SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 40-41
Unedited...
"Bakit ba sa dinami ng pagkain, ang luto pa ng ina ninyo ang pinakain sa akin?" reklamo ni GV nang nagpaalam si Ann para umuwi na.
"Sorry talaga. Kami na ang humihingi ng pasensiya," paumanhin ni JM sa kaniya na ngayon ay nakaupo na sa harapan niya. Inubos ni GV ang isang basong tubig. Kakaiba talaga ang lasa.
"Ayaw mo pa no'n? Close na kayo ng magiging mother-in-law mo," wika ni Jacob na nakangiti sa kaniya.
"Tapatin nga ninyo ako. Nanliligaw ba kayo o pinagti-tripan lang ninyo ako?" seryosong tanong niya na palipat-lipat ang mga mata kina JM at LL.
"Seryoso ako, GV!" sabat ni JM. Inilipat niya ang mga mata kay LL.
"Bakit ba tanong ka nang tanong? Kailangan pa ba iyon?" pagsisinuplado ng binata.
"Hindi kita pinipilit na sagutin ako!" singhal ni GV. Malayo naman ang mga estudyante dahil sa takot. May karatulang ipinaskil si Ann kanina na "Do not disturb!".
"Pero pipilitin kitang sagutin mo ako at wala kang choice kundi sagutin akonat hindi si JM!" sagot ni Lance Leonard kaya napataas ang kilay ng dalawang kapatid. Nakakamatay na tingin naman ang ipinukol ni JM sa kaniya na dinedma lang ni LL.
"Bakit ako? Letse! Iba na lang!" Ilang beses na ba niyang nasabi ito sa magkapatid? Hindi na niya matandaan.
"Ayoko ng iba! Gusto ko ikaw lang!" sagot ni JM.
Parehong nagulat ang apat nang hampasin niya ang ibabaw ng mesa at tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Lee Patrick.
"Magpapakamatay!"
"Ingat!" bilin ni Jacob kaya mas lalo siyang nainis.
Napabalik siya bigla nang makita sina Olivia at Dina.
"Bumalik ka? Sasagutin mo na ako?" tanong ni JM.
"Huwag ninyo akong buwesitin!" May naalala siya kaya muli siyang naupo at nakipagtitigan sa apat.
"Paano nalaman ni Tita Ann na break na kami ni Olivia?" Parang investigator na tanong niya sa mga ito.
"Talaga? Break na kayo?" masayang tanong ni Lance Leonard.
"Confirmed!" sabat ni Lee Patrick.
"So? Kayo nga! Hindi ba ninyo ako titigilan?" Ang pinakaayaw niya ay ang pinapakialaman ang buhay niya. Ayaw niya ng gano'n! Sanay siyang hindi nakikipag-usap sa iba lalo na sa hindi naman niya kakilala.
"Bagay pala ang bestfriend mo at ang dati mong kasintahan?" wika ni Jacob habang nakatingin sa dalawang naglalakad pero hindi nag-uusap.
"Oo nga. Guwapo naman ng bestfriend mo at maganda ang babae kaya bagay sila," pagsang-ayon ni Lee Patrick kaya kumulo na ang dugo ng dalaga sa pinakamataas na degree.
"GV? Ang ganda pala talaga ni Bolivia, noh? Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya," wika rin ni Lance Leonard. Gustuhin man niyang umalis sa harapan ng apat pero makakasalubong niya ang dalawa at hindi niya makakaya dahil sariwa pa ang sugat sa puso niya!
"Maiwan ko na kayo!" Tumayo na siya nang malayo na ang dalawang traidor sa buhay niya. Nakakalungkot pero wala siyang magagawa. Ipagdarasal na lang niya ang kaluluwa ng mga ito. Marami pa naman ang babae diyan at hindi lang si Olivia.
Pagpasok niya sa classroom, nasa upuan na nila ang dalawa kaya walang imik na naupo siya sa likurang silya.
"Bru? May meeting tayo bukas. Ipakilala namin ang mga neophytes," wika ng isa nilang kasamahan nang tumabi sa kaniya.
"Kayo na lang ang dumalo ng meeting," walang ganang sagot niya. Magbibitiw na siya ng puwesto bilang leader ng kanilang grupo pero hindi sumagi sa isip niya na lumabas.
"May pupuntahan ka ba?"
"Oo. Importante," sagot niya at ipinakita na hindi talaga siya willing na dumalo bukas dahil baka magkasuntukan lang sila ni Dina.
"Si Dina na lang," sabi nito.
"Sige, siya na lang. Sanay naman siyang mag-substitute sa akin sa lahat ng bagay," makahulugang wika niya.
"Humuhugot, bru ah!" biro nito.
"Dapat lang. Minsan kasi, masakit kapag tumahimik lang tayo." Nagpapasalamat siya dahil hindi na ito nangulit pa sa kaniya dahil baka kung ano pa ang maisagot niya. Ayaw niyang dalhin sa grupo ang personal na problema.
Nang dumating ang guro, tahimik lang si GV sa likuran pero ni minsan, hindi niya sinulyapan sina Dina at Olivia. Mahal niya ang dalaga pero sobra-sobra ang panlolokong ginawa nito sa kaniya. Kahit paano, may pride pa siya! Okay lang kung sa ibang tao pero sa bestfriend pa niya ito nagkarelasyon.
Matapos ang mahabang discussion, nagmamadaling lumabas si GV.
"GV!" tawag ni Olivia at hinarangan siya sa daan. "Kausapin mo ako, please!"
"Wala na tayong dapat na pag-usapan pa!" sagot ni GV sa malamig na boses.
"Meron! Kailangan kong mag-explain," naiiyak na sabi ni Olivia kaya umiwas ng tingin si GV. Mahirap na! Malambot pa naman ang puso niya sa mga babaeng umiiyak. May mga nakamasid na sa kanila.
"Sa susunod na lang. Don't make a scene dahil baka mapahiya ka lang!" mahinang wika ni GV. Handa siyang pakinggan ang mga ito pero hindi pa sa ngayon. Nasasaktan pa siya! Wala rin siyang balak na ipaalam sa paligid na hiwalay na sila. Kung maaari, gusto niyang itago ang muna dahil nag-iisip pa siya ng magandang dahilan para hindi naman siya nagmumukhang talunan.
"Princess Pitoy!" Kailangan pa ba niyang hanapin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa kaniya?
"Tapos na ang klase ninyo, 'di ba?" tanong ni Lance Leonard nang makalapit sa kanilang dalawa kaya dumami ang mga estudyante sa paligid.
"Uy, magkasama kayo? Ayos, friends na kaagad kayo after ng breakup?" Humaba bigla ang tainga ni GV sa narinig. Umingay naman ang paligid.
"Break na sila?"
"Hala, kailan pa?"
Ang pula na ng mukha ni Olivia dahil sa mga naririnig.
"Pahamak ka talaga!" bulong ni GV.
"Panigurado, si Olivia ang may kasalanan!"
"Oo nga! Hindi magagawa ni Prince GV na lokohin siya!"
"Malandi talaga!"
Umiyak na si Olivia sa mga naririnig. Pinilit naman niyang mahalin at unawain si GV pero palagi itong wala at si Dina ang naroon.
"Tama na!" sigaw ni Dina at lumapit kay Olivia. Inakbayan niya ito para aluin. Galit na humarap siya kay GV na para bang lalapain ang kaibigan.
"Hindi sinadya ni Olivia na mawala ang pagmamahal sa iyo dahil palagi kang wala! Kung nagmahal man siya ng iba, kasalanan mo rin iyon!" panunumbat ni Dina.
"T-Tama na," pakiusap ni Olivia.
"Huwag ninyong isisi sa akin ang kasalanang ginawa ninyo dahil kung mahal niya ako, hindi siya mahuhulog sa iyo!" sagot ni GV na nagngingitngit sa galit. Napasinghap ang mga estudyante sa paligid. Kinumpirma na ni GV ang hiwalayan nila.
"Hindi lang talaga kayo para sa isa't isa!"
"Tama na, Dina! Sa iyo na si Olivia! May mga bagay na kailangan hindi na isinisiwalat pa," pagsuko ni GV at pilit na pinapatatagan ang sarili. Kahit ganito ang nangyari, may respeto pa siyang natitira para kay Olivia dahil pareho lang silang babae.
"Kayo naman ang nagpasiwalat nito, 'di ba?" Nakipaghamon si Dina ng titig na hindi naman tinanggihan ni GV.
"Grabe! Kawawa naman pala si Prince GV. Iniwan pa ni Olivia?"
"Oo nga! Kawawa naman pala siya. Akin na lang siya!"
"Tumahimik na nga kayo!" Lahat ay parang natahi ang bibig nang magsalita si Lance Leonard. "Ang iingay ninyong mga tsismosa kayo!"
Inisa-isang tinitigan ni LL ang mga nasa paligid kaya parang mga pagong na nagsitago ang mga ito sa kanilang bahay. Takot na takot na salubungin ang mga nagbabagang mata ni Lance Leoanard.
"Oo, iniwan ni Bolivia si Princess Pitoy dahil nawala ang pagmamahal nito sa kaniya pero ang totoo, mas naunang nanlamig ang 'Pitoy ko' sa kaniya!"
Nagtatanong ang mga mata ni GV na napatingin kay Lance Leonard.
"Sila na ni Bolivia e, ano ngayon?" Nakikinig lang ang mga ito sa kaniya.
"Ang totoo, kami ni GV kaya bawal na ninyo siyang tawaging Prince dahil Princess na siya! Babae na siya siya na ang Pitoy ko!" anunsiyo ni Lance Leonard kaya nanlaki ang mga mata ng lahat lalo na ni GV.
"Halika na nga!" Hinila ni LL ang dalaga na nanigas yata sa sinabi niya. Bahala ito pero hindi niya nagustuhan ang pagkapahiya ni GV kanina. Nasasaktan din siya dahil paiyak na ito.
"B-Bakit mo sinabi iyon?" tanong ni GV at tumigil sa paglalakad. "Bitiwan mo ako!"
"Haist! Pasalamat ka pa nga sa akin dahil tinulungan kita para hindi mapahiya! Ayaw mo pa no'n? Hindi ka na talo dahil ako ang boyfriend mo?" napipikon na sagot ni LL. Siya na nga itong tinulungan pero mukhang siya pa ang galit sa kaniya!
"Mas na-appreciate ko pa kung hindi mo ako tinulungan! Ikaw naman kasi ang nag-umpisa!" paninisi si GV. Kung hindi nito sinabi na break na sila ni Olivia, e di sana, walang gulo.
"Nagsasabi lang ako ng totoo! Malay ko ba kung big deal na sa kanila!" pagtatanggol ng binata sa sarili. Wala siyang nakitang mali sa sinabi.
"Totoo? E hindi nga tayo!" Pinipigilan lang ni GV na sumigaw pero nang ma-absorb na ng utak ang lahat, nanlamig ang kalamnan niya sa pinagsasabi ni LL.
"E di tayo na lang para hindi na lalabas na sinungaling ako!"
"Lance Leonard naman! Hindi mo ba ako titigilan?"
"Ba't kita titigilan kung gusto kitang maging kasintahan?" Ilang beses na huminga ng malalim si GV para pakalmahin ang sarili. Pakiramdam niya ay makakalbo siya sa inis kapag kasama niya ito.
"Ayaw nga kitang maging kasintahan! Hindi mo ba naintindihan? Lalaki ako!" Hindi na baleng wala siyang love life basta huwag lang talaga si LL.
"Hindi." Naka-poker face na sagot ni LL. "Ang alam nila, tayo na kaya kapag magloko ka pa, buong CTU nag makakalaban mo!"
Napasandal siya sa wall habang hindi makapaniwalang nakatitig sa mga mata ng binatang kaharap. Guwapo naman ito. Huwag lang pag-usapan ang ugali dahil mukhang galing sa impiyerno!
"Pitoy ko?" malanding tawag ni LL kaya naiiyak si GV. Hindi talaga niya matanggap ang kapalaran. "Tayo na, 'di ba? Date tayo!"
Wala sa sariling hinakbang niya ang mga paa palayo sa binata. Lahat ng senses niya ay nawawala. Parang naging manniquen na ang kaniyang katawan. Walang pakiramdam. Ang kaniyang puso, tila nabalot ng makapal na yelo.
"Pitoy ko. Saan ka pupunta?"
Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si GV patungo sa parking lot.
"Saan ka pupunta?" pangungulit ni LL nang sumakay siya sa ducati.
"Umalis ka sa harapan ko o sasagasaan kita?" malamig na sagot ni GV at ini-start ang motorsiklo. Nakaharang kasi ito sa harapan niya. "Ang huwag mo akong tawaging Pitoy! Nakakairita ka na!"
"Sige, pero mag-ingat ka," bilin ni LL saka tumabi at ngumiti ng ubod ng tamis sa kaniya.
"Papakasalan pa kita para maging Lacson ka na!" dagdag nito kaya pinaharurot niya ang sasakyan. Minsan, gusto na niyang hilingin na sana wala na lang siyang tainga kapag kaharap niya ang mga Lacson dahil ang mga bunganga nila ay parang ipinaglihi sa bunganga! Ang daldal!

BINABASA MO ANG
SheMan
RomansaShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...