She-Man
Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan.
Sa paaralang hindi na kayang kontr...
SHEMAN by: sha_sha0808 Ash Simon CHAPTER 72-73 Unedited... "Maye? Dito ka lang, ako na ang bibili ng pagkain natin," sabi ni Jiro at tumayo. Nasa tree park silang dalawa at nagpapahangin. "Sure ka? Baka maligaw ka." "Maye naman, ilang araw na akong pumapasok dito, kabisado ko na," natatawang sabi ni Jiro. "Oo na, dito na lang ako." Kanina pa kasi sumasakit ang puson niya dahil mukhang padating ang kaniyang buwanang daloy. "Sa Anndy's hall na lang kita hihintayin para sa classroom tayo kakain," sabi ni GV. "Sige..." sabay na silang naglakad at iniwan muna siya ni Jiro. Napangiti siya habang pinagmasdan ang fiancè. Marami ang napapalingon dito. Ang guwapo nga naman ni Jiro. Habang naghihintay, naglalaro siya ng games sa cellphone para hindi mamalayan ang oras. "Wala ka yatang kasama?" Lalong namilog ang mga mata niya nang makita si LL na bitbit ang alaga nitong pusa. "Pitoy!" bulalas niya. Gusto na niyang tumalon sa tuwa dahil sa nakita. "Ang taba mo na!" Ang laki na nito at sa tingin niya, nag-double ng bigat nang huli niya itong makita. Ang sarap kargahin pero nahihiya siyang hiramin kay LL dahil hindi ito pumayag. "Hey!" wika ni LL nang tumalon ang pusa at lumapit kay GV. "P-Pitoy!" naiiyak na sambit ni GV at hinimas ang ulo ng pusang nasa paanan niya at naglalambing sa paa niya. "K-Kilala mo pa ako!" Binuhat niya, sobrang bigat. "Grabe! Ang bigat mo! Kamusta ka na?" Niyakap niya ito at hinalikan sa ulo. Ang saya niya! "Siguro kain ka lang nang kain, ano?" "Oo, palagi kasi siyang gutom," sabat ni LL at naupo sa tabi niya. Nasa isang mahabang bench sila. Actually, sikat na si Pitoy sa campus dahil sa palaging dinadala ni LL kaya hinahayaan na lang ng mga estudyante kapag gumala gala ito sa buong campus. Kapag gamitin ni LL ang speaker para hanapin ang pusa, saka nag-uunahan silang damputin ito para isauli sa binata. "G-Ganoon ba..." Naalala niya si Monay. Nalungkot siya nang maalala ang pusa. Paano na lang kaya kapag malaman ni LL ang nangyari sa alaga niya? "Nasaan na pala si Monay, mataba na rin ba siya? 'Di ba sabi natin, patatabain natin sila?" tanong ni LL na ngumiti sa kaniya. "W-Wala na siya..." naiiyak na pag-amin niya. Biglang umiba ang mukha ni LL at galit na tiningnan siya. "Ganoon ka ba mag-alaga? Kung sabagay, hindi ka naman pala marunong magpahalaga," sumbat ni LL. Gusto niyang sigawan ito dahil sa galit pero pinigilan niya ang sarili dahil marami ang estudyante. "Pahidan mo ang mga luha mo, namamatay talaga sila dahil hindi totoong siyam ang buhay ng mga pusa!" sabi niya nang makita ang ilang butil ng luhang pumatak sa mga mata nito. "L-Lance, h-hindi ko sinasadyang--" "Okay lang, naintindihan kita, GV, alam ko namang ginawa mo ang lahat para alagaan siya noong nabubuhay siya kaya huwag kang ma-guilty," wika ng binata at nginitian siya. Totoo ang mga ngiti nito pero mas lalong nagpa-guilty sa puso ng dalaga. "Hey, Maye, alam mo ba, nakabuntis si Pitoy!" Kaagad na umurong ang mga luha ni GV sa narinig. "T-Talaga? Magkaka-baby na siya?" "Oo," masayang sagot ni LL saka kinuha ang pusa sa kaniya. "Lalaki siya! Hindi siya bakla!" "C-Congrats!" nakangiting sabi ni GV. "Hindi ko alam na may nangyari pala sila ni Pussy sa tuwing dalhin ko siya sa condo ni Noona," natatawang pagkukuwento ni LL kaya bumangon ang inis sa dibdib ni GV. "P-Pusa pala ni Noona ang nabuntis niya..." mahinang saad ng dalaga. "Oo, playmate sila! Nang ipa-checked-up ni Noona si Pussy, buntis na pala ito." "M-Mabuti naman," sagot ni GV pero ang totoo, idinadasal talaga niya na sana huwag mabuhay ang nasa sinapupunan ng pusa ni Noona. Masama man pero naiinis siya. Of all cats, sa pusa pa talaga ni Noona? "Huwag kang mag-alala, bibigyan ka namin kapag manganak na si Pussy." "Huwag na! Mamamatay lang 'yan sa akin!" naiinis na sagot ni GV. Hindi niya mag-ampon ng pusang alaga ni Noona ang ina. Ibang pusa na lang sana ang binuntis ni Pitoy, okay pa. Parang nainis tuloy siya sa pusang kalong ni LL. "Bakit ka pala nandito, LL?" pag-iiba niya. "Hinihintay ko si Noona." "Ah, hintayin mo lang siya," sabi niya. Hindi na niya pinapansin ang pusa. Magsama sila ng amo niyang walang ibang ginawa kundi maghanap ng iba! " Pati pusa, babaero!" bulong niya saka salubong ang mga kilay na sinulyapan si Pitoy. "Oo, hintayin ko siya, trenta minutos na lang." Sabay tingin sa wrist watch nito. "Mabuti at matiyaga kang naghihintay." "Oo naman, matiyaga talaga akong maghintay, kaysa naman sa mahabang panahon ang hihintayin ko." "Kahit mahaba, at least, bumalik siya!" bulong ni GV. "Bumalik nga siya, may bitbit naman na mapangasawa." Pareho silang natahimik. Ang awkward lang. "Lance Leonard!" Pareho silang napatingin sa babaeng papalapit sa kanila. "Kanina pa kita hinahanap pero nandito ka lang pala!" nakasimangot na sabi ni Ann at napasulyap sa katabi ng anak. "GV?" nakakunot ang noong tanong ni Ann at nang makalapit ay napatutop sa bibig. Agad na ibinigay ni LL ang alagang pusa kay GV at tinakpan ang magkabilang tainga. "MANUGAAAAAAAAAAANG!" mahabang tili ni Ann nang makumpirang si GV nga ang kaharap. "Manugang! Bumalik ka!" "Mom, huwag maingay!" saway ni LL at kinuha ulit si Pitoy kay GV. "Waaah! Tama nga ang sinabi ni Anndy, bumalik ka! Ang ganda mo na!" Kulang na lang ay maglulupasay ang ina sa tuwa. "Mommy naman, hinaan mo lang ang bunganga mo!" pakiusap ng anak dahil agaw-pansin na sila. "GV? Selfie tayo!" sabi ni Ann at agad na dinukot ang Iphone sa shoulder bag. "Smile na, wacky ha!" sabi ni Ann at iniangat ang cellphone kaya napiliting ngumiti si GV. "Oh, 'di ba? Ang ganda natin? Bumalik ka na pala? Alam mo ba, si LL, sobrang nalungkot 'yan tapos si Pitoy, nagkakasakit dahil hindi ka na bumalik," parang batang pagku-kuwento ni Ann. "Mommy!" saway ni LL sa madaldal na ina. "Ayaw niyang ikuwento ko dahil baka may makarinig. Sa bahay na lang tayo magkuwentuhan, manugang, ang dami kong ikuwento sa iyo. Tapos ipagluto kita ng favourite nating beef steak," pagmamalaki ni Ann kaya napakamot si GV sa ulo. Heto na naman sila sa luto ng ina ng quadruplets. Pero sobrang na-miss niya ito. Kahit na isang kaldero pa ng beef steak na tubig-dagat isinabaw ni Ann, uubusin niya basta mabalik lang ang dating sila ni LL. "Punta kayo ni Jaffy ha, ipagluto ko kayong dalawa!" masiglang sabi ni Ann. "Mom? Bakit ka pala nandito?" tanong ni LL. "Aayusin ko lang dahil mag-uumpisa na ang search month. Next week na ang last deliberation," sagot ni Ann na nakangiti kay GV. "Sali ka GV!" "Huwag na po," tanggi ng dalaga. Wala talaga siyang balak maging sorority queen. "Tita Ann!" masayang bati ni Noona na may bitbit na puting pusa. "Magandang araw po," magalang na bati ng dalaga at humalik sa pisngi ni Ann at ni Lance Leonard kaya biglang sumama ang timpla ng hangin ni GV. "P-Pupunta ho muna ako sa canteen, hinihintay ako ni Jiro," paalam ni GV at tumayo. Doon na raw sila kakain dahil kaunti lang naman ang estudyante. "Maupo ka, Noona," sabi ni LL kaya naupo ito sa tinayuan ni GV. "Basta dalaw ka minsan sa bahay ha," sabi ni Ann. "Opo," sagot ni GV at umalis na bago pa niya hampasin sina LL at Pitoy. Talagang dinala pa ni Noona ang buntis na pusa nito. "Taksil na pusa!" bulong ni GV bago talikuran ang mga ito. Parang harap-harapan siyang iniinsulto ng mga ito na masaya na sila kahit na wala siya. Na naka-moved on na silang lahat at siya na lang ang wala. Nang tumalikod na si GV, pinakawalan ni LL ang alagang pusa. "Mamasyal ka muna..." sabi niya. Wala namang dumadampot dito dahil makakatikim talaga ng suntok sa kaniya. Sa tuwing lalapit ito sa gate, tinataboy ng mga estudyante pabalik sa campus. Nakabantay naman ang guwardiya sa gats. "Okay na ba ang alaga mo?" tanong ni Ann at hinimas ang ulo ng pusa ni Noona. Ang cute nito, puting-puti. "Opo, Tita," magalang na sagot ni Noona. "Mabuti pa nga," sabi ni Ann at magiliw na nginitian ang dalaga. Nababaitan siya kay Noona. Kung puwede nga lang niya itong ampunin para sa mansion na nila tumira. "Aalis na muna ako, puntahan ko lang ang asawa ko sa faculty room," paalam ni Ann dahil nagme-meeting na ang mga ito tungkol sa gaganaping search for sorority queen. Iniwan na niya ang dalawa at naglakad patungo kay Dylan. "Huwag kang humarang sa daan naming hampaslupa ka!" singhal ng mga estudyanteng nakatalikod kay Ann. "Tama! Hindi ka nababagay rito sa CTU! Kung tutuusin, hindi na nila kailangan ng working student dahil kaya naming bayaran ang tigalinis!" pagsang-ayon ng isa. Mga nakapamewang pa ang mga ito. "Tapos na ba kayo? Puwede na ba akong dumaan?" walang ganang sagot ni Hael. Pabalik na siya sa classroom pero heto na naman ang mga walang kuwenta, nanliliit sa kaniya! "Matapang ka? Ano ba ang ipagmalaki mo? 'Yang pagiging mahirap mo? Siguro sa club ka nagtatrabaho--" Pak! Napahawak ito sa kaliwang pisngi nang dumapo ang mga palad ni Hael. Sa sobrang lakas, namula pa ito. "Tikman mo ang palad ng isang mahirap!" singhal ni Hael at dinuro ang mga ito. "Hindi ako nakikialam sa kalandian ninyo pero huwag din ninyong pakialaman ang buhay ko dahil hindi kayo ang sumasagot sa test papers ko at hindi kayo ang nagbabayad ng tuition fee ko!" "Lalaban kang malandi--" "Tama na!" sigaw ni Ann kaya lumingon ang mga ito. "Ano ang nangyayari rito?" Nakayuko ang mga ito sa pagkapahiya. "Bumalik na kayo sa mga klase ninyo!" Agad an tumalima ang apat kaya naiwan si Hael na nakayuko. Natatakot siya dahil baka patalsikin siya sa eskuwelahan. "Working student ka ba?" tanong ni Ann. Tumango naman si Hael. "Marami ba ang nambu-bully sa iyo?" "M-Medyo marami naman ho," sagot niya. Gusto pa sana niyang idagdag na pati ang mga anak niya ay nangbu-bully sa kaniya lalo na si Jacob pero baka mas lalo siyang mapaalis. "Huwag kang magpatalo sa kanila," nakangiting sabi ni Ann. "May bestfriend din akong working student at kagaya mo, matapang din siya!" Naalala niya si Aira na madalas ma-bully pero hindi sumusuko. "S-Salamat po," sabi ni Hael at medyo nakanginga siya nang maluwag. Ilang beses na niyang nakita si Ann pero hindi niya malapitan kahit noong debut ng bunsong anak nito. "Walang anuman," sabi ni Ann. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang lumapit sa office ha. Minsan, kapag mag-day off ang mga katulong namin, ipapatawag kita para may extra income ka," sabi ni Ann. "Talaga ho?" masayang sabi ni Hael na lumiwanag ang mga mata. Bakit ba? Sayang din ang kikitain niya. "Oo! Tiyaka marunong ka bang magluto?" magiliw na tanong ni Ann. "H-Hindi ho gaano, ma lutong pang probinsya lang ho," sagot ni Hael. Iyong pang mayaman? Wala siyang alam dahil mahal ng mga ingredients. Ano ang magagawa niya? Kulang pa nga ang pera niya sa pamasahe. "Hindi na bale, tuturuan ko kayong tatlo nina GV at Jaffy!" excited na sabi ni Ann kaya ngumiti si Hael. Sana lang ay totohanin nito ang sinasabi. CHAPTER 73 Unedited... "Okay na po ba sila, Doc?" tanong ni LL na nakatingin a veterenarian na sumusuri sa pusang hawak ni Noona. "Yes, mamaya okay na sila lalo na 'yang alaga mo kapag mawala ang pampatulog na itinurok natin," sagot ng doctor. Pinagupitan ni LL ang dalawang pusa kaya nilagyan nila ng pampatulog. "Salamat ho, sana okay lang ang mga anak niya," pasalamat ni LL at inilagay na sa cage ang mga pusa. Pito ang magiging anak ni Pitoy. Kapag nagkataon, 9 na lahat ng pusang aalagaan nila. Isang malaking pamilya ng mga pusa. Palabas na sila ng clinic pero si LL ay hindi matumbasan ang mga ngiti sa labi. "Ilang buwan na lang, magiging daddy ka na," sabi niya kay Pitoy. 3 weeks na ang ipinagbubuntis ng alaga nila ni Noona at sabi ng doctor, 64 days lang daw ang average days ng pagbubuntis ng mga pusa. "Excited?" natatawang tanong ni Noona. Parang si Lance Leonard ang manganganak e. "Yes, of course! After ng ilang buwang pag-alaga natin sa kanila, magkakapamilya na silang dalawa." "Hmmm? Ninang ako at ninong ka!" sabi ni Noona. "Oo, ninang ka!" Binuksan niya ang front seat at pinapasok si Noona saka umikot sa driver seat. "Noona? Magkano kaya ang magpabinyag?" tanong niya at ini-start ang sasakyan. "Hindi ko alam," sagot ng dalaga. "Sa condo mo na lang muna sina Pitoy," sabi ni LL. "Sure! Basta may bayad ang pag-aalaga ko," pabirong sagot ni Noona. "Sige bah!" Pagdating nila sa condo ni Noona, tawa nang tawa si LL kay Pitoy dahil tutumba-tumba ito, nahihilo pa sa pampatulog. "Dito ka lang, magluluto ako ng pang merienda mo," sabi ni Noona at tumungo sa kusina. "Gusto ko ng strawberry cup cake!" "Wala akong strawberries at tinatamad akong magluto, spaghetti lang ang nandito," malakas na sagot ng dalaga na nasa kusina na. "Bahala ka. Kahit ano naman ay kakainin ko basta ikaw ang nagluto," sagot ng binata at kinuha ang remotes control sa ibabaw ng center table at binuksan ang tv. Kapag nandito siya, parang nasa condo niya na rin siya. Minsan, dito