54-55

1K 49 1
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 54-55

"Hila ka nang hila!" reklamo ni GV. Kung anu-ano na nga ang pinagsasabi ni LL sa hallway, ang lakas pa nito makahila sa kaniya.
"Ang bagal mo kasi!" Isinara ni LL ang pintuan ng kaniyang silid.
"Nagmamadali?"
"Oo! May gagawin kasi tayo!"
"Ano ang gagawin natin dito sa kuwarto mo e tayong dalawa lang naman ang nandi--" Natigilan siya nang may naisiip. "B-Babalik na ako sa classroom."
"Mamaya na. May gagawin pa tayo!" giit ni LL at naglakad ito palapit sa kaniya.
"A-Ano ang gagawin natin?" Napaatras siya. Iba kasi ang nababasa niya sa mga mata ng loko. Parang may gagawing hindi kanais-nais. "Huwag kang lumapit!"
Pero tuloy-tuloy lang ito hanggang sa wala na siyang maaatrasan dahil kama na ang nasa likuran niya.
"Mine?"
Nanindig bigla ang balahibo ni GV sa boses ni LL. Para siyang sa langit na tinatawag pa ni Satanas para dalhin sa impyerno.
"Huwag mo nga akong tawaging ganiyan! Sasapakin na kita!"
"Haist!"
"Ano ba ang gagawin natin?" Ilang pulgada na lang ang layo nito sa kaniya kaya para siyang kati-kati na hindi mapakali. Gusto niyang tumakbo palayo kay LL.
"Body bonding!" nakangising sagot ni LL.
"P-Paano 'yon?" Kinakabahang tanong niya. "Shit!" Mabilis na itinulak niya si LL pero mahigpit na hinawakan siya nito sa balikat.
"Tituruan kita, Mine!"
"Ayokong matuto!"
"Lips bonding na lang!"
"Lumayo ka sa aki--uhmp!"
Nanlaki ang mga mata niya nang sakupin ng binata ang mga labi niya. Gusto niyang kumilos pero para siyang tao na nabuhusan ng semento at naging istatwa.
Bumaba ang mga kamay ni LL sa bewang niya para mas dumikit ang mga katawan nila. Matapos ang ilang sandali, tumigil si LL at niyakap siya.
"Mine? Gusto ko kiss tayo palagi," parang batang sabi ni LL pero si GV ay mukhang hindi pa nakabalik sa lupa at nasa impyerno pa.
"Mine? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni LL nang mapansing tulala pa rin si GV.
"W-Wala ka na ba talagang gagawin kundi buwesitin ako?"
"Hmp? If I know, gusto mo pa ngang magkaroon tayo ng sex organ bonding!" pilyong sabi ni LL.
"What the fuck!" she cussed.
"Let's fuck?"
"Lance? Pakiusap, maghiwalay na tayo. I can't take this anymore! Why can't you understand na hindi kita mahal?"
"Mahal mo 'ko! Hindi mo pa na-discover!"
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Boring kapag malambot!"
"Lalabas na ako!" Sinisikap niyang makawala nang yakapin na naman siya ni LL pero hindi niya kaya ang lakas nito.
"Mamaya na. Ganito na lang muna tayo," ani LL.
"Lance? May naghahanap sa 'yo!" sabi ni Jacob mula sa labas habang kumakatok.
"Sino?" sigaw pabalik ni LL.
"Noona!"
Palayo na ang mga yabag sa labas kaya pinakawalan na ni LL si GV.
"Lumabas ka na! Nasa labas na si Noona mo!"
"Ayoko!" tanggi ni Leonard. "Nandito sa loob ang mahal ko."
Padabog na tinalikuran niya si LL. Hindi sila matatapos kapag pansinin niya ang kalokohan nito.
"Ang suplada mo! May regla ka, ano?" tukso ni LL na sumusunod kay GV na palabas ng kuwarto. Lahat sila ay napatingin sa dalawa. Hindi nila inaasahang kasama nito sa loob si GV.
"Hi, Lance!" nakangiting bati ni Noona saka tumayo at hinalikan si LL sa kanang pisngi.
"Napadalaw ka, Noona?"
"Na-miss ko kayo," sagot ng dalaga at napasulyap kay GV. "Hi, GV. Kamusta ka na?"
"Okay lang," nakangiting sagot ni GV. Ngiting pilit lang. Napasulyal siya kay John Matthew na walang imik sa tabi ni Lee Patrick.
"Aalis na ako, babalik pa ako sa classroom namin," paalam ni GV.
"Mamaya na, Mine, ihatid na kita," sabi ni LL saka hinawakan siya sa kaliwang braso. "Dito ka lang muna."
"Alam mong may klase na sila!" sabat ni JM.
"Mamaya pa. May fifteen minutes pa!"
"Sinabi na nga niyang klase na niya, 'di ba? Anong klaseng boyfriend ka?"
"Mabuti at mapagmahal na boyfriend! Ako ang boyfriend kaya kabisado ko ang schedule niya! Huwag kang makialam, third party ka lang!" Kinuha niya sa registrar ang schedule ni GV kaya kabisado niya.
"Tama na, LL!" sabat ni GV nang hindi makatiis.
"Basta dito ka lang muna," pakiusap ni LL at hinila palayo sa kanila ang dalaga.
"Wala naman akong gagawin pa dito kaya aalis na ako," giit ni GV.
"Ayokong umalis ka," nakasimangot na sagot ni LL.
"At bakit naman?"
"Dahil ayaw kong pag-isipan mo ako ng masama. Ayaw kong isipin mong tumitingin ako sa iba," seryosong sagot ni Lance Leonard. Gusto niyang patunayan kay GV na seryoso talaga siya sa pagmamahal niya.
"Hindi ko iisipin kaya aalis na ako. Please, huwag mo nga akong higpitan! Kung gusto mong mahalin kita, luwagan mo naman ang pagkakatali mo sa akin! Nasasakal na!" Ang hirap nitong maging boyfriend. Noong sila pa ni Olivia, hindi naman siya ganito sa dalaga. Kahit papano, may freedom naman ito at hindi niya pinapakialaman ang buhay ng dalaga.
"N-Nasasakal ka na?" malungkot na tanong ni LL. Ang akala niya, magugustuhan ni GV ang ginagawa niya. Ano ba ang alam niya sa pakikipagrelasyon? Wala!
"S-Sige, bumalik ka na sa classroom ninyo," ani LL kahit na labag sa kalooban.
"Salamat naman!" Tinalikuran niya ang binata at nagpaalam sa apat na nakaupo sa sala.
Paglabas niya sa tambayan, ang daming tsismosang nakikiusyoso.
"Grabe! May sira na yata ang utak ni LL para patulan si GV!"
"Ang sabihin ninyo, ginayuma niya si Prince Leonard natin!" galit na sabat ng isa.
Ilang araw na siyang ginagawang pulutan ng mga ito kaya hinayaan na niya. Ang daming speculations na nangyayari sa paligid. Kesyo iniwan niya si Olivia para ipagpalit kay LL dahil malandi siya, inayawan siya ni Olivia dahil nakikipaglandian siya kay LL at kung anu-ano pa!
"GV!" paakyat na siya ng hagdan nang tawagin siya ni Noona kaya tumigil siya at hinarap ito.
"Puwede ba tayong mag-usap?" hinihingal na tanong nito. "Pero huwag dito?" Ang daming tsismosa sa paligid.
"Girlfriend niya? Niloloko niya si Prince LL?"
Ayan na naman sila! Kung ano ang pumapasok sa isipan, sinasabi.
"Mahalaga na iyan?" tanong ni GV. May ten minutes pa naman siya para pagbigyan ito.
"Hindi naman," sagot ni Noona. "Tungkol kay LL."
"Sige, sa rooftop tayo," pagpayag niya saka dinala ang dalaga sa rooftop.
Tahimik na dumungaw si Noona sa baba. Nakatayo lang si GV sa tabi nito at pinagmasdan ang mga soccer player na naglalaro sa malawak na field ng school campus.
"Alam mo bang tahimik na tao si Lance?" panimula ni Noona kaya inilipat ni GV ang mga mata dito. "Noong bata pa kami, iilan lang ang kinakausap niya. Mga piling tao lang. Kahit nga ako, nahirapang pakibagayan ang lokong 'yon!" Napangiti siya nang maalala ang nakaraan nila ng binata. Kung paano siya nito sungitan.
"Palangiti at palatawa siya kapag pamilya at close friends niya ang kasama pero kapag ibang tao, umasa kang magmumura at magsusungit ito."
Hinarap ni GV si Noona at tinanong, "Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin, Noona?"
Ngumiti si Noona sa kaniya at ipinagpatuloy ang kuwento. "Mabait si Lance Leonard sa mga babae. Never pa ko pang nakitang may binully siya pero noong namatay ang lola Patch nila, nagbago na siya." Biglang lumungkot ang mukha ng dalaga. "Hindi na siya ang Lance na nakilala naming close friends niya. Nawala na ang respeto niya sa mga babae. Nakikipagtalik siya sa mga babae at ni hindi man lang inisip ang pakiramdam ng mga ito."
"E ikaw, Noona? Nakipagtalik ka na ba kay LL?" Kahit na alam na niya ang sagot, gusto pa rin niyang ma kumpirma sa kaharap. Hindi ito makapagsalita kaya nalaman niyang totoo nga ang pinagsasabi ni LL.
"Nirerespeto kita dahil kahit paano, babae rin ako, physically," sabi na lang niya.
"GV?" seryosong hinarapa siya ni Noona. "Alam kong napipilitan ka lang na makikipagrelasyon kay LL. Nakausap ko sina JM."
"So?" Tumaas ang kilay ni GV. Bigla na lang siyang nairita a kaharap kahit na niyang mabait naman si Noona. Basta naiinis siya!
"Minsan lang magmahal si LL. Never pa siyang nagkaroon ng kasintahan kaya pakiusap, alagaan mo siya."
"Noona? Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin?" tanong ni GV.
"D-Dahil mahal ko siya," pag-amin ng dalaga. Wala siyang dapat na i-deny. Kahit si LL, alam ang nararamdaman niya.
"Paano kung sabihin ko sa iyong mahal ko na rin si LL?" Nakatutok ang mga mata niya sa mukha ni Noona. Gusto niyang makita ang magiging reaksiyon nito. Ngumiti si Noona pero kitang-kita niya ang lungkot at pagkabahala sa mga mata nito.
"I-If that's the case, sisikapin kong mawala ang pagmamahal niya sa iyo. Alam kong nakita lang ni Lance ang ugali o ano man diyan ng lola Patch niya sa iyo."
"Magiging kontrabida ka sa amin, gano'n ba?" tanong ni GV na hindi alam magiging response sa kaharap.
"Bakit? Lalaban ka ba?" baliktanong ni Noona.
"Sa iyo na si Lance Leonard mo!" sagot GV. "Tapos na ang oras ko, may klase pa ako."

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon