SHEMAN
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 26-27
Unedited...
"Ano ang ipapagawa mo sa 'kin, Prince Lance Leonard?" Parang batang utos-utusan na tanong ni GV kay LL. Nasa unit siya nito. Actually, kakagaling lang niya sa unit ni Jacob para maglaba. Kakasampay lang niya ng mga damit na nilabhan.
"Psh! Hindi na nahiya!" sigaw ng isip niya nang maalalang pati brief nito ay nilabhan pa niya. Iyon lang naman ang pinagawa niya kaya may time pa siyang silbihan itong si Lance Leonard.
"Magaling! Iyan dapat! Prince Leonard ang itawag mo sa akin!" nakangising sabi ni LL na nakaupo sa sofa.
"Ano ang ipapagawa mo? Dalian mo at nagmamadali ako!" Napipikon na siya rito. Kung puwede lang na ibalik ang araw, hindi sana siya umabsent ng apat na araw sa servicing nila. Tinatamad talaga siyang makasama ang apat pero seryoso nga si Dylan sa pagbigay ng penalty. Kung ang anak nga nito, dinidisiplina niya, siya pa kaya? Ngayon lang niyang napatunayan na may isang salita nga ito at walang konsiderasyon.
"Bantayan mo ang batang iyan sa kuna! May pupuntahan ako!" Napalipat ang mga mata niya sa batang natutulog sa kuna.
"Kaninong anak 'yan? May anak ka na?" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Lumapit siya rito at pinagmasdang maigi ang mukha ng bata. Ang cute!
"Anak ka diyan!" wika ni LL, "Walang ina 'yan at nagtatrabaho ang ama kaya bantayan mo muna!"
"Walang ina? Patay na?"
"Baliw! Nilayasan ng ina! Huwag ka na ngang magtanong! Bantayan mo at aalis ako! Magluto ka rin dahil dito kami kakain!"
"Katulong lang?" pamimilosopo ni GV.
"Ano ang gusto mo? Gawin kitang prinsesa?" Saka sinuri siya ni LL mula ulo hanggang paa na nandidiri pa habang nakatitig sa kaniya.
"Ikaw ang prinsipe ko? Yuck!" nasusukang sagot ni GV at umakto pang susuka talaga.
"Mas kadiri ka! Ewww!" ganti rin ni LL. Tumayo siya ay kinuha ang susi sa center table.
"Ayusin mo ang buong unit ko! At pakiusap, huwag kang magnakaw dahil kapag may mawala, pababayaran ko sa iyo nang double pa sa original na presyo!"
"Kapal mo! Tingin mo sa akin? Magnanakaw?"
"Hindi naman," ani LL. "Patay gutom lang. Huwag mo ngang lakasan ang boses mo! Magigising si Baby Red!" saway ni Lance Leonard. Sinadya niyang hiramin ang bata kay Blue dahil wala namang yaya ito. "O siya, maiwan na kita. Kapag may mangyari sa bata, gigilitan ka ng leeg ng mga Villafuerte!" bilin niya. Saka namutla si GV nang malamang anak ito ng sikat na singer/actor/dancer na si Blue Villafuerte. Naibalita rin na single dad ito.
Lumabas na si LL. May laro pa silang basketball nina Black sa gym ng condominium nila.
Pagdating niya sa gym, siya na lang ang hinihintay nila.
"Ang tagal mo!" reklamo ni Jacob. "Ni-rape mo pa yata ang tomboy na iyon."
"Yuck!" mabilis na sagot ni LL. "Baka ako ang gahasain niya!"
"Tama n'yo na nga 'yan. Naiinggit si JM!" sabat ni Lee Patrick.
"Mukhang may pinagkakaabalahan kayong chicks ah," puna ni Black.
"Wala po, Kuya Black. Hindi siya chicks! Pang sabong siya!" sabat ni Lance Leonard.
"Oo nga! Pang sabong siya sa iyo!" sabat ni John Matthew.
"Alam mo talaga kapag mahal mo ang isang tao. Kahit na kalaban ng lahat, ipagtanggol mo!" puna ni John Jacob.
"Huwag na nga ninyong pakialaman ang buhay ko!"
Kinuha ni JM ang isang bola para magsimula na sila sa paglalaro.
"Kuya Alwyn? Nasaan na po si Ate Nathalie?" tanong ni Lee Patrick sa binata habang nagpapahinga sila. Tatluhan ang labanan. Ang kakampi ni Alwyn ay sina Lee Patrick at Jacob habang ang dalawang kapatid ay kay Black naman.
"Itanong ninyo kay Black," sagot ni Alwyn. Medyo okay na silang dalawa ni Black. Nagiging maayos na ang pakikitungo ng binata sa kaniya pero kagaya nito, hindi siya palasalita. Kahit na walang pag-uusap, basta hindi lang sila nag-aaway ay okay na iyon. Alam naman niyang iyon din ang gusto ni Nathalie at Jigs na mangyari.
Sina Black ang nanalo. Matapos ang basketball ay sabay silang umuwi na apat. Si Alwyn ay sumama kay Black sa unit nito dahil doon na raw kakain ng tanghalian sabi ni Nathalie.
"Pustahan, umiiyak na siya dahil sa kakulitan ni Red," sabi ni Lee Patrick. Sanay naman itong pumunta sa ibang tao pero kapag firstime lang nitong nakita, nag-iinarte.
"Ang hard kasi ni LL kay GV," ani Jacob.
"Parang hindi nga tao ang turing niya kay GV eh!" sabat ni John Matthew. Siya ang naaawa sa dalaga.
"Mahal mo talaga ang tomboy na iyon, noh?" usisa ni LL. Kung mahal ito ng kapatid, wala na siyang magagawa pero ang pinakaayaw niya ay pakialaman din siya.
"Inamin ko na iyan kaya hindi mo na kailangang uulitin pa!" Napipikon na siya kay Lance Leonard. Hindi naman lahat ng oras ay kaya niyang intindihin ito.
"Ano ba ang nakita mo at nagkagusto ka sa kaniya?" tanong ni Lee Patrick. "John Matthew naman! Hindi naman sa ano ha, pero marami naman ang babae diyan pero bakit si GV pa? I mean, bakit sa isang katulad pa niya?" Nagtataka talaga siya kung ano ang nagustuhan ng kapatid kay GV. Pareho naman sila ng taste sa babae pero ang magkagusto ito sa tomboy? Isang napakamalaking question mark.
"May sira na yata siya sa tuktok!" pang-aasar ni Lance Leonard.
"Nahiya naman ako sa iyo! At least, marunong akong mag-seryoso! Hindi kagaya mo na puro pakikipagtalik lang ang alam! Akala mo, natutuwa si Lola Patch sa mga pinaggagawa mo?" Sagad na ang pasensiya niya sa mga ito lalo na kina Lee Patrick at Jacob.
"Hey, chill! Tomboy lang 'yan, brod!" saway ni Jacob. Malapit na sila sa unit ni Lance Leonard.
"Si JM kasi, pikon," depensa ni Lee Patrick.
"Nakakasakit na kasi kayo ng tao! Hayaan ninyo si GV sa gusto niya!" depensa rin ni JM.
"Alam mo, hindi naman namin inaaway si GV. Binibiro lang namin siya," malumanay na sabi ni LL. "In fact, saludo talaga ako sa kung paano siya magmahal. Akalain mo 'yon? Nakaya niyang magbigay ng flowers sa girlfriend niya? Eh, marami naman ang nagkakandarapa sa kaniya, 'di ba?" dagdag ni LL na ang mukha ay hangang hanga talaga kay GV. Mas lalong naggagalaiti sa galit ni John Matthew. Gusto niyang isigaw sa mga ito na sa kaniya talaga nanggaling ang bulaklak na iyon pero alam niyang aasarin lang siya ng mga ito at pagtawanan. Lalo na ni Lance Leonard.
"Well? Hindi ko kayang gawin iyon. Ang baduy!" natatawang sabi ni Jacob.
"Lalo na ako," sabi rin ni Lee Patrick.
"Ikaw ba, John Matthew?" wika ni LL, "Kaya mo bang magbigay ng bulaklak kay GV?"
Napahinto siya sa paglalakad at pinagmasdan ang mukha ni LL.
"What?" inosenteng tanong ni LL dahil kakaiba na ang awra ng kapatid. Parang isa siyang kriminal kung titigan ni John Matthew
"Wala!" Pinipigilan lang talaga niya ang kamao na manapak pero malapit na siyang sasabog. Konting-konti na lang!
Pinindot ni LL ang doorbell pero ang tagal bumukas ng pinto kaya pinindot na niya ang code.
"Ang tagal mong bumukas!" reklamo ni Lee Patrick at pareho silang napatigil nang makitang buhat na ni GV si Red na tumatawa.
"Say 'hello' to your tito's," sabi ni GV. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan. Mahilig siya sa mga bata kaya madali lang sa kaniya na makisama kay Baby Red. Ang bata naman ay tila kinikilala pa ang apat na pumasok.
"Tapos ka na bang magluto?" tanong ni Lance Leonard na naiinis sa nakikita. Hindi niya inaasahan ito. Ang gusto niyang madatnan ay halos iiyak na si GV dahil hindi nito kayang magbantay at alaga ng bata pero kabaliktaran ang nangyari. Mukhang nag-e-enjoy pa ito.
"Oo, tapos na. Kain na kayo. Bantayan ko lang ang batang ito!" sagot ni GV. Masaya siya dahil close na sila ni Red. Ang totoo, balak niyang magkaanak khit na ganito siya. Napag-usapan na nila ito minsan ni Olivia. Aampon sila ng dalawang bata para legal na magiging anak. Isang babae at isang lalaki. Baka sa kaniya ang egg cell ng lalaki at kay Olivia ang sa babae. Depende pa kapag makasal na sila.
"Wow, mahilig ka pala sa bata?" puri ni Lee Patrick.
"Oo," sagot niya.
"Bigyan ka ni John Matthew," biro ni Jacob.
"Oo nga, bibigyan ka niyan! Sa natural na paraan," sulsol din ni Lee Patrick habang nakatingin kay Matthew na naniningkit ang mga mata. Nagtatampo pa rin siya kay GV dahil sa ginawa nito sa bulaklak niya. Ni hindi man lang na-appreciate ang effort niyang panliligaw.
"Kain na nga tayo, nagugutom na ako," yaya ni Lance Leonard sa kanila at nauna nang pumunta sa kusina. Sumunod naman sina Jacob at Patrick.
"Matthew?" tawag niya sa binata kaya tumigil ito sa paglalakad pero hindi siya hinarap. "S-Sorry pala sa nangyari kanina. Hindi ko lang alam ang gagawin nang makita ni Olivia pero na-appreciate ko naman ang bulaklak. Wala lang talaga akong choice." Pakiramdam niya ay mabigat ang dugo ni John Matthew sa kaniya dahil sa ginawa niya. Kahit sino naman ay magtatampo.
Humarap si JM na maaliwalas na ang mukha kaya para siyang nabunutan ng tinik. "Talaga? Wala iyon. Naintindihan kita. Wala ka lang talagang choice," mahinang sabi ni Matthew. Ingat na ingat dahil baka marinig ng mga kapatid sa kusina.
"Tara, kain na tayo," yaya ni JM.
"Kayo na lang. Busog pa ako. Isa pa, walang magbabantay kay Baby." Masaya siya dahil may mabait naman pala sa quadruplets. Sana lang ay maintindihan siya ni JM na hindi talaga niya kayang magmahal ng lalaki.
"Maiwan na kita," paalam ni JM at lumapit sa mga kapatid.
"Masaya ka yata? Sinagot ka na ba ni GV?" tanong ni Jacob at isinubo ang kaning nasa kutsara.
"Hindi ah. May naalala lang ako. Huwag n'yo na nga akong pansinin!" Kumuha siya ng plato at nilagyan ng kanin. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si LL dahil tapos nang kumain. Sa sala siya pumunta at binuksan ang tv para kay Red. Tumawa ang bata nang makita ang ama sa tv.
"Pogi ba niya?" tanong ni GV sa batang nasa kandungan. "Daddy mo 'yan eh. Your superstar daddy!" Nagpapadyak ang paa ni Red na para bang naintindihan nito ang sinasabi ng dalaga.
"GV? Hindi pa tapos ang servicing mo sa akin," saad ni LL kaya napatingin ang dalaga sa kaniya.
"Tapos na."
"Hindi pa. Mag-e-extend ka sa akin!"
"Extend? Asa ka! Isusumbong kita kay Tito Dylan! Abuso na iyan!" Napasulyap siya sa remote na ipinatong ni LL sa mesa. Ihahagis talaga niya ito mamaya kapag mapuno na siya.
"Okay lang. Isusumbong din kita sa kasintahan mo." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni LL.
Ngumisi ito at makahulugang tinitigan siya sa mga mata. "Tungkol sa flowers na ibinigay ni John Matthew sa iyo." Napanganga si GV sa narinig. Alam ni LL na kay JM nanggaling ang hawak ng kasintahan?
"Your reaction tells me na pumapayag ka na." Pag-kumpirma ni LL na para bang siya ang nagwagi sa isang napakamalaking patimpalak na sinalihan!
"Walang hiya ka talaga, Lance Leonard!"
BINABASA MO ANG
SheMan
CintaShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...
