2-3

1.9K 46 1
                                    

SHEMAN

by: Sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2-3

Unedited..
"Ugh!" Daing ng binatilyo habang iniinda ang sakit sa katawan. Madilim ang paligid dahil sa panyong nakapiring sa mga mata niya.
"QUIT KA NA BA?" Sigaw ni Lance Leonard.
"NO, MASTER!" Snappy na sagot nito. Humakbang paatras si Lance Leonard at buong puwersang sinipa siya sa likurang binti.
Nasa body contact na sila ng initiation.
"Ikaw!" Marahang sinimuntok niya ang tiyan ng katabi nito para malaman na ito ang inakausap niya.
"Ano ang password?" tanong nito.
"Bakit lumulubog ang barko, master!" Sagot nito at inihanda ang katawan sa suntok pero walang dumapo.
"Magaling," sagot ni John Jacob.
Mga lagabog na ng katawan ng sampung neophytes ang naririnig sa paligid. Nasa likuran sila ng resthouse ng mga Lacson sa Tagaytay. Makakapal ang dahon ng mga punong mangga sa paligid kaya kaunting sinag lang ng araw ang nakakalusot kahit na tanghaling tapat.
Sampung neophytes at bente otso silang miyembro ang sumunod. Ang iilan ay leader lang ng bawat chapter. Kapag ganitong may hazing sila, ipinapaalam nila sa ibang chapters at ang president at vice lang ang pinapapunta dahil kawawa naman ang mga neophytes nila kapag marami ang sasama.
"Tama na, Lance. Sadista ka talaga," saway ni John Matthew. Nakaluhod na ito at napapahawak sa tiyan dahil sa tila bakal na suntok ni Lance Leonard.
"Mapapatay mo na siya, may paddling pa tayo." Wika ni Lee Patrick at nilapitan ang inaanak. Siya ang nagpapasok dito kaya siya ang ninong ng neophyte. Kapag naka-survive na, brod na ang tawag nito sa kaniya.
"Psh!" Naiinis si Lance Leonard. Noong isang araw pa nangangati ang kamao niya. Gusto niyang manuntok kahit na sino lalo na sa tuwing maalala niya si GV! Desperado siya! Gusto talaga niyang suntukin ito pero dibdib ng babae ang bumulaga sa mga mata niya kaya hindi siya nakaganti!
"PADDLING NA!" Anunsiyo ng MI (master initiator) nila. Dalawa ang MI ng bawat chapter. Sila ang nagapangasiwa sa hazing lalo na sa pagpalo ng paddle. Sila ang may responsibilidad sa lung ano man ang mangyari during their initiation.
"Pahingi ng full swing sa bawat isa sa kanila," sabi ni Lance Leonard. Full swing ang tawag sa pagpalo bago maka-survive ang neophyte. Sauna ay 45° na palo muna at kapag full swing, wala nang limit ang layo ng tigapalo sa papaluin niya. Humingi rin ang tatlong kapatid na hindi naman kayang tanggihan ng MI nila dahil anak nga ito ng pinakapinuno ng lahat ng fraternities.
Natapos ang hazing na tila nabunutan ng tinik sa dibdib si LL dahil nailabas na niya ang galit sa pamamagitan ng pambubugbog sa sampung neophytes.
Pansamantalang pinapainom nila ng Asirhonians wine na gawa sa pinaghalong red horse, dark tanduay, dalawang hilaw na itlog, barnuts at pinagdidikdik na siling labuyo ang mga bagong kasapi ng grupo sa mahabang mesa na nasa dining room ng resthouse.
"Ako na ang gagawa ng ritwal ng dalawa," sabi ni John Matthew habang nakatingin sa ginagawa ng dalawang MI na pinapaso ng sigarilyo ang balat sa pagitan ng ring finger at pinky finger. Iyon ang ritwal o tattoo nila para tuluyan ka nang matawag na kasamahan nila. Kapag wala ka nito, hindi ka pa lubos na matatawag na "fully blooded asirhonians".
"Problema mo, Leonard? Wala ka yata sa sarili?" tanong ni John Jacob at naupo sa tabi niya. "You want some?' offer nito sa dragon sid na kinakain.
"Saan mo nakuha 'yan?"
"Sa bagong survived," sagot ni JJ, "Masarap."
"Ayoko!" Tanggi niya habang nakatingin kina Lee Patrick at John Matthew na pumapaso na ng sigarilyo sa dalawa.
"Masarap ba talaga 'yan?" curious na tanong ni LL dahil tila sarap na sarap sa pagkain ang katabi.
"Malinamnam," sagot nito at inabot ang isang supot sa kaniya. Sa sobrang pagtataka ay tinikman niya ito. Napamulagat ng mata si JJ sa ginawa ng kapatid.
"Damn, ang tigas naman! Ano ang masarap dito?" itinapon ni LL ang dragon sid.
"Ba't mo kinain pati balat?"
"Binabalatan pa ba 'to?" inosenteng tanong ni LL.
"Oo, ignorante ka talaga--ouch!" malakas na binatukan siya ni LL. "Bakit ka nangbabatok?"
"Bakit hindi mo sinabing binabalatan pa 'to?"
"Hindi ka naman nagtanong!"
"Eh kasi parang sinusubo mo lang naman."
"Ayan, oh. Balat ng nakain ko na," sabay turo ni JJ sa pinagbalatan.
"Balatan mo ako!" Utos ni LL.
"Ano ka? Senyorito?" bulalas ni JJ. "Makautos ka, wagas ah!"
"May reklamo ka, JJ? Baka isumbong kitang may lower grade ka!" Pagbabanta ni LL sa kapatid.
"Baka isumbong din kita na may binugbog ka!" Ganti rin ni JJ.
"E di isumbong mo!"
"Talaga! At babae ang binugbog mo kaya ka nagkakapasa--ouch!" muling binatukan siya ni LL at ngayon ay sobrang lakas na. "SUMUSOBRA KA NA, AH!" Sigaw niya at malakas na itinapon ang kinakain sa mukha ni Lance Leonard.
"Shit!" Mabilis na tumayo si LL para suntukin si JJ pero agad silang napigilan ng dalawang kapatid at pumagitna ang mga ito.
"Umalis kayong dalawa!" Pagtataboy ni John Jacob na susugurin sana si LL pero nakayakap si JM sa kaniya.
"Tigil na! Respeto naman sa mga bagong miyembro!" Napipikon din na saway ni Lee Patrick habang itinutulak si Lance Leonard palayo.
"Psh!" Itinulak ni LL ang kapatid at umakyat ng hagdan para magpalamig ng ulo sa kuwarto.
Kumpleto sa gamit ang loob ng resthouse. May mga medicine kit din dahil dito nagaganap ang initiation ng grupo nila, alpha sigma rho. May taguan din sila ng mga kagamitang ginagamit sa initiation lalo na ang nga paddles. Kahit na legal sila at sumusunod sa batas, hindi puwedeng hindi sila gagawa ng hazing. Bago pa man makarating ang mga pulis kung sakaling may makatunog sa kanila, nalinis na nila ang area.
Alas sais ng hapon ay nagsiuwian na sila. May waiver naman sila ng mga sasali sa kanila pero alam nilang dino-doctor lang ng mga iyon ang pirma. Sino ang tangang mga magulang na pipirma para lang paluin ng paddle at bugbugin ang katawan ng anak nila?
Hindi dumaan sa hazing ang quadruplets. Automatic na pasok na sila dahil apo sila ng sorority queen at noong buhay pa si Patch, inasikaso na nito ang lahat para sa kapakanan ng apo.
"Lola Patch," sambit ni Leonard habang nakatingin sa kisame. Nakahiga siya ngayon sa malambot na kama habang nakaunan ang ulo sa dalawang kamay. Nami-miss na niya ang lola. Dalawang taon na itong namayapa pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ni Patch. Sa kanilang apat, siya lang ang ayaw maniwala na wala na ito kaya kung anu-ano ang pinaggagawa niya sa buhay!
If only he could make a wish na mabuhay ng million years si Lola Patch niya, gagawin niya ang lahat. She was always there for them. From changing diapers, eating their meals and even during their circumcision day ay nandoon si Patch. Ito pa nga ang gumawa ng paraan para ma-circumsized sila ni Lee Patrick.
Alas singko ng hapon, bumalik na sila sa Maynila. Inabot sila ng dalawang oras bago makarating sa Pasay at sobrang traffic pa sa Heritage.
Mag-isang nagmamaneho si Lance Leonard ng ducati. Wala na ang mga kapatid. Hindi na niya alam kung saan sumuot ang mga ito para iwas-traffic.
Malapit na siya sa condo building na pagmamay-ari ng pamilya nang biglang may sumulpot na black honda civic sa harapan niya kaya napapreno siya na wala sa oras. Nagsibabaan ang limang nakaitim na tshirt na lalaki sa sasakyan at may mga dalang baseball bat.
"SHIT!" Pagmumura ni Lance Leonard at pinaatras ang motorsiklo pero may humarang din na kotse sa likuran niya.
"Tingnan natin ang tapang mo, Lance Leonard!" Nakangising sabi ng binatilyong may hawak na baseball bat na nakasampay sa balikat.
"Ano ang kailangan ninyo?" pinapakalma niya ang sarili. Lima sa unahan at tatlo sa likuran niya. Iniisip niya kung makakaya ba niya ang walo?
"Ikaw! Matapang ka, 'di ba? O matapang ka lang kapag magkasama kayong apat?" sabat ng isang kalbo na medyo may katabaan.
"Kayo nga, matapang dahil walo kayo at nag-iisa lang ako!" Sabat ni LL.
"Bawi-bawi lang--ouch!" Hiyaw nito nang binigyan siya ng isang solidong suntok ni LL sa sikmura. Nang sumugod ang isa pa nilang kasama ay agad itong sinipa ni LL sa tagiliran kaya napaatras ito ng dalawang hakbang pero hindi natumba.
"Lalaban, lalaban!" Nakangising wika ng isa nilang kasamahan. Madilim sa iskinitang ito dahil isang street light lang ang gumagana. Tanging ilaw ng mga sasakyan ang nagbibigay liwanag sa paligid dahil nakatago ang buwan sa makapal na ulap.
"SHIT!" Pagmumura ni LL nang may matigas na bagay na tumama sa ulo niya. Bago pa siya makahulma ay sunod-sunod na sipa na ang ginawa ng dalawa sa likuran niya kaya napaupo siya. Nahihilo na rin dahil sa sakit ng ulo.
"Paano 'yan? Mukhang kailangan mo nang magpaalam?" wika ng pinaka-leader nila at ikinasa ang hawak na baril.
Nanlalabo na ang paningin ni LL at tila katapusan na nga niya pero narinig niya ang maingay na mga motorsiklo palapit sa kanila at nilipad ang nakaharang na kotse. Nakakabinging tunog dulot ng pag-preno ng mga ito ang narinig nila.
"Black dragon gang!" Nakangising wika ng leader ng mga bagong dating nang huminto ang sinasakyan motor sa harapan ng gang na kalaban. "Mukhang may binibiktima kayo..."
Tuluyang natumba si LL sa malamig na kalsada dahil sa sakit na iniinda. Tanging mga ungol ng nasasaktan sa paligid ang kaniyang naririnig! Naglalaban ang mga ito! Biglang tumahimik ang paligid. Tapos na, may nanalo na sa pagitan ng dalawang grupo.
"Brod, si LL." sumbong ng isa nilang kasamahan sa leader at ininguso si Lance Leonard na wala nang malay.
"Hayaan mo siyang mamatay!" Nakasimangot na sagot ni GV.
"Loko, matatanggalan tayo ng lisensiya kapag malaman nilang hindi natin siya tinulungan!" Paalala ni Dani.
"Haist! Oo na, buhatin niyo na 'yan at dalhin sa pinakamalapit na hospital!" Napipilitang utos ng dalaga sa mga kasamahang t-boom din kagaya niya. Lahat ng black dragon ay nakahandusay na at gumagapang.
"Sa susunod na papatusin ninyo ang mga babae namin, morgue ang diretso ng mga katawan ninyo!" Pagbabanta ni GV na para bang isang hari kung makapagsalita. Sinipa niya ang nakahandusay na katawan ng leader ng mga ito. Napuruhan ito sa panga kanina nang suntukin niya. Muling sumakay siya sa ducati.
"Brod GV?" tawag ng kasama niya.
"Bakit?"
"Ikaw na ang magdala sa kaniya hospital," na ang tinutukoy niya ay si LL.
"Bakit naman?"
"Wala na pala akong gasolina!" sagot nito.
"Ikaw magmaneho, hawakan ko na lang siya, brod! Mahirap nang kalabanin ang mga Lacson," Suhestiyon ni Dani. Pinagtulungan nilang maisakay ang wala nang malay na katawan ni LL at dinala sa pinakamalapit na hospital. At nang nakarating na sila ay sinagot ni GV ang tumatawag sa cellphone ng binata para ipaalam na nasa hospital ito.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon