66-67

1K 36 0
                                    

SHEMAN

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 66-67

Unedited...
"Uuwi ako!" singhal ni GV sa kaniyang ama na kakapasok lang sa kuwarto niya. Dalawang buwan na siyang nasa Japan at hindi makahanap ng tiyempo para makatakas.
"Kapag sinabi kong hindi, hindi ka uuwi!" makapangyarihang wika nito at nilabanan ang masakit na tingin ng anak.
"How could you do this to me? Are you really my father?" galit na tanong niya habang nakatayo sa harapan nito
Nandito siya sa loob ng kuwarto na bantay sarado ng mga tauhan ng ama. Kahit bintana, wala kaya hindi siya makakatakas. Kumpleto ang gamit ng kuwarto at closely monitored siya sa cctv. CR lang ang walang camera pero wala ring matatakasan. Kahit kaunting siwang, wala.
"This is for your own sake!" giit ng ama.
"For my sake? Or for your dirty, stupid and dull-witted interest?" she shouted. Mababaliw siya sa loob ng puting silid na ito.
"For our family!"
"We're not family!"
"I am still your father, GV!"
"You've never been a father to us! You were dead!"
Ngumisi ang ama na lumapit sa kaniya at nangigigil na pinisil ang baba niya. "Ako ang ama mo kaya ako ang masusunod! Gagawin mo ang lahat ng ipinagagawa ko kung gusto mong tumahimik ang buhay mo!" Sabay bitaw sa baba ng anak.
"Hindi mo hawak ang buhay ko! Ako pa rin ang masusunod!"
"Get ready, we have four months left para ipakilala kita sa fiance mo!" seryosong sabi nito.
"N-No!"
Pero tila bingi ang ama kahit na ano ang pakiusap niya. "Sa loob ng apat na buwan, pahabain mo ang buhok mo at umarte kang babae sa harapan ng pamilya nila! Magpapadala ako ng trainer mo."
"Lalaki ako!"
"Act as a lovely lady. Hindi kita ginawa para maging lalaki at makipag-finger sa kapwa babae!" galit na sabi ng ama.
"Sana hindi mo na lang ako ginawa kung hindi anak ang turing mo sa akin!" Kinuha niya ang unan at itinapon sa ama pero hindi pa rin ito natinag.
"Tomorrow will be your first day of training, magpahinga ka na."
"I hate you!" singhal niya pero pabagsak na isinara na ng ama ang pinto kaya wala siyang magawa kundi ang umiyak na lang. Ubos na ang kaniyang mga luha sa kakaiyak. Namumugto na nga ang kaniyang mga mata.
Kinabukasan, maaga pa siyang pinasok ng babaeng magtuturo sa kaniya ng tamang kilos ng babae.
"Can I have a cup of orange juice please?" pakiusap niya rito.
"Okay," ngumiti ito at lumabas dahil walang katulong na pumunta kaya mabilis na hinalungkat niya ang bag nito. Alam niyang ilang sandali pa ay papasukan na siya ng nagbabantay sa cctv. Dali-daling lumapit siya sa harap ng salamin at gigil na gigil na ginupit ang maikling buhok.
"Ma'am, tama na!" sabi ng lalaking pumasok pero hindi si GV tumitigil kaya hinila na siya nito.
"Bitiwan mo ako!" Nagpupumiglas siya pero ang lakas nito at mabilis na naagaw ang gunting. Saktong napadaan ang kaniyang ama.
"Ano ang nangyayari rito?"
"Boss, ginupit niya ang buhok niya," sumbong ng lalaki kaya galit na hinawakan nito sa braso ang anak.
"Gusto mo talagang mapahamak? Gusto mong malagay sa alanganin ang ina mo?" nanlilisik ang mga matang sabi nito kaya natigilan si GV.
"H-Huwag mong idamay si Mommy!"
"Kaya kong patayin ang ina't kapatid mo kapag hindi ka sumunod sa plano ko!" pagbabanta nito at mas lalo pang tumiin ang mga kuko sa kaniyang balat. Kulang na lang ay durugin siya ng ama.
"B-Bakit mo ba ginagawa sa akin ito?" umiiyak na namang tanong niya. Kung siya lang, walang problema kahit na patayin pa siya pero kapag idamay nito ang mga kapatid lalo na ang kaniyang ina, hindi niya makakaya.
"Dahil lahat tayo ay mamamatay kapag hindi ka nila magustuhan!" sagot ng ama.
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
Nagdadalawang isip na tinitigan siya ng ama pero sa bandang huli, mas pinili nitong aminin ang totoo.
"May utang ako sa kanila ng mahigit tatlong daang bilyon na kahit ano man ang gagawin ko, hindi ko na iyon mabayaran. If hindi ko sila mabayaran, lahat tayo ay papatayin nila."
"So? Ako ang pambayad? Malaki naman pala ang halaga ko?" nanlulumong sabi ni GV at napaupo sa silya na nasa tapat ng drawer.
"Iyon ay kung magustuhan ka ng anak nila."
"Sino siya? Matandang hukluban na ba ang ipapakasal sa akin?"
"Ka-edad mo lang," sagot ng ama. Akala niya, siya na ang pinakamakapangyarihang Mafia boss pero nagkakamali siya. Wala sa blacklist ang pangalan ng Jawaki family. Lahat ng nakabangga niyang business nila ay sinira niya. Nang malaman ng mga ito, tinugis sila at pinatay ang mga mapagkatiwalaang tauhan niya sa harap niya mismo at pinagbantaang kapag hindi niya mabalik ang pera, papatayin silang magpamilya. Nangungunang Mafia boss ang angkan ng mga ito sa buong distrito ng Japan kaya wala rin silang takas sa Jawaki family. Naging saksi na siya ng mga pinapatay nila kaya alam niya kung gaano ka delikado ang mga ito. Noong una, akala niya ay business lang ang pinagkaabalahan ng buong pamilya pero natuklasan niyang mas double pa ang kapangyarihan nila kaysa sa kaniya. Walang nakakaalam sa sikreto ng mga Jawaki kundi siya lang dahil siya lang ang bumangga sa mga ito.
"Nakasalalay sa iyo ang lahat; Ang buhay ko, buhay ng mga kapatid mo at buhay ng mommy mo!"
Napakagat si GV sa ibabang labi. Mukhang wala na siyang kawala sa sitwasyon. Masyadong malaking halaga ang nakupit ng ama na alam niyang sa walang kuweng bagay lang nito inilaan.
"P-Puwede bang humingi ako ng kahilingan bago ko sundin ang nais mo?" mahinang pakiusal niya.
"What is it?"
"I need to see and hug my cat."
"'Yon lang ba?"
"Y-Yes," malungkot na sagot niya at pinahidan ang mga luha. "...wait..."
Lalabas na sana si Mr.Potoy pero muling tumawag ang anak. "And my Mickey Mouse headband, shirt and bouquet," pakiusap niya. "It is in my drawer near my bed."
"Okay, I'll ask your brother to send them all!"
Hindi na siya nagsalita. Para ano pa? Para magpasalamat dahil ibibigay nito ang hiniling niyang mga ibinigay ni LL? Huwag na! Alam niyang mayaman sina LL pero wala rin namang magagawa ang mga ito dahil utang ito ng ama niya. Isa pa, hindi rin naman siya sigurado kung gaano kalalim ang pagmamahal nito sa kaniya.
After 6 months...
" Hi, ikaw pala ang mapapangasawa ko?" nakangiting wika ng binatang nakaupo sa harapan niya. Mga anim na talampakan ang taas nito. Maputi. Makinis ang kutis. Mukhang Japanese pero mas nangingibabaw ang dugong pinoy ng kaharap.
"I-Ikaw pala si Jiro," ani GV at nginitian ang binata. Nasa visitor's room sila at binigyan sila ng pagkakataong makapag-usap. Guwapo ang binata. Wala siyang masabi. Ito na yata ang pinakaguwapong nakita niya sa buong Japan. Sana lang ay mabait ito.
"Monay, no!" saway niya sa pusang lumapit sa kanila at umakyat sa upuang nasa tabi ni Jiro.
"Nice cat!" magiliw na sabi ng binatang mas bata lang sa kaniya ng isang taon.
"Thank you." Nakahinga siya nang maluwag dahil mukhang okay lang naman ditong makita ang pusa.
"GV? You're beautiful!" manghang sabi ni Jiro na hindi maalis ang titig sa mukha ng dalaga. Nakalugay ang lagpas hanggang tainga ang buhok nito at nakasuot ng puti pero simpleng bestida.
"Thank you," namumula ang mukhang pasalamat ni GV.
"I guess, we could settle everything before we get married," sabi nito kaya biglang lumungkot ang mukha ni GV. "I want to know more about my fiancee.'
"W-Wala ka bang ibang kasintahan?" tanong ng dalaga na umaasang sana ay may mahal itong iba.
"As of now, no. I don't have any. So? Let's go out often for a date?" Napansin niya ang alinlangan sa mga mata ng dalaga kaya ngumiti siya para maging kampante ito. "'Cause frankly speaking, I like you!"
"J-Jiro kasi..."
"I am willing to wait, Maye. Again, dahan-dahinin lang natin hanggang sa dumating ang araw na magugustuhan na natin ang isa't isa."
Isang tipid na ngiti ang ibinigay ni GV bilang tugon. Alam niyang mabait si Jiro at sana lang, maawa ito sa kaniya pero alam niyang kahit ano ang mangyari, hinding-hindi nila nababayaran ang bilyon na utang ng ama.
Matapos niyang kausapin ang pamilya ng fiancè niya, muli siyang bumalik sa kaniyang kuwarto. Dinampot niya ang pusa na kumikiskis at naglalambing sa kaniyang mga mata at dinala sa kama.
"H-Hindi kami para sa isa't isa," bulong niya at hinalikan si Monay sa ulo. "S-Sana maunawaan mong h-hindi kami ang itinadhana."
Bitbit ang alagang pusa, bumaba siya at nakiusap sa ama na lalabas lang siya. Sa una ay hindi ito pumayag pero nagpumilit siya hanggang sa pumayag ito pero dala ang sampung bodyguards na nakasuot ng itim na jacket at pantalon. Obvious talaga na nasa Mafia world sila!
Yakap-yakap niya ang pusa habang nagbabiyahe at hinayaang tumulo ang mga luha. Pagod na siya. Nakakapagod din ang magmahal lalo na't hindi siya sigurado kung may babalikan pa siya.
Tatlo ang sumunod sa kaniya sa loob ng isang gusali. Matapos makausap ang may-ari at ayusin ang lahat ng hinihingi nito, ibinigay niya ang pusa kahit na ayaw niya.
"Please take good care of her. S-She likes wet food. S-She likes to cuddle before she goes to sleep. S-Shower her once a week. C-Cut her hair t-twice a year," she said.
Hinimas niya ang ulo ng pusang nakatingala sa kaniya na para bang nagtatanong kung ano ang nangyayari.
Meow!
Pinahidan niya ang mga luha. "It's okay, safe ka sa k-kanila. H-Hindi ka nila pababayaan. P-Pasensiya ka na..." Tumigil siya sa pagsalita at pinahidan ang mga luha.
Nang tumalikod siya, agad na tumalon ang pusa at humabol sa kaniya.
"D-Doon ka na!" pagtataboy niya.
Meow!
Mas lalong tumulo ang mga luha niya nang marinig ang lungkot sa boses nito na para bang nagmamakaawang huwag siyang iiwan. Alaga niya ito kaya kabisado na niya ang pusa.
"H-Huwag mo na akong pahirapan pa!" Kinuha ng binatilyo ang pusa kaya patakbo siyang lumabas at pumasok sa sasakyan. Sariwa pa sa alaala niya ang eksena matapos nilang bilhin ang mga pusa.
" Mine? Akin na ang isang pusa," sabi ni GV.
"Uy, nagma-mine na ang girlfriend ko," tukso ni GV na halatang natutuwa sa mga naririnig.
"Gusto mo o ayaw mo?"
"Gusto ko. Masarap nga pakinggan e. Isa pa nga, Mine!"
"Tumigil ka! Akin na ang isang pusa, ako na ang bibitbit."
"Huwag na, Mine. Gusto ko kasing babae ka habang ako ang kasama mo," pagtutol ni LL.
"Hindi nakakabawas sa aming mga babae ang pagbitbit ng ganitong pusa!" Natatawa siya sa sarili. Kinakarer na talaga niya ang pagiging babae. Iyon kasi ang usapan nila ni LL-na subukan niyang magpakababae pero ang hirap! Nagmumukha siyang bakla!
"Kahit na. Ako lang ang bibitbit sa kanila," giit ni LL. Ang isang pusa ay kulay white na may halong gray at ang isa naman ay kulay orange.
"Ano ba nag kasarian nila?" tanong ni GV. Ang cute at ang laki ng mga pusa. "Akin na lang ang gray ha."
"Babae at lalaki. Itong white, babae at itong orange, lalaki."
"Talaga?"
"Oo, Mine. Paramihin natin sila," suhestiyon ni LL.
"Sige. Puwede rin para happy family sila."
"Sige, kapag pupunta ako sa bahay ninyo, magbo-body bonding sila," excited na sabi ni Lance Leonard kaya natawa si GV.
"Saan mo nakuha 'yang body bonding na 'yan?"
"Kina Daddy. Alam mo namang masyadong clingy ang daddy ko," sagot ng binata.
"As if na hindi ka nagmana sa kaniya." Now, she knows kung saan nito nakuha ang pagiging clingy.
"Hmm? Clingy ba ako, Mine?"
"A, hindi! Sino ba ang may sabing clingy ka?" pamimilosopo ni GV.
"Eh, sa gusto ko talagang palagi kitang hawak!"
Napapalingon ang mga nakakasalubong nilang estudyante pero as usual, dedma lang ang magkasintahan.
"M-Mine? Ano pala ang ipapangalan natin sa kanila?" tanong ni GV. Medyo namimilipit pa ang dila niya sa endearment nila pero hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Napapasunod siya ni LL.
"Ang sa akin, si Pitoy," sagot ni LL, "Para maalala kita kapag kasama ko siya."
"Potoy," pagtatama ni GV. "Ano kaya ang sa akin?"
"Alam ko na, Mine!" nakangiting wika ni LL na para bang mayroon siyang isang bright ideya.
"Ano?"
"Monay!" sagot ni LL na ikinasimangot ni GV.
Tumigil si GV at namewang. "Wala ka na ba talagang ibang maisip?"
"Bakit? Ano ang masama? Bagay naman sila ah. Sa akin, Pitoy, sa iyo, Monay!"
"Letse ka!" singhal ni GV. Ang ganda ng mood niya, sinisira ni LL.
"Hala! Makamura ka parang hindi mo ako boyfriend a!"
"A? E di, break na tayo nang mamura kita!"
"Haist! Bakit ba ganiyan kayong mga babae? Mabilis lang ang sabihing break! Parang sinasabi lang ninyong kakain dahil nagugutom kayo! Ganoin lang ba kadali?" mahabang litanya ni LL. Pareho na silang nakatayo sa side walk.
"Seryoso ako sa tanong ko!" tumaas na ang boses ng dalaga.
"Seryoso rin ako sa sagot ko!"
Hinila siya ni LL para tumabi dahil may mga dumadaan.
"Ayaw mo ng Monay? E di si Pussy na lang!"
"Seryoso ka ba talaga?" panigurado ng dalaga.
"Mukha ba akong nagbibiro? Pussy o Monay?"
Hindi kumibo si GV. Nakatingala lang siya sa binata.
"Shit! Seryoso talaga siya!" bulong niya.
"Kahit alin na lang ang piliin mo, Mine. Monay o Pussy, basta magba-body bonding sila ni Pitoy ko!"
Napalingon ang apat na estuyanteng babae sa kanila at makahulugang tiningnan ang dalawa.
"Bunganga mo, LL!" saway ni GV at napayuko. Kung puwede lang niyang takpan ang mukha para hindi siya mamukhaan ng mga nakarinig, gagawin niya. "Halika na, may pasok pa ako!"
"Let's go, Ma'am?" tanong ng driver na nagpabalik sa kaniya sa reyalidad.
"Y-Yes please..."
Sa huling pagkakataon, umiiyak na sinilip niya sa bintana ang pet orphanage na pinag-iwanan niya sa alagang pusa.
"H-Hindi ko na kaya. B-Binibitawan na kita..." umiiyak na sabi niya at tuluyan nang pinaandar ng driver ang sasakyan hanggang sa makauwi sila sa bahay.

SheManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon