SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 16-17
"Bakit ang aga yata ninyong umuwi?" tanong ni Dylan sa mga anak. Ala una pa lang ng hapon sa wristwatch niya.
"Dad, wala na kaming gagawin. Lahat ay ginawa na namin," sagot ni John Matthew nang madatnan ang mga magulang sa gazebo.
"Bakit basa ka, Matthew?" tanong ni Ann sa anak.
"Ahm, nahulog ako sa fish pond," pag-amin ng anak. "Mom, magbibihis lang ako," paalam nito at mabilis na tumakbo patungo sa loob. Basang-basa na kasi siya. Nilagyan lang ni Jacob ng jacket ang upuan ng kanilang sasakyan para hindi mabasa.
"Bakit siya nahulog?" tanong ni Dylan sa mga natirang anak na nakaupo sa harapan nila.
"Wala, gusto kasi niyang manghuli ng isda. Ang hirap palang makahuli kahit na marami sila?" palusot ni Lee Patrick. Bago pa sila umuwi, napag-usapan na nilang apat na huwag aminin ang totoong nangyari dahil baka mapapatay sila ng ama. Bahala na kung magsumbong si GV pero ang mahalaga, walang laglagan sa kanilang apat.
"Oo naman. Sana namingwit na lang kayo," napailing na sabi ni Dylan. Hindi niya lubos maisip na lumusong pa talaga ang anak sa tubig para lang makahuli ng isda.
"Hindi nga namin naisip dahil baka lang naman na mas madaling makuha dahil ang dami nila," sabat ni Jacob at napatingin kay LL na nakayuko at nakahawak sa dalawang palad na para bang may kung anong bagay na nakikita roon.
"Ano ang nangyari sa iyo, LL? Bakit ang tahimik mo?" puna ni Dylan. Madalas ay nakikisabay ito sa usapan nilang magpamilya.
"A-Anak, may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Ann. Umiling si LL na hindi nagsasalita.
"Nagugutom lang siya kaya hindi makapagsalita," sabat ni Jacob at pasimpleng inapakan ang mga paa ng kapatid. Umangat ang mukha nito para tingnan siya pero agad namang yumuko.
"Ganoon ba? Magluluto ako, gusto m--"
"Okay lang ako, mom!" mabilis na sagot ni LL na tila ba nagising sa isang masamang panaginip. "O-Okay lang po talaga ako. Kakain na po ako sa loob," paalam niya at tumayo.
"Sige, may natira pang ulam sa niluto nina Manang. Kung ayaw mo, ipagluluto kit--"
"Kahit na malamig at matigas ang kanin, kakainin ko po. Hindi ko na kayang maghintay, mommy," sagot ni Lance Leonard.
"Sure ka?" sobrang nag-aalalang tanong ni Ann sa anak. Naaawa siya sa mga ito dahil baka napagod sa pagtatrabaho at nagutom dahil malayo ang restaurant sa farm nila.
"Opo," lumapit si LL at niyakap ang ina. "Isa pa mommy, mahal kita at ayaw kong mapagod ka pa."
Nagkatinginan silang tatlo.
"Sige po, kakain na ako." Pumasok siya sa bahay at dumiretso sa kusina. Nakiusap siya sa katulong na initin ang niluto ng cook para makakain na siya.
Nang matapos kumain ay lumapit siya kay Anndy na nakaupo sa sala at may ginagawa sa laptop.
"Kuya!" bati nito at tumayo para humalik sa pisngi niya.
"Ano ang ginagawa mo?" tanong niya.
"Wala naman. Nagcha-chat sa mga classmates ko."
"Classmate o boyfriend?" gusto lang niyang makasigurado. Bata pa si Anndy para mag-entertain ng manliligaw.
"Kuya naman! Paano ako magka-boyfriend e mga babae kami sa school?" nakasimangot na sagot ni Anndy.
"Kahit na, nagka-boyfriend nga ang ibang madre, kayo pa kaya?"
"Wala nga! Kulit!"
"Anndy? Search mo nga ang CPR," pabulong pakiusap ni LL para hindi marinig ng iba pang kapatid.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Anndy.
"Search mo lang kasi. Baka kung ano ang mangyari sa inyo ni Mommy kapag mag-swimming tayo, walang magliligtas sa inyo!" sagot niya pero hindi kumbinsido si Anndy. "At kapag malunod kami, alam mo kung ano ang gagawin mo lalo na si Daddy eh alam mo namang hindi 'yon expert sa paglangoy," dagdag ni LL. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na mukhang palaka kapag mag-dive ang ama. Ni hindi nga nito kayang tumagal sa tubig dahil na rin sa pagka-phobia.
"Ay, oo nga po." Mabilis na pumunta si Anndy sa google at tinipa ang "CPR".
"Try mo nga ang video kung paano gagawin iyon." Utos ni LL.
"Ganito pala i-perform ang CPR?" wika ni Anndy.
"Maghanap ka pa ng iba," ani LL. Lahat na yata ng videos ay napanood nila.
"Pareho lang naman kuya eh. Ano ba ang hinahanap mo?" naguguluhan na siya kay LL dahil parang may hinahanap ito.
"W-Wala bang CPR na nasa magkabilang boobs ang mga kamay?" tanong niya.
"Hala, walang ganoon, kuya! Ang bastos mo naman!" nakasimangot na sagot ni Anndy.
"Anong bastos? Hindi ko naman alam na walang ganoon! Akala ko talaga, sa boobs ang mga kamay!" depensa ni LL sa sarili.
"Hindi na CPR iyon! Breast pump na ang tawag do'n!" napipikon na sagot ni Anndy. Kapag may gusto ang kuya niya, hindi talaga ito titigil hanggat hindi napatunayang tama ito.
"Breast pump ka diyan! Dito ka na nga!" Pagsisinuplado niya saka iniwan ang kapatid sa sala.
"Wala namang boobs 'yon!" bulong niya at muling napatitig sa kamay habang paakyat ng hagdan. "Shit!" napahinto siya. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang maalalang may elevator sila. "Kaasar!" Panay ang pagmumura niya habang umaakyat. Wala siyang choice kundi ipagpatuloy ang paghakbang dahil alanganin na kapag bumaba pa siya at gumamit ng elevator.
Malapit na siya sa kuwarto niya nang mapadaan sa dating silid nina Lola Patch niya. Bahagya itong nakabukas kaya ipinihit niya ang pinto para makapasok. Nang pumasok siya, madilim ang silid dahil sinasara ang bintana at makapal pa ang maitim na kurtina. Iyon ang bilin ni Patch-na hayaang madilim ang silid. Binunuksan lang ang bintana at ilaw kapag maglinis ang mga katulong. Binuksan niya ang ilaw na nasa gilid lang ng pinto. Naiiyak na naman siya kapag pumasok siya rito. Dito kasi ang takbuhan nila kapag pinapalo ng ama.
Flashback...
"Lola," umiiyak na tawag ni Lance Leonard kay Patch, "Lola!"
Ilang minuto pa bago lumabas ang lola sa shower room.
"Bakit nandito ka?" tanong ni Patch.
"L-Lola, palo ako ni Daddy," sumbong niya sa lola habang nakatingala.
"Yoya!" bulol na tawag ni tawag ni Lee Patrick kasunod sina Jacob at Matthew. Ternong nakapantulog na pajama ang apat.
"Palo kami ni D-Daddy!" nakalabing sumbong ni Patrick na tila aping-api ang mukha.
"Bumalik kayong apat sa kuwarto ninyo!" Ma-otoridad na utos ni Dylan nang pumasok.
"Aba, bakit may pamalo ka? Sinasaktan mo ba ang mga apo ko?" nakapamewang na tanong ni Patch at iniharang ang katawan para hindi makuha ang mga apo.
"Lola, ang kulit nila! Alam mo ba ang ginawa nilang apat? Binasag nila ang flower vase sa--"
"Wala akong pakialam! Marami akong perang pambili pero ang paluin mo ang mga apo ko, hindi iyon puwede sa akin! Baka gusto mo, iyang ulo ko ang basagin ko?" tumaas na ang boses ng matanda kaya natahimik si Dylan.
"Pero lol--"
"Walang pero, pero! Umalis ka sa harapan ko o ikaw rin ang papaluin ko!" utos ni Patch sabay turo sa pintuan kaya napailing si Dylan. Spoiled ang apat sa lola Patch nila.
Nang masarado na ng ama ang pinto, niyakap ng limang taong gulang na quadruplets ang binti ni Patch.
"Oh siya, bumalik na kayo sa kuwarto ninyo Skyflakes ko." utos ni Patch.
"Lola? Tatlo lang naman po ang laman ng Skyflakes eh," pagtatama ni Lance Leonard. Ilang beses silang nagbukas ng Skyflakes pero tatlo lang talaga ang laman nito.
"Basta para sa akin, apat ang Skyflakes. Apat dapat!" giit ng matanda.
"Yebisco 'yon eh." bulol na sabat ni Jacob. Pareho silang bulol ni Lee Patrick.
"Ay, Skyflakes sa atin. Special tayo sa kanila kaya apat," paliwanag ni Patch. "Lintik! Umalis na kayong apat. Storbo kayo sa amin!"
"Yoya? Saan po si Yoyo?" bulol din na tanong ni John Matthew.
"Sa loob. Sige na, maglalaro na ako ng yoyo ni Lolo ninyo! Dios ko! Kakatayo lang, inistorbo ninyo ako!" pagtataboy ni Patch sa kanila. Alam niyang kanina pa siya hinihintay ni Lee sa loob ng banyo. Kung hindi lang mahalaga ang mga apo, nunca na iiwan niya ang asawa.
"Ando'n na eh. Napatayo ko na eh," bulong ni Patch at padabog na bumalik sa shower room nang lumabas ang apat.
End of Flashback...
"Bakit nandito kayo?" nagtatakang tanong ni LL nang pumasok ang tatlo.
"Wala lang. Nadaanan naming bukas ang pinto," sabat ni Jacob at tumabi sa kaniya. Ganoon din ang ginawa ng dalawa kaya para silang mga batang nakaupo sa malambot at malapad na kama na may itim na bedsheet. Mula sa kanan si LL, Jacob, Lee Patrick at John Matthew.
"Mukhang mamahalin ang sorority mask," wika ni John Matthew habang nakatitig sa maskarang nakalagay sa transparent box na nakasabit sa dingding. Tanging ang mga magulang ang nakakaalam kung paano ito buksan.
"Mahigit isang bilyon daw iyan," ani LL habang nakatitig din sa maskara na gawa sa tunay na perlas, gold at higit sa lahat, diyamante.
"Sino ba ang magmamana?" tanong ni Lee Patrick. Namatay lang si Patch na wala itong pinagsabihan kung kanino niya ipapasa. Ang tanging sinasagot lang nito ay "Ang maskara ang pipili ng magiging reyna niya".
"Ewan. Baka si ate Mandy?" ani LL.
"O baka si baby Anndy?" sabat ni Matthew.
"Whoever she is, sana karapat-dapat siya," sabat ni Jacob. Walang nakakaalam kung sino ang pinasahan ni Patch o kung paano maipapasa ang nasabing maskara sa iba.
Tumayo si LL. "Mauna na ako, pagod ako," paalam niya pero sumunod din ang apat. Pinatay ni Lee Patrick ang ilaw bago isara ang pintuan.
Dumilim na naman ang silid ngunit kapag wala nang tao at wala nang nakamasid, kusang kumikinang ang maskara na nagbibigay liwanag sa madilim na kinalalagyang silid!

BINABASA MO ANG
SheMan
عاطفيةShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...