SHEMAN
by:sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 18-19
Unedited...
"GV? Magpahinga ka muna, 'tol," sabi ni Lee Patrick nang maupo sa tabi pero ipinagpatuloy niya ang pagpupunas ng mga bola.
"Hayaan mo siya!" saway ni LL sa kapatid at kumuha ng bottled water saka ininom. Kanina pa natutuyo ang kaniyang lalamunan pero tinatamad lang siyang kumuha ng tubig.
Pinunasan ni John Matthew ang pawis at nagbihis na ng damit. Uuwi na siya.
"Makauwi na nga rin," ani Jacob kaya nagsibihis ang apat.
"Mga walang hiya!" bulong ni GV at inilagay sa basket ang lahat ng bola. "Ako itong nagsabing maunang uuwi, tapos sila pa ang naunang nagligpit," bulong niya na nakasimangot.
"GV, tubig!" sabay hagis ni John Matthew ng mineral water sa kaniya.
"Thanks!" sabi niya at naupo sa gilid na medyo malayo sa mga ito. Isa-isa niyang pinagmasdan ang mga ito. Lahat ay guwapo. Napansin niyang nakapikit si John Matthew at napahawak sa sentido.
"May sakit ka ba, Matthew?" usisa ni Lee Patrick at hinipo ang leeg nito. "Anak ng--mainit ka!"
"Wala ito, pagod lang ako." Tumayo ito at lumapit sa pintuan.
"Sabay na tayo, baka mapa'no ka," nag-aalalang sabi ni Jacob.
"Ako rin," wika ni Lee Patrick. Lumabas na ang apat kaya naiwang mag-isa si GV. Ni hindi man lang siya tinulungan ng mga ito na isauli sa stock room ang mga bola.
Kaya naman niya kaya ginawa na niya kahit na naiinis na siya sa mga ito.
Nang matapos ay lumabas na siya. Hindi na niya ini-lock ang pinto.
Paglabas niya, sobrang dilim na ng paligid. Alas otso na kaya ang tahimik ng buong campus. Napatakip siya sa tainga at napasiksik sa pinto dahil sa pagkagulat. Ang lakas ng kulog na may kasama pang kidlat.
"Nalintikan na!" sabi niya at binilisan ang paglalakad. Naka-motor pa naman siya kaya tiyak, mababasa siya kapag sumuong sa ulan. Ang lakas at lalaki pa naman ng patak ng ulan kaya minabuti niyang maupo muna sa hallway. Mabuti na lang dahil nakabukas ang mga ilaw kaya nakikita pa niya ang daan.
Tinawagan niya si Olivia para ipaalam na nasa paaralan pa siya.
Naglakad-lakad siya dahil baka may katropa pa siyang naiwan pero ni anino, wala siyang nakita. Tanging mga nagsiliparang dahon at malakas na hangin ang nakikita at naririnig niya sa paligid. Patay ang ilaw sa guard house.
"Haist! Huwag nilang sabihin, ako na lang ang tao at mga multo sa paaralang ito?" bulalas niya at sinipa ang basurahang nakaharang sa daan.
Mayamaya ay tumunog anh kaniyang cellphone.
"Babe," sagot niya.
[Nasaan ka na?]
"Nasa school pa. Ang lakas ng ulan eh. May bagyo yata?" sagot niya habang nakatingin sa patak ng ulan na naaaninag dahil sa ilaw na nasa poste.
[Babe? May bagyo raw ngayon. Signal number three tayo]
"What?" bulalas ni GV. Pakialam niya sa weather forecast. Hindi naman siya ginagabi umuwi.
["Babe? Okay ka lang ba diyan?"] nag-aalalang tanong ni Olivia sa kabilang linya.
"I'm fine. Susuong na lang ako sa ulan kapag hindi pa tumila after thirty minutes," sagot ni GV at naupo sa silyang nasa labas ng classroom.
"Babe? Madulas ang kalsada. Mahirap magbiyahe at may mga falling debris pa. Baka mapa'no ka," nag-aalalang sabi ni Olivia.