na nga siya natutulog. Ilang minuto na niyang nililipat-lipat ang pinapanood pero hindi patok sa panlasa niya ang mga palabas. "Say 'hi' to Lance Leonard!" sabi ni Noona na bitbit si Pussy na kakagising lang. "Inaantok pa siya," sabi ni LL. Parang batang nakakunyapit sa ina kung pagmasdan ang puting pusa. "Palagi na lang natutulog ang pusang 'to, tamad kumilos," sabi ni Noona at dinala sa alagang pusa ni LL na tutumba-tumaba pa rin habang naglalakad. "Lasing pa si Pitoy, Pussy! Nagpa-party pa dahil magiging daddy na!" masiglang sabi ni LL at tumawa nang malakas habang tinitingnan ang mga pusa. Nakatitig lang si Noona sa binata. Ilang buwang kasama na niya ito at ngayon lang niya nakitang tumawa ng totoo. " Dahil nga ba sa mga pusa ang mga halakhak mo? O dahil nagbalik na siya?" malungkot na bulong niya sa sarili. Mahal niya si LL pero alam niyang hindi sapat ang labis na pagmamahal niya para ibalik nito ang pagmamahal na hinihiling niya. Kinuha na niya ang spaghetti sa microwave at nag-squeeze ng oranges. Matapos ang ginagawa, inilagay niya sa tray at dinala kay LL. "Kumain ka na po, Kamahalan!" sabi niya at yumukod sa binata. Hindi siya mahilig sa mga pusa pero nang bigyan siya ni LL bilang pasalamat sa pag-alaga raw niya sa kanila ni Pitoy, wala siyang nagawa kundi ang pag-aralan kung paano mahalin ang mga pusa kahit na dog lover talaga siya. At sa ngayon, nawiwili na siya sa mga pusa at naging cat lover na rin. "Salamat sa masarap na pagkain!" sabi ni LL at kinuha ang maliit na plato at binigyan din ang dalaga ng spaghetti. Napatitig si Noona sa mukha ng kaharap. Kahit ito ang pagmasdan niya maghapon, hindi siya magsasawa. "Uuwi ka ba sa inyo?" tanong niya. Sabado ngayon kaya alam niyang dapat nasa mansion ang quadruplets. Friday ng gabi sana ang uwi nito pero tinatamad daw ito kagabi. "Yes, alam mo namang iiyakan kami ng ina naming ipinaglihi yata sa sibuyas," sagot ni LL. Kapag may isa sa kanilang hindi umuwi, tatawagan sila at iiyakan nang iiyakan dahil natatakot ito na baka napahamak daw sila. "Pa-kiss mo na lang ako kay Tita," sabi ni Noona at kinuha ang tinidor para kainin ang mainit na spaghetti. "Kiss mo muna ako sa para maipasa ko kay Mommy," biro ni LL kaya namula ang pisngi ni Noona. Ang cute nito. "Biro lang." Kung anu-ano ang pinag-uusapan nila habang kumakain. Natatawa na lang sila kay Pitoy habang pagapang na lumalapit sa kasintahan nito. "Maiwan ko muna si Pitoy dahil baka mapa'no kapag ibiyahe ko pa," sabi ni LL. "Sige, ako na ang bahala sa mga pusa," sabi ni Noona at hinatid ang binata hanggang sa elevator. "Pakainin mo sila--" "Opo, sa umaga, wet food ang kinakain nila at sa hapon, dry food na naman at huwag sobra-sobra dahil on diet si Pitoy!" sabi ni Noona. Kabisado na niya ito. Sobrang taba na raw ni Pitoy kaya ayun, pinagda-diet ng doctor nito dahil baka hindi na mabuhat ang sariling katawan. "Salamat nang marami, Noona! Kung wala ka--" "Huwag ka nang magdrama! Umalis ka na dahil baka mamaya, lulusubin na ako ni Tita Ann!" pagtataboy ni Noona pero ang totoo, ayaw niyang magpasalamat si LL sa kaniya o magsalita ito ng kahit na ano tungkol sa ginagawa niya para rito. Kapag magpasalamat ito, pakiramdam niya ay binabayaran lang nito ang serbisyo niya. " Hindi lang talaga kita kayang pantayan sa puso niya, GV," bulong niya at kumaway kay LL habang papasara na ang pinto ng elevator. Siya ang nasa tabi palagi ni LL pero alam niyang nasa kabilang ibayo ng mundo ang isip nito. Pagdating ni LL, nadatnan niya sina Anndy, Ann at GV sa kusina. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni LL. "Anak! Inimbetahan namin si GV para mag-bake kaming tatlo!" masayang sabi ni Ann sa anak. Kanina pa niya hinihintay ito. Tatawagan na sana niya pero dumating si GV kaya nakalimutan na niya. "Mom? Alam mo namang hindi ka masarap ma-bake, right?" prangkang tanong ni LL. Noong bata pa sila, kung anu-ano ang ipinapabaon sa kanilang apat ng ina. "Huwag kang mag-alala, Kuya, sinusunod na namin ang nasa recipe book," sabat ni Anndy. "Alam kong sira ang panlasa ko pero hindi ninyo sinabi!" nagtatampong sumbat ni Ann. "Alam mo naman po e," sabat ni LL. "Akala ko magaling na ako! Hindi na kami bati ng daddy ninyo!" naiiyak na sabi ni Ann. "Haist! Heto na naman po," mahinang wika ni Lance Leonard. "Kaya nga po hindi ka namin pinapagalaw sa kusina pero ano ang sabi mo? Masarap kang magluto, Mom!" "Masarap naman akong magluto! Nagkaproblema lang sa taste buds ko!' "Kaya nga po hayaan na natin sa tigaluto." "Pero gusto ko talagang magluto!" "Kaya kino-konsinte ka ni Daddy dahil sa ugali mong 'yan e!" napipikon na sabi ni LL kaya natigilan si Ann. Napakuyom naman ang kamao ni LL sa naging reaksyon ng ina. "I-I'm sorry, Mom, mag-bake na kayo," mahinang paumanhin niya at tumalikod. Ito na nga ba ang sinasabi niya e, hindi niya kayang saktan ang ina nila. "M-Minsan na nga silang umuwi, inaaway pa nila ako," narinig niyang sabi ng ina habang papalayo na siya. Hindi na siya umimik para hindi na humaba pa ang usapan. Naupo siya sa sala pero paminsan-minsan ay sumisilip sa tatlong nagtatawanan sa kusina. Nang una silang magkita ni GV, hindi niya ito nakilala kaagad dahil sa mahabang buhok pero nang titigan niya sa mga mata, si GV nga talaga ito, nakakapanibago lang. Hindi niya napigilan ang ngumiti. Naalala niya kung paano sila nag-away noong nagpalda ito, 'yong halos maglupasay na dahil sa sobrang inis. Iyon din ang dahilan kung bakit napalapit sila dahil sa community service. Excited lang siya noon na makita itong nakapalda kaya hinanap talaga niya at inasar. Umakyat siya sa kuwarto at naligo, pasado alas dos na ng hapon. Balak sana niyang matulog pero nawalan na siya ng gana nang madatnan si GV. Black walking shorts at white sando ang isinuot niya matapos maligo at bumaba na para tikman ang bini-bake ng tatlo. "Sina Mommy?" tanong niya kay GV na nakaupo at nagte-text. Nasa mini tree park sila ng bahay. "Nasa itaas, gisingin daw si Tito Dylan," sagot ni GV. "Mabuti naman at napasyal ka," wika ni LL. "Tumawag kasi si Tita sa bahay kaya ayun," sabi ni GV. May kopya pa pala ito ng landline number nila. "So, kapag hindi ka tinawagan, hindi ka talaga pupunta rito? Na napipilitan ka lang gano'n?" "Hindi naman iyon ang punto ko, hindi naman ako pupunta rito kung hindi ako inimbita ng mother mo!" sagot ni GV. "Saan ka ngang bansa galing? Japan?" tanong ni LL. "Oo, bakit?" "Ah, kamusta ang ilang buwang kasama