng babae!"
"Princess GV!"
"Princess GV!"
"Princess GV!"
Tawag na naman ng mga ito sa kaniya.
"SHUT UP KAYONG LAHAT KUNG HINDI, PADUDUGUIN KO 'YANG MGA NGUSO NINYO!" Buong lakas na sigaw niya na abot na yata sa Westbridge University.
"See? Mula ngayon, ikaw na si Princess GV!" Mapang-asar na ngumiti si Lance Leonard sa dalaga. Alam niyang galit na galit na ito sa kaniya.
"Ikaw ang dapat na tawaging 'princess' dahil sa ating dalawa, ikaw naman ang kilos babae!" Kulang na lang ay durugin na niya ang mukha ni LL dahil habang nakikita niya ang mukha nito, mas lalo naman siyang naaasar!
"Pero wala kang itlog," nakangising sabat ni LL. "Wala ka rin namang hotdog." Panunuya niya.
"May itlog ka nga..." sinadya niyanh bitinin ang sasabihin at lumapit sa binata. "BAHAG NGA LANG!" Sigaw niya saka mabilis na tinalikuran ang binata.
Nagtawanan ang lahat pero agad naman nilang itinikom ang mga bibig nang makitang galit na si Lance Leonard!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...