SHEMANby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 32-33
Unedited...
."Dad? Malapit na po ang birthday ko," wika ni Anndy at tumabi sa ama.
"Ano ang gagawin natin?" tanong ni Dylan habang nagbabasa ng peryudiko sa terasa.
"Daddy naman! Gusto ko po ng party!" Parang balewala lang sa ama e kaarawan niya iyon.
"E di magpa-party," walang ganang sagot ni Dylan. Two months pa naman bago iyon kaya marami pa silang time. Mabuti na lang ang apat, walang reklamo sa birthday party. Mabigyan lang ng condo, okay na ang mga ito. Nauna lang niya si LL noon pero nagtatampo ang tatlo kaya binigyan na niya kahit na tutol si Ann.
"Si Mommy na lang ang kausapin ko! Ang killjoy ng daddy ko!" Padabog na nagmartsa siya patungo sa hagdan para umakyat. Trip niyang maglakad kahit na may elevator naman. Exercise niya ito every morning.
"Mommy!" tawag niya, "Mommy!"
"Anndy naman! Huwag ka ngang sumigaw. Magigising ang mga kuya mo," saway ni Ann na kakalabas lang ng kuwarto.
"Mommy? Let's plan about my birthday party na!" excited na sabi niya.
"Baby, it's too early pa para magplano," sagot ni Ann at naglakad patungo sa elevator. "Have you seen your dad?" tanong niya sa anak na nakabuntot sa kaniya.
"Nasa baba," nakasimangot na sabi ni Anndy saka tumigil sa pagsunod sa ina. "I don't want to wake-up kagaya noong last year!" Noong nakaraang taon, binuhusan siya ng malamig na tubig ng apat para magising. Iyak siya ng iyak noon dahil birthday pa naman. Sabi nila, iyon daw ang tamang paggising sa isang birthday celebrant.
"Next week na lang natin pag-usapan ang birthday celebration mo, okay? Baba muna ako kay Dylan," sabi ni Ann.
"Mommy! Call him 'baby' naman. Ang corny na nga ni Dad, wala ka pang ka-sweetan sa kaniya. Kawawa ang daddy ko!" Pagmamaktol niya. Todo lambing at todo pa-sweet ang ama pero ang ina, parang isip bata lang na kapag gustong gawin, okay kaagad ang kanilang ama. Minsan, iiyak-iyak pa dahil inaaway raw ni Dylan. Eh siya nga itong hindi man lang humahalik sa daddy nila.
"Mahal ko ang daddy mo! I just want to keep it in private lalo na ang body bonding namin noh!" depensa ni Ann sa sarili. Eh, hindi talaga siya gano'ng asawa. Si Dylan ang palaging nag-i-initiate. Go with the flow lang siya. Okay naman iyon sa asawa.
"Matanda ka na, pabebe ka pa rin!"
"Aba, tumigil ka Anndy! Alam ko namang kakampi mo ang daddy mo pero 'wag mo akong buwesitin ki aga pa! Baka sa kuwarto mo ikaw mag-celebrate ng birthday mo!" pagbabanta ni Ann. Palagi na lang siyang pinagsasabihan nitong dapat maging sweet din siya sa ama nito pero ang apat, ayaw talaga. Nasusuka pa nga ang quadruplets kapag maglambingan sila ni Dylan.
"Opo," magalang na sagot ni Anndy pero alam naman ni Ann na pamimilosopo lang ng anak. Mabait si Anndy pero alam niyang may itinatago itong pagiging spoiled brat. Hindi lang makagalaw dahil sa apat na kuya.
Naglakad si Anndy sa hallway pabalik sa kuwarto nang madaanan niya ang dating kuwarto ng Lola Patch at Lolo Lee nila.
"Tapos na po ba kayong maglinis?" tanong ni Anndy sa dalawang katulong na kakalabas lang.
"Opo, Ma'am."
"Huwag muna ninyong patayin ang ilaw. Ako na po ang magsasara mamaya," sabi niya at pumasok sa loob saka isinarado ang pinto. Umagang umaga pero madilim ang buong silid kapag pinatay ang ilaw.
Inikot niya ang paningin. Kagaya ng bilin ng lola, itim ang lahat ng gamit lalo na ang makakapal na kurtina ang bedsheet sa kama. Naagaw ng pansin niya ang nakasabit na maskara. Noong buhay pa si Patch at naging ulyanin, may sinabi ito sa kaniya.
Lola, akin po ba ang maskarang iyan?" tanong niya kay Patch habang nakatingala sa matandang nakatayo sa harapan niya.
"Kapag ba sabihin ko sa iyong hindi, magtatampo ka kay Lola?" tanong ni Patch.
"Hindi naman po." Sinabayan pa ni Anndy ng iling.
"Huwag kang mag-alala, apo, baka mapasa iyo rin yang maskara pero kung hindi sa iyo mapunta, 'wag kang magtampo sa akin ha."
"Opo," magalang na sagot ni Anndy.
"Paano po ba kayo pipili ng papasahan kung wala ka na?" Ang mga mata ng bata ay napaka-inosenteng pagmasdan kaya ngumiti si Patch.
"Ang maskarang iyan ay binuo ng aking dugo. Hinulma sa aking mukha. Inukit sa aking puso. Bubuhayin ako ng may ginintuang puso," makahulugang sagot ni Patch.
Naramdaman ni Anndy ang pananayo ng balahibo nang maalala ang pag-uusap nila ng namatay na lola sa kuwartong ito. Napatayo siya bigla nang umihip ang malakas na hangin at inilipad nito ang makapal na kurtina. Mabilis na pinatay niya ang ilaw at isinara ang pinto. Pero kagaya ng dati, kumikinang ito kapag walang nakakakita.
"Weird," bulong niya at dumiretso sa kuwarto ni John Matthew.
"Kuya!" tawag niya at binuksan ang hindi naka-lock na pinto.
"Damn! Hindi ka ba marunong kumatok?" Nagulat siya sa biglang pagpasok ng kapatid. Kakahubad lanv niya ng panloob. Mabuti na lang dahil hawak pa niya ang tuwalya.
"Kuya, birthday ko na next month."
"So? Lumabas ka na nga!" pagtatanoy ni JM.
"Hindi mo na ako mahal!" pagtatampo ni Anndy at naupo sa sofa na kulay khaki.
"Haist! Ang drama mo! Hindi mo pa naman debut!"
"Kahit na! Teen na ako eh!" nakalabing sabi niya at pinagmasdan ang halos nakahubad na kapatid. Sanay na siya sa mga itong nakikita ang abs o naka-brief lang kaya hindi siya naiilang kapag makakita ng naka-topless. Lamang, nakapaka-overprotective ng mga ito lalo na ang daddy nila.
"Lumabas ka na! Magbibihis ako. Si Jacob nga ang istorbohin mo! Pakisabing gumising na dahil may servicing pa kami!"
"Nananapak si Kuya Jacob kapag gisingin. Ayoko!"
"Haist! Kay LL ka o kay Lee Patrick! Labas na!"
Mabibigat ang mga habang niya palabas sa kuwarto ng kapatid.
"Kuya LL!" sigaw niya nang buksan ang pinto para magising ito.
"Ang ingay mo!" reklamo ni LL at tinakpan ang tainga ng unan. Inaantok pa siya. Pinakiramdaman lang niya ang paligid pero ni kaluskos o mga yabag ay wala kaya maingat na iminulat niya ang mga mata. Nakatayo lang si Anndy sa paanan ng kama at naiiyak na nakatingin sa kaniya.
"W-Wala nang nagmamahal sa akin," maluha-luhang sabi ng dalagita. Paiyak na ito kaya napangiti si Lance Leonard.
"Good morning, baby Anndy!" bati niya. Childish pa rin ito kahit na ilanh beses nitong ipagsigawang dalaga na siya.
"Kuya? Why so pogi?" nakangiting tanong ni Anndy. Masaya na siya dahil napangiti niya ang pinakamasungit sa quadruplets. Hindi sila gaanong close dahil napakasuplado nito. Lahat na lang ng gusto niya ay ayaw ng kuya. Mabuti pa nga minsan ang tatlo, naloloko pa niya pero itong si LL, hindi.
"Kasi guwapo ako. Inborn na 'yon!" pagmamalaki ng binata at naupo sa kama.
"Kuya? Birthday ko na next next month!" paalala ni Anndy.
"Ano ang gusto mong party?" tanong ni LL saka hinanap ang tsinelas para pumunta sa shower room. May lakad sila ngayon.
"Gusto ko iyong mala-princess ang theme!" excited na sabi ni Anndy. Bata pa siya at gusto niya iyong may pagka-fairytale.
"Okay. Pero saka na natin pag-usapan iyan. Lumabas ka muna dahil maliligo pa ako," mahinahong pakiusap ni LL at lumapit sa closet para ihanda na ang isusuot. Hindi naman sila iyong tipo ng taong prinsipe talaga ang turing sa sarili. Ang mga simpleng bagay na kaya nilang gagawin ay hindi na nila iniasa sa iba lalo na sa mga magulang. Iyon ang itinuro sa kanila nina Patch at Lee bago mamatay.
"Sige po," magalang na sabi ni Anndy at masayang lumabas sa kuwarto ni LL. Sa araw na ito, si LL ang favorite niyang kuya.
Nang matapos si LL sa paliligonat makabihis na ay bumaba siya. Nadatnan niyang kumakain na nang pamilya sa dining area. Si Jacob na lang ang wala pa.
"Tulog pa si Jacob?" tanong niya nang hilain ang upuan sa tabi ng ina kaharap ang mga kapatid niya.
"Si Jacob pa. Tulog mantika iyon," sagot ni Lee Patrick.
"Magkasama pala kayo ni GV noong isang araw?" tanong ni JM.
"Sino ang may sabi?" tanong ni LL habang kumukuha ng kanin.
"Kung wala bang may nagsabi, wala kang balak na ipaalam?" balik-tanong ni JM.
"Bakit ko ipaalam? Kailangan pa ba ng permiso mo? Magulang ka ba niya?" balik-tanong din ni LL kaya tumigil sa pagsubo si Ann at palipat-lipat ang mga mata sa dalawang anak.
"Kapatid kita at alam mong nililigawan ko siya!" paalala ni JM. Medyo tumaas na ang boses nito. Kung hindi pa sila nagkita ng kuya SKY nila, hindi pa niya nalaman. Isa pa, malaking tanong sa kaniya kung paano napasama ni LL si GV gayong magkagalit ang dalawa. Parang aso't pusa nga ang mga ito kapag magbangayan.
"So? May masama ba kung magkasama kami ng nililigawan mo? Tomboy naman 'yon!" nagsalubong nanang makapal na kilay ni LL.
"Oo! Masama dahil lumalabas na sinusulot mo siya!" prangkang sagot ni JM. Makakalaban lang niya ang iba pero huwag lang si LL.
"Sinusulot? Paano?" clueless na tanong ni LL. Ang mga lalaki ay nakikiramdam lang at nakikinig kung saan hahantong ang usapan ng dalawa.
"Tama na nga 'yan! Respeto sa pagkain!" saway ni Dylan at tumaas na rin ang boses.
"Si LL kasi, Daddy! Alam niyang nanliligaw ako kay GV!"
"Alam kong nanliligaw ka! Wala namang nagsabing hindi!"
"Tahimik na kayong dalawa o ibibitin ko kayo patiwarik!" Parehong tumahimik ang dalawang anak. Si Anndy ay tikom din ang bibig. Takot lang niya. "Tapatin nga ninyo ako! May gusto ba kayo kay GV?"
"Ayieeee. Magiging manugang ko na si GV?" masayang sabat ni Ann.
"Oo!" sagot ni JM.
"Oo raw," sabat ni LL sabay turo kay JM. "Sabi niya!"
"Ikaw? Wala ka bang gusto kay GV?" tanong ni Dylan.
"Hala, bakit ako?" sabay turo niya sa sarili.
"Eh bakit magkasama kayo sa factory nina Kuya Sky?" tanong ni JM.
"Servicing."
"Na hindi kami kasama?" Hindi makapaniwalang tanong ni JM. Talagang nag-skip ka pa sa klase natin?"
"Ay, naiinggit ka? E di mag-skip ka rin!" Malapit na siyang mapikon. Ang pinakaayaw pa naman niya ay ang pakialaman ang buhay at desisyon niya.
"Sabihin mo lang kung may gusto ka kay GV para ngayon pa lang, alam ko na kung sino ang karibal ko at nang malabanan kita ng patas!" may tono ng paghahamon ang boses ni JM. Nawalan na siya ng ganang kumain.
"Anak?" malumanay na tawag ni Ann kay LL at hinawakan ito sa kamay. "May gusto ka rin ba kay GV?" Ang totoo, nagbubunyi na ang puso ni Ann. Gusto talaga niyang maging manugang si GV dahil mabait ito sa kaniya kahit na astigin kung kumilos. At sigurado siyang sarap na sarap ito sa niluto niya dahil naparami ang kain.
"H-Hindi ko alam..." nagugulahang sagot ni Lance Leonard. E sa hindi niya talaga alam. "Pero imposible naman yatang ma-inlove ako sa tomboy?"
"'Yun na 'yun!" sabat ni JM saka tumayo. "May the best man win!" wika nito bago sila tinalikuran.
"Best man na sinasabi niya?" naguguluhanh sabi ni LL.
"Exciting!" bulong ni Lee Patrick.
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...