mo si Jiro?" "O-Okay lang," naiilang na sagot ni GV. Heto na naman siya, nakakainis dahil sa usapan nila. "Mabuti naman at ikakasal na kayo, parang kailan lang ano? Ikakasal ka na, dati, tayo pa ang magsyota," marahang tumawa si LL kaya nainsulto si GV. "Oo nga e, parang kailan lang, ayaw mo pa si Noona, ngayon, girlfriend mo na!" "Oo nga," pagsang-ayon ni LL. "Dati, pinagseselosan mo pa siya pero ngayon, hindi na." Natigilan si GV. Oo, matindi ang pagseselos niya noon kay Noona dahil malapit ito kay LL at may nangyari na raw sa kanila pero hindi na nga ba siya nagseselos? Alam niyang sobrang insecure siya rito lalo na ngayon. Babae na siya pero bakit si Noona naman ang minahal ni LL? "B-Bakit may binuntis na iba si Pitoy?" pag-iiba niya at naningkit ang mga mata. Kung puwede lang manakal ng pusa, hindi talaga makakaligtas si Pitoy sa kaniya. "Pusa 'yon, ano ang magagawa ko kung makahanap siya ng iba?" depensa ni LL sa pusa. "Pero may asawa na siya!" "Nasaan?" Tumaas na ang boses ni LL kaya napatulala si GV. "Nasaan na ang asawa niya? Wala, 'di ba? Alam mo bang nagkakasakit na siya dahil inilayo mo ang partner niya? Alam mo bang ayaw niyang kumain dahil ilang linggo na nitong hindi nakita si Monay? Tapos ano? Hinayaan mo lang na mamatay si Monay?" sumbat ni LL kaya napayuko si GV. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni LL at sinikap na ipakita ang tapang sa dalaga. "Tama lang na nag-moved on siya. Tama lang na humanap siya ng iba dahil ang kapareha niyang hinihintay, masaya na pala sa piling ng iba sa malayong lugar. Kung naghintay siyang balikan siya nito, matatalo siya." "Wala kang alam sa nangyari sa amin ng alaga ko sa Japan kaya wala kang karapatang sumbatan kami dahil hindi ako masaya. Sana nga, kami na lang ang naghintay dahil kung nagkapalit man tayo ng sitwasyon, makaaasa kang may madadatnan pa rin kayo ng alaga mo! Hindi kagaya sa amin, may kasama ngang iba, hindi naman masaya pero kayo, may iba na nga, masaya pa! Kaya huwag kayong umarte na para bang kayo ang talo!" Tumato si GV. Kumukulo na talaga ang dugo niya mula sa talampakan hanggang sa ulo. "Bakit? Ano ba ang nangyari sa inyo sa Japan? Puwede ko bang malaman?" tanong ni LL. "Magsama kayo ng hayop na pusa mo!" "Hayop naman talaga si Pitoy!" "Magsama kayo ng taksil mong pusa!" nanggigigil na sabi ni GV. Nakaya pa nitong mamilosopo sa kaniya? "Talaga! At least magkaka-baby na si Pitoy!" "E di congrats! Malandi naman ang nabuntis niya! Pustahan, hindi si Pitoy ang ama!" Tumayo si LL at malakas na tumawa. "Relax, Maye, pusa lang 'yan, ano ang ikinagagalit mo?" "Pusa lang?" Tumulo na ang mga luha ni GV at pagalit na pinunasan ang mga mata. "Pero nangako ka! Nangako ka na si Monay lang ang bubuntisin niya!" "Wala akong natatandaang ipinangako ko!" "E di wala! Saksak mo sa baga mo 'yang anak ng pusa mong taksil!" "Huwag mong idamay ang mga anak ng pusa!" napipikon na sabi ni LL. "Mabuti na lang dahil namatay si Monay! At least, hindi na niya nasaksihan ang pagtataksil ng manlolokong alaga mo!" galit na sabi niya saka patakbong umiiyak. Sana namatay na rin siya kagaya ng alagang pusa para hindi na siya masaktan ng ganito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.