SHEMAN
by: shasha0808 Ash Simon
CHAPTER 8-9
GV POV
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Rico sa akin. Pareho silang nakaupo sa sala ni Kuya Dexter.
"May lakad lang," sagot ko.
"Chicks?" nagde-kuwatro si Kuya Dexter pero ang mga mata ay nakatutok sa peryudikong binabasa.
"Hindi, may dadalawin lang." Kung puwede lang ay ayaw ko nang makipag-usap sa dalawa. Parehong second year college na sila at leader ng isang fraternity sa Arellano University. Mas matanda lang si Kuya Dexter ng dalawang taon pero tumigil dahil puro barkada ang inuuna kaya nagkasabay sila ni Kuya Rico.
"Si Olivia ba? Ibigay mo na kasi siya sa amin," nakangising wika ni Kuya Dexter kaya sumimangot ako.
"Ang dami mong babae! Huwag ninyong galawin ang Olivia ko!" Pagbabanta ko sa kanila. "Kung hindi, kakalimutan kong magkapatid tayo!"
"Ang dami mo rin namang chicks bakit si Olivia pa? Sa amin na lang siya. Panigurado, mas liligaya siya!" Pilyong sabi ni Kuya Rico at nag-apiran pa silang dalawa.
"Basta! Mahal ko si Olivia at huwag ninyo siyang paglaruan!" Padabog na lumabas ako ng bahay pero naririnig ko pa ang tawanan ng dalawa kong bruskong kapatid. Mahal na mahal ko si Olivia kaya nga kahit na nagpaloko siya kay Lance Leonard, buong pusong tinanggap ko pa rin! Iyak ng iyak siya noon dahil sa naisuko nito ang pagkababae sa tarantadong Lacson na iyon pero hindi na siya kilala ni Leonard kinabukasan.
Napaamin ko naman siya at ang sakit talaga sa part ko! Natamaan ang ego ko bilang lalaki! Kasal na lang ang kulang sa amin dahil lahat ay nagawa na namin maliban. Balak kong magpa sex change after nitong graduation at bahala na kung magalit pa sina Mommy! Okay lang naman sa dalawa kong kapatid dahil naiintindihan nila at tanggap nila ako pero may mga times pa rin na babae ang turing nila sa akin.
Kinuha ko ang helmet na nasa loob ng kotse ko at isinuot. Magdu-ducati ako para madali lang sumingit sa gitna ng trapiko.
Dumaan muna ako sa yellow cab para idaan sa condo ni Olivia.
"Babe!" masayang sabi niya saka humalik sa mga labi ko nang makapasok ako.
"Pizza?" sabay taas ko ng dala. Naka pink sext shorts siya at manipis na white tshirt kaya kitang kita ko na ang pinkish nipples niya dahil wala itong suot na bra.
"Wow!" bulalas niya. Maganda si Olivia, bilugan ang mga mata at makinis ang balat. Ang bango pa nito kaya nakaka-adik halikan. Ang lambot ng balat niya.
"Na-miss mo ako?" paglalambing ko saka niyakap siya mula sa likuran.
"Oo, sobra!" Humarap siya sa akin at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ko.
"GV? Thank you dahil mahal mo pa rin ako despite sa nagawa kong kasalanan sa iyo," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Hinapit ko siya sa bewang para mas lalong dumikit ang aming katawan.
"Mahal kita kahit na ano pa ang kasalanang nagawa mo ay pipilitin kong unawain pero sana, huli na iyon dahil may hangganan din ako." Malungkot na sabi ko. Tumango-tango siya na para bang bata na sumusunod sa ina dahil napagalitan at aminado itong siya naman ang may kasalanan.
"Oo, babe. I love you to the moon and back!' Ang mga kamay niya ay pababa sa puson ko kaya napaungol ako.
"I love you too, babe." Na-miss ko siya kaya siniil ko ng halik ang mga labi niya. Napasulyap ako sa orasan na nakasabit sa dingding niya. Hmm? Maaga pa naman kaya may time pa ako para sa kaniya.
Alas onse na nang makita ko ang text galing kay Tita Ann na ibinigay niya ang home address.
"Babe? Alis muna ako," paalam ko habang nagsusuot ng pantalon sa harapan niya.
"Saan ka pupunta?" nakalabing tanong niya at tumayo. Ni hindi man lang inalintana ang kahubaran sa aking harapan. Maganda ang hubog ng katawan niya. Mas malaki pa ang boobs nito sa akin. Well? Maliit lang naman itong akin kaso para sa akin, ang laki na. Ang bigat kaya! Ipapatanggal ko rin ito kasabay ng pa sex change ko.
Napag-usapan na namin iyan ni Olivia and hopefully, papayag na ang bansa sa "same sex" marriage. I don't care sa sasabihin ng iba as long na happy kami at walang inaapakang tao!
"S-Sa friend lang ng mommy ko," sagot ko. Sana lang ay huwag akong magmukhang sinungaling dahil may mga oras na nahahalatang hindi ako nagsasabi ng totoo.
"Ganoon ba? Babalik ka pa rin ba mamaya?" nakasimangot na siya kaya ngumiti ako. Alam kong nagseselos na ito.
"Yes, I'll come back. I'm gonna sleep here tonight, babe." sabi ko. Biglang lumiwanag na naman ang mga mata niya.
"Thank you. Alam mo namang mapanatag ang loob ko kapag kayakap kita," aw! Ang cute niya kapag mag-pout.
Isang matamis na halik ang iginawad ko sa mga labi niya bago ko siya iniwan.
Nang makarating ako sa address ay nag-doorbell ako na agad namang binuksan ng isang katulong na nakaputing uniporme. Nang ipasok ko ang ducati ay halos malula ang mga mata ko sa laki nitong four story mega mansion. Napansin ko rin kanina nang nasa labas ako ang helipad nila.
Ang lawak ng swimming pool na sa tantiya ko ay 75 foot ang haba with a pop-up mega tv, may golf course, iba't ibang sports cars at mamahaling motorcycles kaya nanliit tuloy ang ducati kong limang taon ko nang nabili. Mga latest na kotse at wala pa nga yatang ganito sa Pilipinas. Grabe!
"Sir? Dito po tayo," igina-guide ako ng katulong patungo sa loob ng bahay. Mama mia! Ang kintab ng sahig na kahit butiki, mahiyang gumapang lalo na sa kisame. Kahit ang chandelier ay minsan ka lang makakita ng ganito kaganda dahil kakaiba ang kislap ng mga kristal na desinyo kapag natatamaan ng sinag ng araw.
May iba't ibang desinyo ng mamahaling frames na nakapaskil sa dingding, brand new music instruments at kung anu-ano pang mamahaling bagay. Isang pirasong kutsara yata na nakawin mo ay instant mayaman ka na.
Nang umakyat kami sa spiral stairways ay napapahawak ako ng mabuti sa railings dahil baka madulas ako. Ang kintab eh. Napansin ko ang isang pinto na may sign sa labas "Bowling room." Nakapaskil din sa gilid ang sign na maakyat ang "cinema room." Hindi na ako mawala rito? Mabilis na hinabol ko ang maid dahil baka may mabasag ako at kulang pa ang kaluluwa ko para mabayaran ang mabasag ko. Mansion din naman ang bahay namin pero ngayon pa lang, nagdududa na ako kung mansion nga ba iyon? O kubo lang?
ternity Prince : Lacson' s mansion ( wattpad )
"Wala h-ho ba kayong elevator o
e-escalator?" hinihingal na tanong ko at pinahidan ang namumuong pawis gamit ang mga kamay ko. Parang impossible naman yatang wala silang elevator? Eh ang taas ng hagdan.
"Meron naman po," napahigpit ang hawak ko sa railings dahil muntik na akong mahulog ako sa narinig. "Mayroon naman po pala bakit hindi tayo gumamit?" pakshit lang!
"S-Sabi po kasi ni Sir LL, maghahagdan tayo." Napanganga ako sa sagot nitong katulong na matanda lang sa akin ng ilang taon. Lintik talaga na Leonard 'yon!
"N-Nandito... na po tayo," hinihingal din ito. Napahawak ako sa tuhod ko. Ngayon ko lang napansin na mukhang may osteoarthritis na yata ako. Matanda na ba ako? Ang sakit na talaga ng tuhod ko!
Gusto talaga niyang pahirapan ako! Sana pala, hinayaan ko na siyang mamatay para nawalan ako ng perwisyo sa buhay!
Pagbukas niya ng pinto sa guest room ay bumulaga na naman sa akin ang mga mamahaling sofa, kurtina at nga dekorasyon.
"Ate? Wala ho ba kayong guest room sa baba?" nagtatakang tanong ko dahil nasa third floor pa niya ako dinala. Ang haba pa ng hagdan.
"Bawat floor meron po pero ang sabi ng magkapatid, mas maganda po kapag dito kayo dadalhin para makita mo ang magandang view," magalang na sagot niya kaya naikuyom ko ang kamao. Eh mabuti sila, naka elevator kaya hindi mahihirapan! Walang hiya talaga siya!
"Maiwan na po muna kita, sir. Tutulungan ko lang ang kasamahan ko na maglinis sa garahe," magalang na paalam ng katulong sa akin.
"Ahm, ate? Maghahagdan ka pa rin po ba?" tanong ko.
"Hindi na po. Mag-e-escalator na raw ako. Iyon ang bilin ni Sir," sagot niya kaya mas lalo na talaga akong nagalit!
Nang maiwan ako ay inayos ko ang sarili para magpahinga. Kahit itong sofa na inuupuan ko, ang lambot dahil sa mamahaling materyales.
Lalabas pa sana ako nang makita ko ang apat na paparating at nagtatawanan kaya mabilis na bumalik ako sa sofa at inayos ang pagkakaupo. Ngumiti ako nang pumasok ang apat.
"Nandito ka na pala?" ani Lee Patrick at naupo sa harapan ko. Sumunod din ang tatlo at naupo sa tabi niya.
"Kamusta ang pag-tour sa bahay namin? Sana nag-enjoy ka." Ani John Jacob pero si Lance Leonard ay tahimik lang.
"Okay lang, nag-enjoy ako habang umaakyat sa hagdan. Nakakaaliw ang mga kagamitan ninyo. Hindi ko nga napansin na nasa third floor na pala ako?" pagda-drama ko at nag-arte na sobrang namangha. Totoo namang namangha ako pero iyong tuloy-tuloy na pag-akyat sa mahabang hagdan? The fuck!
"Talaga? Mabuti naman at nag-enjoy ka," sabat ni Matthew pero si LL ay hindi na maipinta ang mukha habang nakatitig sa akin. Pakialam!
"Nasaan na pala ang parents ninyo?" nagtatakang tanong ko. Alam na kaya nila na nandito na ako?
"Si Daddy, busy sa library kaya kami muna ang nandito para kausapin ka. Si Mommy naman, nasa baba, masayang nagluluto para sa tanghalian ninyo," sagot ni Matthew na nagte-text. Bigla akong nakaramdam ng pagkagutom. Pizza lang pala ang kinain ko kanina sa condo ni Olivia.
"Ganoon ba?" nakapagtataka. Akala ko, atakihin na ako ng apat at magsusuntukan kami pero mukhang kalmado lang silang apat.
"Oo naman. Gusto mong bumaba na? Kakain na yata kayo dahil mag-a-alas dose na," ani Jacob.
"Ayaw ninyong kumain?" tanong ko.
"Kumain na kami sa condo bago kami pumunta rito," si Jacob.
Tumunog ang intercom at sinagot ni Lee Patrick.
"Kumain na raw kayo sa baba." Nang ibaba nito ang tawag.
"Sige..." tumayo na ako bago pa nila marinig ang tumutunog na tiyan ko.
"TOMBOY!" Himala, nagsalita si Leonard. Hinarap ko siya at hinintay ang sasabihin niya. "Mag elevator ka!"
Ngumiti ako. Akala siguro nito, natutuwa akong gumamit ng hagdan!
"S-Salamat." Kunwari ay napangiwi ako.
"GV? Ano pala ang apelyido mo?" tanong sa akin ni Jacob. Sa kanilang apat, ito ang mukhang mabait. Well, mukha lang naman kapag magsama lang silang apat.
"Potoy," sagot ko.
"Pitoy?" ulit ng walang hiyang Lance Leonard.
"POTOY!" Giit ko.
"Pitoy!" Ulit na naman niya na seryoso ang mukha.
"Potoy sabi eh!" tumaas na ang boses ko.
"Pitoy ang gusto ng dila ko, ano ang pakialam mo?" seryoso ang mga mata. "Gamaliel Vilma Maye PITOY!" pagbigkas niya sa buo kong pangalan.
"BAHALA KA! POTOY, POTOY, POTOY!" Giit ko talaga.
"Pitoy, Pitoy, PITOY!" Muling giit niya kaya naglakad na ako patungo sa pinto! Kapag patulan ko pa ito ay ako lang ang matatalo!
Makababa na nga para makakain. Panigurado, masarap ang pagkain nila sa mansyong ito!
![](https://img.wattpad.com/cover/246764532-288-k555659.jpg)
BINABASA MO ANG
SheMan
Любовные романыShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...