"I'm okay, baby."
"Are you sure? Doon ka na lang matulog sa office ni Ma'am Alicia, may kama roon," suhestiyon ng kasintahan.
"Naka-lock siguro," sagot niya.
"Marami pa naman diyang bukas na rooms ng faculty. Doon ka na lang matulog basta huwag kang umuwi, please. Natatakot ako," naiiyak na ang boses ng dalaga sa kabilang linya.
"Babe? Don't cry. I'll be fine, okay?" paglalambing niya.
"Basta babe, huwag kanh umuwi kapag malakas pa ang ulan ha," pakiusap nito
"Sure, babe. Oh siya, baka ma-lowbat ako. Wala pa naman akong charger," paalam niya.
"Ingat ka diyan, babe. I love you," bilin ni Olivia.
"I love you, too." Pinatay na niya ang tawag.
Umangat siya ng tingin nang maramdamang paparating. Si LL, tumutulo ang basang buhok. Lahat ng katawan nito ay basa. Nakaputing manipis na tshirt ito kaya bakat na bakat ang pinkish nipples.
"Titingin-tingin mo? Huwag mo nga akong minamanyak kung ayaw mong masapak!" Pagbabanta ng binata.
"Nahiya naman ako sa 'minamanyak' mo!" nakasimangot na sabi ni GV.
"Bakit ka basa?" usisa niya.
"Sa tingin mo, bakit?" pamimilosopo ni LL. Wala na ang sasakyan niya at puro ducati ang natira sa parking area dahil ang sasakyan niya ang ginamit ng mga kapatid. Nang palabas na siya sa gate ay nakasarado ito at wala na guwardiya. Tatawagan pa sana niya ang mga kapatid para murahin pero hindi na gumagana ang basa niyang iphone kaya minabuti niyang bumalik na lang at sa tambayan matulog. Ang hirap din akyatin ng mataas na gate.
"Suplado!" sambit ni GV nang malayo na sa kaniya ang binata.
Pagkapasok ni LL sa tambayan ay agad siyang nagpalit ng damit. Suwerte lang niya dahil dala niya ang kaniyang susi.
Binuksan niya ang ref at kumuha ng maiinom at makakain. Patuloy pa rin ang malakas na hangin at ulan na may kasamang kulog at kidlat.
Binuksan niya ang tv at nanonood ng pelikula tapos mabilisang pumasok sa kuwarto para kumuha ng kumot at unan.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya nang makita si GV na nakaupo sa sofa.
"Makisilong." Tumayo ito at naglakad patungo sa ref.
"Hoy, lumabas ka nga rito! Bawal kainin 'yang mga pagkain!"
"Pahingi lang! Nagugutom ako!" saka kinagat ang malamig na pizza. Kanina pa kumukulo ang kaniyang sikmura.
"Lumabas ka nga sabi!" Hinatak siya sa damit ni LL para lumayo sa ref.
"Sige, kapag makauwi ako bukas, pupunta ako sa bahay ninyo para isumbong kayo kay Tita Ann!" Pagbabanta ni GV kaya natigilan si LL. "Sige, wala namang problema sa akin na sa labas ako matutulog. Hindi ko naman ikamatay ay gutom," sinamantala na niya ito at kunwari ay lalabas.
"T-Teka lang," natarantang pagpigil ni LL at hinawakan ang laylayan ng damit tshirt niya.
"Oh? Lalabas ako! Bitiw!" Kunwari ay seryoso siya.
"Dito ka na. Baka may multo sa labas,"
pangungumbinse ni LL. Kapag magsumbong ito ay wala na, lagot na sila sa ama't ina. "Sige na. Marami ang cake diyan sa ref."
"Hindi eh. Ayaw mo talagang magpatuloy rito," napakuyom si LL ng kamao dahil sa inis. Mukhang mahihirapan siya kay GV dahil likas na matigas ang ulo nito. "Sige na! Dito ka na rin matulog."
"Okay! Mabait ka naman palang kausap," kunwari ay napipilitan siyang mag-stay. "Puwede ko bang kainin ang makikita ko rito sa ref?"
"Sure. Kainin mo na lahat. Mag-grocery bukas si Manang." Na ang tinutukoy nito ay ang katulong nila na nakatalaga sa pamamalengke.
Naupo si LL sa sofa at pinalakasan ang volume ng tv para hindi marinig ang kulog at kidlat. Iniiwasan niyang mapadako ang mga mata kay GV na nakaupo sa dining area at sarap na sarap sa kinakain.
"Wala ba kayong alak?" tanong ni GV.
"Wala!" Naubos na nila noong isang araw at nakalimutang ipabili sa katulong.
"Ang ganda pala ng tambayan ninyo," inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng tambayan. Lahat ng gamit ay iisa lang ang kulay. Magmula sa kurtina, sofa, table at lahat ng gamit ay combination ng blackn and khaki. Very musculine. Lahat ay nasa tamang lalagyan.
"Kayo lang naman ang may tambayan na pang squatter," panunuya ng binata.
"Kayo na mayaman!" Naupo si GV sa harapan niya at nag-de kuwatro na para bang nasa bahay lang nila. "Saan pala ako matutulog?" Kanina pa siya inaantok. Nang nilibot niya ang buong campus, naka-locked ang lahat ng pintong puwede niyang tulugan kaya wala siyang choice kundi makisama rito kaysa sa umuwi siya. Walangbtao sa guards house kaya malakas ang kutob niyang naka-locked ang mataas na gate.
"Sa kusina," sagot ng binata at nahiga sa sofa at itinakip ang kumot sa katawan. Hindi siya sanay na matulog nang walang kumot.
"Talaga? Ganoon na pala tumanggap ng bisita ang mga Lacson? Dapat ko palang pasalamatan si tita Ann at tito Dylan," ani GV.
"Haist! Gamitin mo na ang kuwarto ko. Abuso ka na ah!" Singhal ng binata. Kanina pa siya nagtitimpi ng inis sa kausap.
"Galit ka, 'tol?" inosenteng tanong ni GV pero lihim na nagbubunyi ang kaniyang kalooban dahil alam niyang umabot na sa sukdulan ang pasensiya ni LL.
"Umalis ka na ngang tomboy ka sa harapan ko!"
"May tv ba sa kuwarto mo?" tanong ni GV at hindi inalintana ang nagbabagang mga mata ng binata na ngayon ay nakaupo na.
"Aalis ka o lamasin ko na naman 'yang makiit na suso mo?" pagbabanta ni LL.
"Manyak!" Mabilis na sigaw ng dalaga.
"Wala akong mamanyakin sa iyo! Isumpa na ang lahat ng tomboy sa buong mundo!" kulang na lang ay lalabas ang kaluluwa ng binata sa katawan dahil sa sobrang pagkainis kay GV.
"Isumpa na kayong apat lalo ka na!" ganti rin ng dalaga. Hindi siya papatalo rito kung asaran lang ang usapan. Sanay na siya sa dalawang kuya niya.
"Talaga? Huwag naman. Marami ang babaeng iiyak!" pagmamalaki ng binata na halos ikasuka ni GV.
"Huwag mo akong idamay. Yuck!" pakiusap ni GV.
"Wala naman akong planong idamay ka dahil kahit na humubad ka pa sa harapan ko, hindi tatayo ang pagkalalaki ko. Kahit nga mga daliri ko, hindi titigas sa maliit na dede mo!" pang-iinsulto ni LL.
"Same here," padabog na sagot ng dalaga at pumasok sa kuwarto.
"Akalain mo 'yon? Ako ang pinatulog niya rito at sa sala siya? Mabait na bata," nakangiting bulong niya at isinarado ang pinto.
"What the fuck!" reklamo niya nang sumalubong sa kaniya ang talsik ng tubig ulan mula sa sirang bintana ng kuwarto. Basa ang lahat pati kama kaya wala rin siyang mahihigaan.
BINABASA MO ANG
SheMan
RomanceShe-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontr...