44-45

1.2K 49 1
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 44-45

Unedited...
Macho, guwapita raw ako. Kinagigiliwan dahil may pangalan!
Pakanta-kanta at pasipol-sipol si Lance Leonard habang papasok sa bahay nila.
"Ano ang nakain mo at ang saya yata ng anak ko?" tanong ni Ann. Nasa receiving room silang tatlo nina JM at Jacob.
"KFC!" sagot ng anak.
"Saan ka galing? Bakit umabsent ka sa klase?" tanong ni John Jacob. Dito silang lahat matutulog dahil friday.
"Nag-date," tipid na sagot ng binata.
"Damn!" pagmumura ni JM. Kaya pala hindi niya mahagilap si GV kanina. Nang mawala si LL, nagduda na siya na magkasama ang dalawa.
"Nag-date kayo ni GV?" tanong ni Ann na ngingiti-ngiti.
"Yes, Mom!"
"I'm sure, binlackmail mo naman siya!" sabat ni Jacob at tumayo.
"Ba't ko gagawin 'yon?"
"Palagi naman ninyong ginagawa iyon!" ani Jacob.
"Ang sama ng ginagawa ninyo kay GV, LL at JM ha!" nakasimangot na sabi ni Ann. Gusto niya si GV pero ayaw naman niya itong pahirapan.
"Wala akong ginagawa sa kaniya, Mommy!" depensa ni John Matthew.
"Mas lalo na ako. E kasintahan ko na 'yon!" sagot din ni LL kaya mas lalong dumilim ang mukha ni JM.
"Huwag ka ngang assuming, LL!"
Hinarap ni LL ang kapatid at nginitian ng ubod ng tamis. "Gusto mo bang malaman kung ano ang ginawa namin kanina sa date?"
Natigilan si JM at hindi makapaniwalang pinagmasdan ang mukha ng kapatid. Iba ang pakiramdam niya. Parang hindi pabor sa kaniya?
"Huwag mo nang alamin. Maiinggit ka lang," pang-aasar na sabi ni LL.
"Huwag mong sabihing, nangyari na ang hindi dapat na mangyari?" nakataas ang kilay na tanong ni Jacob. Kapag ganito ang modo ng kapatid, may kakaiba itong ginawa.
"Ano ang dapat na mangyari?" para tsismosang tanong ni Ann. "Sabihin mo sa amin, LL."
"Wala po. Kumain lang naman kami sa KFC!" sagot ni LL.
"Waaah! Hala, KFC?" napatakip si Ann sa bibig habang nanlalaki ang mga mata.
"Bakit, Mommy? Ano ang meron sa KFC?" naguguluhang tanong ni JM. Parang napakamalisyosa ng naging reaksiyon ng ina.
"Wala!" sabat ni LL at nakasalubong na ang kilay.
"Ano ba 'yon?" nagtatakang tanong din ni Jacob.
"Fried chicken. Ano ba ang meron sa KFC?" inosenteng sagot ni LL.
"Kakain na tayo," wika ni Dylan na kakalabas lang ng elevator kasama sina Anndy at Lee Patrick.
Nauna na sina JM at Jacob na naglakad patungo sa dining area habang sina Ann at Lance Leonard ay nakasunod sa dalawa.
"Baby?" tawag ni Ann pero mahina lang. "Totoo bang nag-KFC na kayo ni GV?"
"Opo," magalang na sagot ni LL. Nagpapasalamat si Ann dahil hindi na siya tinataasan ng boses ng anak. Kung uulitin pa nito, iiyak na talaga siya.
"Talaga? Nag-finger kayo?" nanlaki ang mga matang tanong ng ina.
"Hala, si Mommy! Kinutsara't tinidor namin. Mainit kaya ang kanin!" sagot ni Lance Leonard at lihim na napangiti.
"Anak naman eh! Iba ang tinutukoy ko," nakasimangot na sagot ni Ann.
"Literal, Mom?" bulong ni LL sa ina dahil lumingon si JM at nagdududang tinitigan sila.
"Oo, literal?" bulong ni Ann para walang makarinig.
"Hindi ah," tanggi ni Lance Leonard. "Si Mommy, ang dumi ng isip. Mabait po ako, hindi ko kayang gawin 'yon," labas sa ilong na wika ng binata kaya napasimangot si Ann.
"Akala ko, totoo na!" Padabog na iniwan siya ng ina.
Nang kumakain na sila, napasimangot si Anndy.
"Alam kong may problema ka, Bunso," wika ni Dylan. Noong isang araw pa itong hindi mapakali at para bang may sasabihin sa kanila na natatakot lang ipaalam. "Sabihin mo na sa akin. Ano ang problema mo, Anndy?"
"D-Dad. Ahmmm..."
"May boyfriend ka na ba?" salubong ang kilay na tanong ni Jacob kaya lahat sila ay tumigil sa pagkain. Walang ingay kahit na dulot ng kutsara lang. Parang ang unang gagalaw o lumikha ng ingay ay mamamatay. Namula naman siya. Lahat ng mga mata ay sa kaniya nakatutok. Parang mga leon na naghihintay lang ng go signal para lapain ang walang kalaban-labang aso.
"Ang OA niyo naman po. Wala ah!" nakasimangot na sagot ni Anndy.
"Eh, ano?" usisa ng ina. Ang apat ay ayaw ialis ang mga mata sa kaniya.
"'Yung isang sapatos ko, n-nawawala noong birthday ko," sumbong niya. Noong isang araw pa niya itong hinahanap pero wala na talaga.
"Sino ang nagnakaw?" tanong ni Dylan.
"Baby? Baka nasa shoe rock mo lang," malumanay na sabi ng kanilang ina.
"W-Wala, Mommy. Kahit saang sulok ng bahay, wala talaga."
"Hayaan mo na. Ang dami mong sapatos," sabi ni Lance Leonard at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Eh, kasi..." naiiyak na wika ni Anndy. "Regalo 'yon ni Lola Patch eh." Ang diamond shoes na iyon ang huling nairegalo ni Patch bago siya mamatay. Mahigpit na ibinilin nito na ingatan niya at huwag na huwag iwawala. Ilang beses siyang nagpalit ng sapatos noong birthday niya. Tiwala siyang walang kukuha nito.
"Baka naibenta na?"
"Dad? Paano niya mabenta kung ang kaliwang sapatos ko lang ang nawawala?"
"Saan na 'yon? Bakit nawawala? Ipahanap mo na lang sa mga katulong," wika ni Dylan at ipinagpatuloy na nila ang pagkain.
"Kapag mapatunayan kong ninakaw iyon at mahanap ko siya, malalagot siya sa akin!" mahina pero mapanganib na sabi ni Dylan. Kahit na walang pares ito, mabebenta pa rin dahil sa totoong diamonds ang naka-disenyo sa sapatos.
"Yeah! Kami ang bahala sa kung sino man siya! Hindi namin patatahimikin ang mundo niya!" sabat ni Lee Patrick kaya napangiti si Anndy. At least, hindi siya pinagalitan nito.
"Napakaburara mo kasi!" biglang nagbago ang mood ng dalagita sa sinabi ni John Matthew.
"Kung galit ka, huwag mong idamay si Princess Anndy!" sabat ni Lance Leonard.
"Psh!"
________
Nakaupo sa sala si GV at nanonood ng movies. Nakatatlong K-drama na siya pero hindi niya natatapos. "Ang arte pota!" pagmumura niya at napabuntong hininga. "Bakit na nawili ang mga babae sa kanila? Ang aarte mag-acting!" reklamo niya. Iiyak lang, wala pang mga luha! Pambakla para sa kaniya.
Mas gusto pa niyang panoorin ang action movies kaysa sa mga romantic comedy.
"Ang dami mong reklamo," wika ni Dexter na kakababa lang. "Pinapanood mo naman!"
"So? Curious lang kung bakit ang daming naaadik sa mga baklang 'to! Lalaki pero naka-makeup!"
Tumawa ang kapatid. "Curious? Bakit? Kailan ka pa na-curious sa mga pambabaeng movies?" Lumapit ito sa kaniya at nagdududa ang mukha.
"Bat ganiyan ka makatingin?" tanong ni GV.
"Tapatin mo nga ako, GV, babae ka na ba--"
"What?" singhal ni GV. "Ako? Babae? In your dreams!" nasusuka na sabi niya.
"Ang tindi mo makasigaw!"Napailing na lang si Dexter. Mukhang wala na ngang pag-asa ang kapatid nila.
"Saan ka pupunta, Dexter?" tanong ng kanilang ina nang pumasok ito.
"Date," nakangiting sagot ni Dexter.
"Puro ka na lang babae. Tumulong nga kayo sa gawing bahay," ani ng ina.
"Mom? Mamaya na. Kanina pa ako hinihintay ng chicks ko." Hinalikan niya sa pisngi ang ina at mabilis na lumabas ng bahay.
"Oh, ano 'yang pinapanood mo?" tanong ng ina nang mapansing K-movie ang nasa tv.
Kinuha ni GV ang remote sa tabi at inilipat. "Yan na lang," pagpigil ng ina nang lumabas ang Thai drama na "Ugly Duckling Don't".
"Kinililig ka na niyan, Mommy?" tanong ni GV sa ina na talagang naupo pa sa tabi niya para pumuwesto.
"Hindi ka ba?"
"Pambakla! Maganda lang ang babae! Pangit ang lalaki!"
"Bakit ba galit sa mga guwapong lalaki?"
"Psh! Pangit sila, Mom! Makaalis na nga!" Tumayo siya pero biglang tumunog ang telepono.
"Ako na, Mommy." Dinampot niya ang telepono. "Hello?"
"Mine!" Mabilis na ibinagsak niya ang telepono. Kinilabutan siya sa boses ng sa kabilang linya.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo? Masisira mo ang telepono natin," reklamo ng ina.
"Wrong number lang po," sagot niya.
Ilang sandali pa ay muling tumunog ang telepono.
"Hindi mo ba sasagutin?"
"H-Huwag na po."
Tumayo ang kaniyang ina.
"Ako na ang sasa--"
"Huwag na po. Prank call lang," pagpigil niya pero dinampot ng ina ang telepono.
"Hello?"
Kinakabahan siya. Huwag naman sanang makulit ang tumawag kanina. Hindi siya puwedeng magkamali. Si LL talaga iyon.
"Si GV?" tanong ng ina sa kausap at napatingin sa kaniya kaya sumenyas siya na sabihing wala siya.
"Ano ang sasabihin mong mahalaga tungkol sa inyo ni GV?" nagdududang tanong nito at nakasalubong ang mga matang nakatitig sa anak.
"Ako na ho ang sasagot!" Mabilis pa sa alas kuwatro na inagaw niya ang telepono sa ina.
"Puntahan mo ako sa Rob. KFC. Kapag hindi ka dumating, aalamin ko ang address ninyo." Hindi pa nga siya nakapagsalita ay ibinaba na nito ang telepono.
"Ano ang tungkol sa inyo?" usisa ng ina nang ibalik ni GV ang telepono.
"'Yong unggoy na a-alaga ho namin na bigay ni Kuya Sky, n-namatay po," palusot niya. "Mommy? Puntahan ko po ang kaibigan ko. M-Makikiramay kami kay Kuya Sky."
"Gaano ba ka importante ang unggoy na 'yan?" Alam niyang hindi nagdududa ang ina.
"Mommy? Anak-anakan po kasi iyon ni Kuya Sky." Hindi na niya hinintay ang ina at umalis na siya. Okay na rin naman ang damit niya. Puwede nang pang lakad. Kapag malaman lang ni Sky ang mga pinagsasabi niya, baka mapatay siya nito. Mahal na mahal pa naman no'n ang mga unggoy.
"Bakit dito sa KFC?" nakasimangot na tanong niya. Nasa isang table si Lance Leonard at kumakain.
"Kain ka," yaya nito at inabot ang fries.
"Ayoko!" tanggi ni GV.
"Patapos na ako." Uminom si Lance Leonard ng softdrinks sa baso saka pinahidan ang bibig ng tisyu. "Labas na tayo."
"Saan tayo pupunta?" tanong ng dalaga.
"Sa langit," nakangiting sagot ni LL at hinawakan siya sa kamay para lumabas.
"Grabe! Bakla pala sila?" hindi makapaniwalang sabi ng nasa kabilang table.
"Oo nga. Ang ga-guwapo pa naman sana nila. Sayang!"
"Huwag mo na silang pansinin, Mine ko," bulong ni LL at inilapit ang mukha sa tainga ng dalaga. "Alam ko namang may pekpek ka."
Piniga ni GV ang kamay ni LL dahil sa sobrang inis. Nagpatianod na lang siya palabas ng KFC.
Hindi na siya tumanggi ng sasakyan ni LL ang ginamit nila. Ipapakuha na lang niya sa kapatid ang ducati mamaya.
"Favorite ko na ang KFC, Mine!" wika ni LL habang nagmamaneho.
"Walang nagtanong!" pagsisinuplada niya.
"Para malaman mo. Masarap pala," ngingiti-ngiting sabi ni LL.
"Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba niya. Kanina pa nakasalubong ang mga kilay niya. Ang galing mang-blackmail ng mga Lacson.
"Basta!"
Ilang minuto pa ay ipinarada nito ang sasakyan sa Baclaran Church.
"Ano ang ginagawa natin dito?"
"Bumaba ka na, Mine." Bumaba si LL at pinagbuksan siya na para bang isang prinsesa na pababa sa karwaheng sinasakyan.
"Huwag mo akong tawaging mine!" saway niya pero tila bingi ang binata at hinatak siya palapit sa simbahan.
"GV!" bulalas ni Ann at agad na sinalubong ang dalaga. "My ghad! Sisimba rin kayo ni LL?" masayang tanong niya. Kanina pa siya naiinis dahil wala pa si LL. Nagpaalam ito kanina na may dadaanan lang. Sina Anndy, Dylan, John Jacob at Lee Patrick ay nasa loob na. Hinihintay lang nila ni JM si LL dahil baka hindi sila makita sa dami ng tao.
"H-Ha?" naiilang na sambit ng dalaga. Hindi niya inakalang magsisimba pala sila.
"Opo, magsisimba kami, Mommy!" sabat ni LL at nginisihan si John Matthew na namumula ang buong mukha sa galit. Nawalan na ito ng ganang pumasok sa simbahan pero alam niyang magagalit ang mga magulang. Minsan na nga lang silang nagkaka-family bonding.
Lumapit si Lance sa kapatid. "Kita mo 'yon?" bulong niya kay John Matthew. "Magsisimba kami ni GV kasama kayong pamilya ko."
"So?" pagsisinuplado ni JM. Matindi ang respeto niya sa Panginoon kaya pinipigilan lang niyang masuntok ang kapatid sa harap ng simbahan.
"Relationship goal din namin 'to ni GV!" parang batang nagpapainggit na wika ni Lance Leonard.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon