SHEMANby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 58-59
Unedited...
"Grabe, ang guwapo ng quadruplets!" Nakaupo si GV sa isang table sa KFC. Linggo ngayon kaya lumabas siyang mag-isa para manood sana ng PBA pero ang daminf nakapila kaya kumain na lang siya.
"Oo nga! Lalo na si Lance Leonard!" kinikilig na sabi ng isa. Gusto sana niyang lingunin ang mga ito pero baka makilala pa siya.
"May girlfriend na ba siya?" tanong ng isa na may matinis na boses. "Pustahan, sobrang ganda ng girl niyang magugustuhan. Pang Miss Universe ang beauty at katawan!"
"Balita ko, oo, meron na pero ang sabi ng pinsan ko, ang pangit daw! Mas lalaki pa kaysa sa kaniya!"
"Huh? Talaga?"
"Yeah, tomboy raw!"
"What?" tumaas na ang boses nitong isa na ang sakit sa tainga pakinggan. "As in? Bakit siya pumatol sa tomboy? Baka naman prank lang?"
"Hindi a! Dinadala raw niya sa tambayan nila at rooftop kaya impossibleng prank lang ang relasyon nila!" giit nito. Naniniwala siya sa pinsan niya dahil hindi naman ito iyong tipong nagsisinungaling lang dahil stalker din iyon ng quadruplets.
"Hala, ano ang sabi ng mga taga CTU?" interesadong tanong ng isa.
"Tutol sila siyempre, pero ano ang magagawa nila? Sila ang may-ari ng paaralan at kapag magreklamo, malalagot sa quad pero kung puwede lang magwelga, magwe-welga sila!" Napahigpit ang pagkahawak ni GV sa tinidor! Wala naman siyang naririnig na ganito sa paligid.
"Isa pa, nangbubugbog daw ang tomboy na iyon kaya natatakot sila!" dagdag pa nito.
"Waaah! Kawawa si LL ko, baka nabugbog na ng amasonang iyon? Wala siyang awa!" naiiyak na sabi nitong may matinis na boses. Nanginginig na ang mga kamay ni GV! Gusto na talaga niyang lingunin ang mga ito at sapakin isa-isa!
"Low class na babae lang pala ang magugustuhan ni LL! Hindi nga puwedeng ibalandra sa mall! Mapapahiya lang siya sa mga kakilala ng pamilya nila!"
"Sinabi mo pa! Si Lance Leonard lang ang nagpapababa sa pamilya nila at higit sa lahat, siya pa ang napagkamalang bakla dahil balita ko, napaka clingy nito kapag ang tomboy na iyon ang kasama niya!"
Pagalit na tumayo si GV kaya nagdulot ng ingay ang upuan niyang bahagyang umurong. Natahimik ang tatlo at sabay-sabay na nakatingala sa lalaking nakatalikod sa kanila.
"Hala, baka siya ang tomboy na iyon? Bugbog sarado tayo!" bulong ng isa habang hinihintay na harapin sila ng lalaking nakatalikod pero naglakad si GV patungo sa entrance dahil baka mabalita pa siya sa TV Patrol at 24 Oras dahil sa rambol!
"Mine!" tawag ni LL na nasa pintuan kaya napatingin sa kanila ang mga tao lalo na ang tatlong nagtsi-tsismisan kanina sa likuran niya. "Tapos ka ng kumain?"
Hindi siya sinagot ni GV, sa halip, lumabas ang dalaga kaya sinundan niya.
"M-May nagawa ba akong mali?" tanong ni LL.
"Huwag mo akong kausapin kung ayaw mong mapagkamalang bakla!" Nagsisi tuloy siya kung bakit nag-reply pa siya sa text nito. Hindi naman niya akalaing puntahan siya nito.
"Mine naman!" reklamo ni LL at humarang sa daan niya.
"Tumabi ka!" Pero ang kulit ni LL. Nakadipa pa ito habang nakipagpatentero sa kanila. "Tabi na! Pinagtitinginan na tayo!"
"So? Basta kausapin mo ako!" Nakipagtitigan siya pero ilang sandali pa ay siya na ang sumuko. Baka magdrama na naman ito mamaya at siya ang lalabas na kawawa. Baka isipin na naman ng mga babae, bakla si LL at inaapi niya ito. Iyon kasi ang tingin ng mga tsismosang fans nito!
"Fine! Basta umayos ka!" Ang lapad mg ngiti ng loko at tumabi sa kaniya saka inakbayan siya!
"Akbay lang pero bawal ang kiss," bulong niya. May mga lalaki namang nag-aakbayan kaya okay lang siguro.
"Sure!"
Ayun na nga, naglalakad sila na nakaakbay sa kaniya si LL. Laking pasalamat niya dahil behave naman ang loko.
"Mine? Nood tayo ng sine," yaya ni LL habang nasa Department Store sila.
"Ayoko!" tanggi ni GV.
"Sige na, one round lang," giit ni LL.
"One round?" ulit ni GV at tiningala ito.
"Ano ba ang tawag don?"
"Malay ko!"
"Nood na tayo, Mine?"
"Ayoko!"
"Ayaw mo nang maulit?" inosenteng tanong ni LL na nakayuko sa kaniya at pinisil ang braso niya.
"Isa pa, LL! Ang manyak mo!"
"Hala, ano ang manyak sa sinabi ko? Grabe ka naman, Mine! Wala naman akong iniisip na kamanyakan!" pagtanggol nito sa sarili.
"Wala! Basta hindi tayo manonood ng sine!" Kaunti na lang ay mapipikon na siya! Dagdagan pa ng mga babaeng napapalingon sa kanila. Dati, taas noo pa siya kapag may lumilingon sa kaniya pero bakit ngayon, parang suyang-suya ang mga mata nilang nakatitig kay Lance Leonard! Ang iba, diring-diri at nasasayangan sa kanilang dalawa.
"Nakikita mo ba ang mga titig nila?" tanong ni GV.
"Hindi!" nakasalubong ang mga kilay na sagot ni LL.
"Tingnan mo kasi ang mga nasa paligid!"
"Ayoko! Naka-focus ako sa isa! Kapag ikaw ang kasama ko, ikaw lang ang gustong titigan ng mga mata ko!" Tumigil sila sa paglalakad sa labas ng H&M at hinarap niya si LL na nakaakbay pa rin sa kaniya.
"W-What?" naiilang na tanong ng binata saka iniwas ang mga mata. Kumalabog kasi bigla ang dibdib niya dahil sa titig ni GV. "H-Huwag mo akong titigan ng ganiyan!" Tinanggal niya ang mga kamay sa balikat nito.
"Ako nga, palagi mong tinititigan ng ganito!" sabi ni GV. Pinipigilan lang niya ang mapangiti. Namumula ang mukha lalo na ang tainga ng mokong! Ang cute! Napailing siya sa naisip. Hindi pala cute ang halimaw na kaharap!
"Basta! Huwag ka ngang tumitig!" Naging isang guhit na lang ang may pagka makapal nitong kilay.
"At bakit bawal?"
"P-Parang matutunaw ako," sagot ni LL na parang naiihi ang mukha kaya tumawa si GV. "May nakakatawa?"
"Ang mukha mo!" sabi ni GV at napahawak na sa tiyan! Ang lakas mag-joke ni LL! Parang seryoso!
"Psh! Tumigil ka nga diyan! Hahalikan kita diyan e!" saway ni LL at medyo lumakas ang boses kaya may iilang napapalingon sa kanila!
"Ang sweet naman nila! Ang ga-guwapo!" kinikikig na sabi ng babaeng nadadala na sa binabasang boyxboy sa Wattpad. "True love wins!" dagdag pa nito.
"See? Alam mo na siguro ang sinasabi nila?"
Bumuntong hininga muna si LL at sinalubong ang mga mata ni GV.
"Ilang beses ko bang sabihin sa iyo na wala akong pakialam sa sasabihin nila? Hinawakan niya sa baba si GV para tumingala sa kaniya. "Hanggat hindi ko sinasabing maghihiwalay tayo, hindi tayo maghihiwalay!"
Iniwas ni GV ang mga mata. Siya naman ang hindi kayang salubungin ang mga mata ni LL. Bakit nakaramdam siya ng init sa katawan ni LL? Para siyang kandila na matutunaw.
"P-Paano iyon? Anytime ay puwede mo akong hiwalayan at ipagpalit kay sa iba kapag ginusto mo?" tanong niya na hindi nakatingin kay LL.
Ngumiti ang binata at hinuhuli ang mga mata ng kasintaha pero ayaw pahuli nito. "Mine? Huwag kang mag-alala, hanggat hindi mo ako ipagpalit sa iba at hanggat hindi ka gumawa ng hakbang para humantong tayo sa hiwalayan, diretso tayo sa kasalan!" seryosong sabi ni LL. Agad na tumalikod si GV at naglakad. Pasimpleng napahawak siya sa dibdib. Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? Kainis si LL! Dito pa talaga sa mataong lugar nagdrama!
"Mine!" tawag ni LL. "Ang bilis mong maglakad!"
"U-Uwi na tayo," yaya niya na patungo na sa exit.
Nakasunod naman si LL sa kaniya. Nag-taxi lang siya kanina kaya hinatid na siya ng binata.
"Huwag ka nang pumasok," sabi ni GV dahil alam niyang masisira lang ang araw ng mga kuya niya kapag makita na naman si LL. Himala nga noong pagpunta ni LL, hindi na umimik pa ang dalawa at pumasok na lang sa kuwarto kaya nagtaka siya kung ano ang pinag-usapan ng mga ito habang nasa kusina sila ng ina.
"Sige, uwi na ako," paalam ni LL at sumandal sa kotse. "Pumasok ka na." Sabay turo sa gate nina GV.
"S-Salamat..."
Dumiretso siya sa kuwarto at pagkapasok na pagkapasok ay pabagsak na inihiga niya ang katawan sa kama pero nakalaylay ang paa dahil hindi pa niya nahubad ang sapatos.
"Ugh!" naiinis na naupo siya para tanggalin sa ang sapatos saka muling nahiga at nagtalukbong ng kumot. Nilalamig siya!
"Kaasar!" kinuha niya ang unan at inilagay sa mukha. Umaasa siya na baka sa pagdiin ng unan sa mukha niya, mawala ang nakangiting mukha ng lalaki sa isip niya!
"Tantanan mo na ako, Lance!" sigaw niya kaya natigilan si Dexter na kakabukas lang ng pinto niya. "Bakit mukha mo ang nakikita ko?"
Napatigil din si Rico na nasa likuran ni Dexter. Tatanungin sana nila kung totoong nagmamahalan talaga sila ni LL. Dahan-dahan nilang isinara ang pinto at wala sa sariling nagsikaniya-kaniyang bumalik sa kanilang mga kuwarto!
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...