64-65

1K 37 0
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 64-65 (FINALE 1)

CHAPTER 64

Unedited...
"Ano ba ang kuro-kuro sa labas?" tanong ni GV sa kakapasok lang na sis nito.
"Ewan ko, bru!"
"Ang iingay nila!" sabi ni GV. Tinatamad siyang lumabas para mang-usisa.
"Bru," tawag ng kasama niya kay Dina na kakapasok lang. "Ano'ng meron?"
"Listahan ng mga nakapasa sa para sa sorority queen," sagot nito.
"Talaga? Nandiyan na?" masayang sabi ng isa nilang kasama.
"GV? Congrats, pumasa ka!" masayang bati ni Dina. Dalawang libo ang ini-released nilang pangalan. Ang first qualified ay mga first year and second year college.
"What? Bakit pumasa ako?"
"Pinalista kita, 'di ba?" sagot ni Dina.
"Haist! Ayoko nga e! Kakausapin ko ang organizer!" sagot niya. Wala talaga sa utak niya ang maging sorority queen. Ang makapasok sa sorority ay sapat na sa kaniya.
"Ano ka ba! Malay mo, ikaw na ang manalo, bru! Isa pa, babae ka na!" proud na sabi ng isa niyang kabaro.
"Tama! At kasintahan mo si LL! Malaking puntos na iyon sa iyo," pagsang-ayon ni Jillian na kaklase nila.
"Huwag ako! Ayaw ko sa mga ganiyan!" nakasalubong ang kilay niya.
Pagkatapos ng klase, napadaan sila sa announcement board na dinudumog ng mga kababaihan.
"Sana ako ang manalo!" umaasaang sabi ng leader ng isang sorority.
"Oo nga, kahit isa man lang sa ating mga Kapians," puno ng pag-asang pagsang-ayon nito. Lahat yata ng babae ay nagpalista. Open naman sa lahat ang pageant. Sorority member man o hindi as long na estudyante ka ng paaralan.
"Mine!" tawag ni LL kaya napalingon ang iilan. Mag-isa lang ito dahil ang tatlong kapatid ay umiwas sa mga tao. Gusto sana niyang tumungo ja sa tambayan pero nakita niya si GV.
"Saan ka pupunta?" tanong ni GV.
"Hinahanap ka. Ikaw?" balik-tanong ng binata.
"Sa canteen. Nagugutom ako."
"Ako rin. Tara, kain tayo sa tambayan," yaya ni LL at inakbayan siya kaya puno na naman ng inggit sa paligid.
"Baka siya ang ipanalo dahil kasintaham niya si LL!"
"Oo nga!" pagsang-ayon ng isang estudyante. "May daya!"
"Hindi naman sila siguro gano'n."
Susugod na sana si LL para sawayin ang mga ito pero pinigilan siya ni GV. "Hayaan mo na sila, hindi ako interesado."
Hinila niya patungo sa tambayan si LL. Masaya siya dahil kahit na ganito si LL, hindi siya pinapabayaang mapahiya sa harap ng marami. Napaka-protective nito sa kaniya.
"Bakit first year and second year lang ang mga nakapasa?" tanong niya habang binubuksan ni LL ang pinto.
"Kasi, iyon daw ang bilin ni Lola kina Mommy. Oras na buksan ang paligsahan, mga first year and second year lang ang isasali," sagot ni LL saka isinara ang pinto nang makapasok na sila.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni GV. "Magandang araw ho," magalang na bati niya kay Aber na naghahanda ng merienda.
"Magandang umaga rin sa inyo," bati rin nito.
"Kasi Mine, matagal ang paligsahan. Ang daming qualifications at isasala talaga kayo para mas deserving ang mananalo." Pareho na silang naupo.
"Ipatanggal mo ang pangalan ko," seryosong sabi ni GV.
"Why? Okay na 'yon. Gusto kong ikaw ang manalo para sa iyo mapunta ang maskara ni Lola."
"Mine? Hindi ako interesado. Please lang, ayoko ng gulo. Baka isipin pa nila na bias kayo lalo na kapag ako ang mananalo."
Humarap si LL sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Mas kilala ko ang pamilya ko kaysa sa kanila. Kung sino ang mananalo, alam kong deserving iyon," ani niya. Hindi papayag ang lola nila na mapunta lang sa walang kuwentang tao ang pinakainiingatan nitong maskara.
"A basta! Ayokong sumali!"
"Sumali ka," giit ni LL. "Gusto kong ang mapapangasawa ko ang mananalo."
"Busy ako," giit din ni GV.
"Matagal pa naman kaya alam kong magbabago pa ang isip mo pero kung ano man ang magiging desisyon mo,nandito lan ako, nakasuporta!" Isinandal niya ang ulo ni GV sa kaniyang kanang balikat. "Mine? Kailan mo balak magpakasal? Gusto ko, after graduation na."
Tiningala ni GV si LL. Ngumiti ito sa kaniya. Masasabi niyang masuwerte talaga siya kay LL. Sana huwag lang itong magbago at magloko. Ganoon naman, sa una lang masarap. Kapag tumagal na, doon na papasok ang maraming problema.
"Mine? Natatakot ka bang lokohin kita?" tanong ni LL nang makita ang pangamba sa mga mata ni GV.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni GV at niyakap si LL. Gusto tuloy niyang pagsisisihan ang ginawa pero huli na kaya in-enjoy na lang niya ang makulong sa mga bisig nito nang yakapin siya ni LL.
"Ang ginawa ni Bolivia, hindi ko iyon gagawin sa iyo, gusto ko sa kasalan na tayo uuwi," bulong ni LL saka masuyong hinalikan siya sa ulo at niyakap ng mahigpit. Kung puwede lang na makasal na sila, gagawin na niya pero alam niyang mahihirapan pa sila lalo na't kapag magpakasal sila, kailangan daw maging responsable sila sa pamilya at hindi na tutulong ang parents niya. Hindi pa sila handa sa bagay na iyon.
"Hindi ka pa makakasiguro, LL. Marami pa tayong bigas na kakainin at paliko-likong daan na tatahakin," mahinang sabi ni GV at inamoy si LL. Geez! Namamaligno na siya sa tuwing kasama si LL! Nakakababae na!
"Hmmm? Okay lang kahit na mahirap at matinik ang daan patungo sa simbahan. Basta ikaw ang kasama ko, kakayanin ko, makarating lang tayo sa dapat paroroonan."
"Fuck! Ang sarap magka-love life!" sigaw ni Lee Patrick. Pareho silang napaupo ng tuwid nang pumasok ang tatlong kapatid. Unang napansin nila ang hindi maipintang mukha ni John Matthew na dumiretso sa kusina.
"E di humanap ka ng babae!" nakasimangot na sabi ni LL. Istorbo ang mga ito sa moment nila ng kasintahan.
"Galit ka dahil na-istorbo kayo namin? May kuwarto ka naman sana roon mo dinala si GV," biro ni Jacob.
"Tumigil kang virgin ka!" panunuya ni LL.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" sabi ni Jacob.
"Virgin ka! Huwag mo nang i-deny!"
"Hoy!" singhal ni Jacob.
"What? Aminin mo, virgin ka pa!" ani LL.
"Tumahimik nga kayo! Ang ingay ninyo!" saway ni John Matthew na kakalabas galing sa kusina at may dalang banana turon.
"Isa ka ring virgin!" sabi ni LL. Hindi siya sigurado pero may kutob siya lalo na't umiiwas ang mga ito sa ganitong usapan.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" galit na sabi ni JM.
"Huwag mo nang patulan, may sayad 'yan!" pagpigil ni Jacob dahil susugurin na sana ni JM.
"Ba't kayo galit? Biro lang 'yon," sabi ni LL. "Unless, virgin pa talaga kayo!"
Tumahimik ang tatlo at nakipagtitigan lang kay LL na palipat-lipat ang mata sa kanila.
"Gusto kong kumain ng turon," sabi ni GV para mawala ang tensiyon sa pagitan ng magkapatid.
"Ako rin, gusto ko ng turon!" sabi ni Jacob at mabilis na tumungo sa kusina.
"Halata talaga ang guilty," bulong ni LL. Ito ang palaging nauunang umiiwas kapag virginity ang pag-uusapan.
Pasimpleng kinurot naman siya ni GV kaya tumahimik na.
"Mine? Sama ka sa Iloilo," yaya ni LL. Naalala niyang pupunta sila sa Linggo para mamasyal kasama ang parents nila.
"Ano ang gagawin natin doon?" tanong ni GV.
"Maliligo. Sige na, para makita mo ang magandang resort namin," pangungumbinse ni LL. "Maganda roon. Hindi ka magsisisi, promise!"
"Subukan kong magpaalam," sagot ni GV dahil mukhang mahihirapan siya sa mga kapatid.
"Ako ang bahala sa mommy mo," sabi ni LL. Alam niyang nakuha niya ang loob ng ina nito.
"Sina Kuya ang problema," sagot ni GV.
"Hanapan natin ng paraan 'yan," wika ni LL.
"Sus, mag-ingat ka diyan, GV, may masamang binabalak 'yan sa 'yo!" pagbabanta ni Jacob.
"Problema mo, virgin Jacob?" nakangising tanong ni LL.
"Hindi ka ba titigil?" napipikong tanong ni Jacob.
"Oo na, Jacob the virgin!" tukso na naman ni LL.
"Shutup! If I know, hindi ka natuli kung hindi ka pinatulog ni Lola Patch! King ina! Iyak ng iyak, ang duwag!" napipikong sabi ni Jacob.
"Hoy! Hindi 'yan totoo!" depensa ni LL saka dinuro ang kapatid.
"Totoo kaya 'yan!" sagot ni John Matthew. Tapos na sila ni Jacob pero ang dalawa, ang lakas ng iyak sa labas dahil ayaw magpatuli. To the rescue naman ang Lola Patch nila.
"Lola, nandiyan na ang killer, papatayin nila kami!" ginagaya ni Jacob ang iyak ni LL noong bata pa sila habang umiiyak sa labas.
"Puputulin talaga nila ang pitotoy ko," natatawang wika rin ni John Matthew. Parehong natameme sina Lee Patrick at Lance Leonard. Naalala pa nilang dalawa ang eksenang iyon. Sabay pa silang tumakbo at yumakap sa binti ng Lola Patch nila.
"Kung sino ang takot magpatuli, siya pa ang lakas mangtira ng babae! Lupit mo, bro!" pang-iinsulto ni Jacob. "Lumg hindi dahil kay Lola Patch, supot ka pa sana!"
"Shut up!" singhal ni Lance Leonard.
Napailing si GV sa kanila. Noong hindi pa niya nakakasama ang mga ito, puro negatibo ang iniisip niya sa quadruplets pero kapag mapalapit ka na sa kanila, doon mo matutuklasan ang mga ugali nilang apat lalo na ang kakulitan ng mga ito.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon