22-13

1.4K 46 0
                                        



SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 22-23

Unedited...
"Password?" sigaw ni GV at nang hindi makasagot ay tinadyakan niya ito sa hita. "Kapag binigyan ko kayo ng by laws, kabisaduhin ninyo!" Kanina pa siya naggagalaiti sa galit. Ilang pahina ang ibinigay niya sa mga neophytes para kabisaduhin ang mga importanteng bagay kagaya ng greek word, greek letter, password at founder ng grupo. Iyon ang mga tinatanong nila sa briefing kagaya ng ibang fraternities. Wala sa linya nila ang gumawa ng initiation kagaya ng mga pabebeng sorority dahil itinuturing nila ang sariling fraternity.
"Tama na, bru!" Saway ni Divina sa kaibigan. Kaina pa ito nangbubugbog sa mga neophytes na nakahubad sa kanilang harapan. Nasa isang abandonado silang gusali na pagmamay-ari ng MI nila. Tanging tatlong kawayang upuan at isang lumang mesa ang nasa loob ng kanilang pinagdarausan. May look out din sila para kung sakaling may mga pulis na dumating. Alas otso pa lang ng umaga at kakatapos lang nila ng exercise para sa mga papasok sa kanilang sorority.
"Sino ba kasi ang nag-briefing sa kanila? Ipapasok lang ba natin sila sa grupo na walang kaalam-alam?" tanong niya. Hindi puwedeng madali lang ang pagkaka-survive ng mga ito dahil para sa kaniya, the more na masakit ang pinagdaanan, mas lalong titibay ang samahan dahil hindi basta-basta ang pagkapasok nila.
"Pasuotin n'yo na sila! Proceed sa pagpa-paddle!" utos niya sa mga kasama at dumura sa paanan ng nasa harapang neophyte.
Tinanggalan nila ng piring ang mga ito at binigyan ng limang minuto para makapagbihis.
"Kawawa ang isang neophyte, bru!" bulong ni Dina habang nakatingin sila sa mga nagbibihis. Ang dami ng pasa nito sa likod at tiyan.
"Malaki ang katawan, snappy sa interview pero lampa sa hazing," ani GV na nakatingin sa medyo chubby na neophyte. Akala niya, matibay ito dahil parang turong mabagsik kung kumilos pero iyakin nang mag-body contact sila kanina.
"Palinyahin na ninyo!" utos ni GV kaya muling pinapuwesto ng MI ang labing limang neophytes. Kinuha ni GV ang paddle na si Burgos sa guitar case at ibinigay sa MI. Sila ang may karapatang mag-paddle sa mga ito. Maliban na lang kung papayag silang pumalo ka.
"Gusto mo?" tanong ng isang MI at iniabot kay GV si Burgos.
"No, thanks. Hihingi na lang ako ng remembrance sa kanila," sagot ni GV. Solve na siya sa body contact kanina. Namumula na nga ang mga palad at kamao niya sa kakasampal at suntok sa mga ito kanina. Ang remembrance ay sampal, suntok o paddle. Depende na lang sa neophyte kung papayag siyang magbigay nito sa senior niya bilang remembrance. Ganti-ganti lang. May karapatan naman silang humingi kapag sila na naman ang seniors.
Matapos ang initiation ay nagsikaniya-kaniya na silang sakay sa mga sasakyan.
Hindi pa tapos dahil hindi pa nila nilagyan ng ritwal ang mga kamay ng mga ito. Kagaya ng iba, sigarilyo ang ginagamit nila bilang tattoo sa kanang braso nito.
"Mukhang hindi maganda ang timpla ng modo natin," tanong ni Dina nang nasa elevator na sila papunta sa tambayan nila. Nahuli lang sila dahil nasiraan kanina nang malapit na sila sa Pasay. "Nag-away ba kayo ni Olivia?"
"Wala."
"Anong wala. Ito oh, panay ang text at tawag niya sa akin," pinakita ni Dina ang call register niya kay GV.
"Pakisabing may initiation lang kami," sagot niya. Lowbat siya kanina kaya hindi niya alam na tumatawag si Olivia.
"Alam mo, bru, mahal ka ni Olivia," ani Dina. Kahit na nagkasala ito minsan, pero ramdam niya ang labis na pagmamahal ng dalaga sa matalik niyang kaibigan.
"I know."
Nang makarating ay agad nilang niritwalan ang mga bagong miyembro. "Ngayong bahagi na kayo ng kapatiran, huwag ninyong ipahiya ang pangalan ng grupo. Tandaan ninyo, seniority tayo rito. Matutong gumalang sa nakakatanda. Matuto ring magpagalang ang nakakatanda. Respeto sa isa't isa. Bawal dalhin ang grupo sa gulo. Huwag magmalaki at ipagmayabang ang grupo sa walang kuwentang bagay. Be professional at higit sa lahat, magkapatid na tayo rito," sabi ni GV sa mga neophytes na nakaupo sa harapan at inisa-isang nakipag-handshake sa mga ito.
"Bru, may naghahanap sa iyo," sabi ni Hans na kakapasok lang. Hansel talaga ang tunay nitong pangalan pero ayaw niya dahil babaeng-babae raw bigkasin kaya Hans na lang.
"Sino?" nagtatakang tanong niya.
"John Matthew," makahulugang sagot ni Hans. Alam nilang naba-badtrip si GV kapag marinig ang pangalan ng mga Lacson.
"Shit! Ano ba ang kailangan niya?" malakas na tanong niya kaya natahimik ang mga kasamahan niya.
"Ewan, bru. Pinapatawag ka lang niya."
"Kausapin mo na," sabi ni Dina kaya padabog na lumabas siya. Pabalya pa niyang isinara ang pinto.
"Easy, dude. Baka masira ang pinto ninyo," kalmadong sabi ni John Matthew na nakasandal sa wall na nasa harapan lang ng kanilang tambayan.
"Minsan na ngang sinira ng kapatid mo, 'di ba?" pambabara niya. Naalala na naman niya ang unang engkuwentro nila ni LL. May pinto naman pero sinipa pa talaga nito ang pintuan.
"Chill! I came here para hindi makipag-away," natatawang sagot ni JM at itinaas pa ang dalawang kamay para iparating kay GV na harmless siya.
"Ano ba ang kailangan mo at sumugod ka pa rito?" tumingala siya rito. Ang tangkad kasi ng nasa harapan kaya nagmumukha siyang duwende sa height na 5'7".
"Hihingiin ang cellphone number mo?" patanong na sagot ng binata.
"Are you crazy? Para ano na ibigay ko ang number ko sa iyo?" bulalas niya na halos hindi makapaniwala. Inayos pa niya ang kuwelyo ng polo dahil nakatiklop ang sa kanang bahagi nito.
"Maybe, I'm crazy," sagot ng binata kaya naguguluhan siyang napatingin sa mukha nito.
"Magpapa-tutor sana ako ng English sa iyo," sagot ng binata.
"English pa talaga?" she raised her brows.
"Naman. Balita ko, magaling ka sa English," sagot ni JM na tila maaliwalas ang mukha.
"Umalis ka na nga sa harapan ko!" Tumalikos siya sa binata. "Nagsasayang ka lang ng oras mo!"
"Wala pa akong sinayang na oras dahil lahat ng gusto ko ay nakukuha ko," sagot ni John Matthew at naglakad patungo sa elevator. Si GV ay muling pumasok sa tambayan nila.
Bumalik na siya sa paaralan dahil kanina pa siya hinahanap ni Lee Patrick.
"Saan ka galing?" tanong ni Mandy nang pumasok siya.
"Sa labas lang. Nakipag-usap sa ibang brod namin," palusot na sagot ni JM. Tahimik ang tatlong kapatid na nasa sofa. Si LL ay nakahiga at nanonood ng tv habang ang dalawa ay busy sa kakalikod ng mga cellphone.
"Pinsan? Aminin mo na kasi ang totoo, nag-date ka, ano?" usisa ni Jairah na nakaupo sa paanan ni LL.
"Date ka diyan. Ikaw ang mag-date, Ate, dahil tumatanda ka na. Mabuti pa si Ate Taira, kasal na," sagot niya na ang tinutukoy ay ang kakambal ni Jairah.
"Hmp, malas naman niya kay Sky!" sagot ni Jairah.
"Mabait naman si Kuya Sky," pagtatanggol ni Jacob. Ito ang nagsisilbing kuya sa kanila. Mas close pa nga silang apat kay Sky kesa kina Blue at Black. Ang lakas kasi ng trip nito kapag magkasama sila. Isa pa, nagiging busy na rin si Blue sa career magmula nang may sumulpot na bata sa buhay nito dahilan para maging single dad. Si Black naman ay tahimik lang sa tatlo. Nagiging madaldal lang kapag kasama ang kasintahang si Nathalie.
"Sus, kawawa naman ang kakambal ko. Ano ang ipapakain ni Sky sa kaniya?" nasa bahay nila si Taira dahil nag-away raw ang mag-asawa. Kung anu-ano pa ang drama ng kapatid dahil hindi naman daw ito ang mahal ni Sky.
"Naku, huwag ninyong i-underestimate si Kuya Sky," sabat ni Lee Patrick.
"Ano ba ang pinakain ni Sky at mukhang pati kayo, nagayuma niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Jairah.
"Naku sis, huwag mo na kasing ipahamak si Sky sa harapan nitong square na ito dahil kuya nila iyon. Kahit na mali, ipagtatanggol nila iyon. Ganoon talaga ang mga lalaki!" sabat ni Mandy.
Tahimik na naupo si LL at pinagmasdan si John Matthew. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ah!" naiinis na tanong niya. Ni hindi man lang nito sinasagot ang tawag niya. Magpapabili pa sana siya ng shawarma sa labas dahil sabi nito, pupunta kay Arnold.
"Diyan lang, sa tabi," sagot ni Matthew.
"Saang tabi?" usisa ni Lance Leonard.
"Sa babae ko. Bakit ka ba tanong ng tanong?" pagsisinuplado ni John Matthew. Wala pa naman siyang ganang magsalita ngayon.
"Wala namang masama kung magtanong ako dahil sabi mo, kay Arnold ka pupunta!" sagot ni LL at nagsimula nang makaramdam ng inis sa kapatid.
"Hindi ko nakita si Arnold!" sagot ni John Matthew.
"May inililihim ka ba sa amin, John Matthew?" tanong ni LL kaya tumahimik silang lahat at nakatutok ang mga mata kay JM.
"P-Para ano?" sagot ng binata na hindi makatingin kay LL.
"Sabihin mo lang kung may itinatago ka sa amin."
"Wala nga! Bat ba ang kulit mo?"
"Siguraduhin mo lang dahil baka pagnagkataong magta-traidor ka, kakalimutan kong kapatid kita!" pagbabanta ni LL kaya nagkatitigan sila ni John Jacob.
"Wala. Nasa babae ko lang talaga ako pumunta. Pagod lang ako kaya tinatamad akong makipag-usap sa iyo," pagsuko ni John Matthew at nagkibit balikat.
"Ah," tila naniwala naman na wika ni LL. "Nakita mo ba si Princess GV?" usisa ni LL.
"Bakit naman?"
"Wala lang. Baka kasi nakita mo, hindi siya dumalo sa servicing natin kahapon. Next week pa kaya matapos," sagot ni LL. Natapos lang sila ay ni anino nito ay hindi niya nakita kahapon.
"Baka busy lang, brod," sabat ni Lee Patrick.
"Tayo? Hindi ba busy?" sagot ni LL.
"Bakit ba nitong mga nakaraang araw, puro si GV na lang ang lumalabas sa bunganga ninyong apat?" nagdududang tanong ni Jacob.
"Ew! May gusto kayo sa tomboy?" maarteng tanong ni Mandy.
"Hala, wala ah," tanggi ni LL. "Napakamalisyosa mo, Ate Mandy!" Tumayo siya sa sobrang inis at lumabas.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon